Epilogue

3.7K 183 61
                                    


NAPANGITI si Miles nang maramdaman niya ang yakap mula sa likuran niya. She was very familiar with that touch. Naroon sila sa deck ng isang yate na nasa gitna ng karagatan. Lumingon siya at nasilayan niya ang magagandang pares na asul na mga mata ng lalaking pinakaiibig niya mula noon hanggang ngayon.

It had been exactly a week after she became this man's servant. Tuluyang nagbalik ang kanyang mga ala-ala sa nakaraan niyang buhay nang maging ganap ang ritwal. Natatandaan niya pa ang huling sinabi sa kanya ni Ramses noong pitong taong gulang siya.

"I will come and get you soon. Kukunin kita kapag nasa tamang edad ka na."

She was eighteen when she personally met her benefactor. Lumaki siya sa isang orphanage pero nagkaroon siya ng sariling sponsor kaya nakapag-aral siya ng college. Doon niya nakilala sina Ramses at Raven. At sa pagtatagpong 'yon nila ni Ramses ay nakaramdam na agad siya ng matinding atraksiyon dito. Bagay na kailanman ay hindi nangyari sa kahit na sinong lalaki. But that attraction had something in it. Saya, lungkot, pananabik, at sakit. Sumasakit ang dibdib niya sa tuwing nasisilayan niya ito at naroon ang urge na humagulgol ng iyak. Hindi niya kayang ipaliwanag pero naroon ang damdaming 'yon sa dibdib niya na hindi maalis-alis.

Saka niya lang naintindihan ang lahat pagtuntong niya ng twenty-one. Luminaw ang mga ala-ala at nalaman niyang imortal si Ramses. And when he finally took her as a servant, she became free from those endless questions.

At ngayon nga ay magkasama na silang dalawa. Sa hinaba-haba ng paghihintay nila, sa wakas ay nagkaroon na rin ng katuparan ang kanilang pag-iibigan.

"I love you..." sabay nilang sambit sa isa't-isa. They kissed and savored each other's presence. They would travel the world like they planned. Hindi nila alam kung hanggang saan o hanggang kailan. The most important thing was... they were living together under the same sky and over the same land and sea. Yes, it was a happy ending.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Raven looked at his surroundings while holding a letter in his hand. Walang matinong bahay sa lugar na 'yon ng mga indigents. Barung-barong, masukal, at maputik ang daan. But still, he had to keep his promise.

Take care of her . Iyon ang mga huling salita sa maigsing sulat na natanggap niya ilang taon na rin ang nakakaraan.

Ilang sandali pa ay namataan niya ang isang dalagitang naglalakad sa makitid na eskinita. Naka-uniform ito ng pang-highschool at may sukbit na bagpack. Dere-deretso itong naglakad matapos sipain sa sikmura ang isang lasenggong pabirong umakbay dito. Tinadyakan din nito ang mesa ng mga nag-iinuman sa isang tabi na mukhang tinutukso ito. 

"Lalaban kayo?" Inambaan nito ng kamao ang dalawang lalaking nagtangkang tumayo. Bigla ring umupo ang mga ito na parang nahintakutan sa dalagita. "Ayusin niyo buhay nyo. Huwag niyo akong pagtripan ganitong mainit ang ulo ko."  

Napaangat ang kilay ni Raven dahil tila walang takot ang dalagita. O marahil ay sanay na ito sa ganoong klaseng buhay. Palapit ng palapit sa kanya ang dalagita at saka niya napansin ang pasa nito sa pisngi at ang sugat nito sa gilid ng mga labi. Halos kumawala din ang buhok nito mula sa pagkakapusod. Gusot ang uniporme at may mantsa ng dugo at putik.

Nakayuko ito habang naglalakad at malamang ay hindi siya napansin kaya bumunggo ito sa kanya. Simpleng umiwas lang ito pagkatapos at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Ni hindi nag-sorry o nagpasintabi.

Raven sighed as he looked at the back of the girl.

"I hope she's not the one I'm looking for."

****

Sequel: Dear Raven (ongoing po siya sa account ko and this one is the story about Raven Reed/Raven Trinity)

Warning: The Servant is an original work of the author and you can only read it on wattpad. Any other sites with it's content is plagiarize. SAY NO TO PLAGIARIZING!   

Author's announcement: To all the readers who like The Servant, please vote and comment because it will help the story to qualify on Wattys 2020. Kahit hindi manalo okay lang, basta try lang tayong magpasa ng entry. Thank you cupids and godbless!  

- Amethyst -  

The Servant [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon