"What does it pertain?" malamig na tanong ni Ramses sa babaeng nasa tabi niya sa loob ng simbahan ng tanghaling 'yon.
"Tulad ng hinala mo. Darating siya," sagot ng babaylang si Lora.
Mariing pumikit siya. "You said she's not going to come at least for hundreds of years."
"Wala akong sinasabing ganyan. Ang sinabi ko lang ay iba ang babaeng iniibig mo sa babaeng itinalaga sa'yo ng kalangitan." Pinagmasdan nitong mabuti ang hour glass na hawak. "Blue rose symbolized the life of a witch. But this flower bloomed because of blood, deaths, and sins. Sa nakikita ko'y hindi isang disenteng babae ang mangkukulam na nagkaroon ng kaugnayan sa'yo sa nakaraan mo, mahal na pharaoh."
"She's a Nubian."
"Oh, a Nubian. Isang grupo ng itim na mananayaw para sa ilang okasyon at pagtitipon sa templo ng Diyos na si Hathor sa Memphis at sa templo ng Karnak ng Diyos na si Amun sa Thebes. Sasabihin mo na ba sa akin ngayon kung ano ang pangalan niya?"
Matagal bago siya sumagot. "Irena. Anak ng mangangasong si Danek at ng isang Nubian na si Sulib. Her name is Irena."
"Noong mga panahong suot mo pa ang Nemes at Ureaus bilang simbolo ng pagiging isang pharaoh mo, inibig mo na ba ang babaeng ito?"
"Nakuha niya ang atensiyon 'ko sa isang pagtatanghal na ginawa ng grupo nila sa Thebes. I courted her to be one of my concubine but she rejected me and offered something I couldn't turn down."
"Isang pangako ng imortal na buhay, tama ba ako? Iyon ang ninanais ng lahat ng pharaoh maging ng iyong ninuno."
Nagmulat siya ng mga mata. "I was wishing for something I'm not really prepared. Pinasok ko ang pinto ng impiyerno sa pag-aakalang nasa likod no'n ang paraiso."
"May kapalit ba ang pagbibigay niya sa'yo ng imortal na buhay?"
"Ang puso at kaluluwa ko."
"Kaya ka niya pinaslang at muling binuhay. As a king of your country, you were bound by a responsibility to couple a lot of women with political values and produced many offspring as much as possible to be your heirs. That witch didn't want to be just one of your concubines. Ginusto niyang maangkin ka ng buong-buo at gumawa siya ng hakbang para mangyari 'yon. But there's always a price to pay for any forbidden acts. Naging imortal ka nga pero kailanman ay hindi mo nakamit ang kasiyahan at kapayapaan. And that woman was punished for her sins. Alam mo ba ang isang bagay na hinding-hindi puwedeng gawin ng isang mangkukulam sa mundong 'to?"
Tumingin siya sa harap ng altar ng simbahan kung saan naroon ang malaking krus. "Ang kumitil ng buhay ng tao."
"That's right. Their souls were sent to aid the people. Not to take their lives. But that woman killed you, your concubines, and your servants. Si Azaleah at Primera, pinagbayaran din nila ang mga kasalanan nila. The heavens would not allow them to be reborn once they died."
Kumunot ang noo niya. "Are you telling me that Irena will not be reborn? Pero sinabi mo sa aking magbabalik siya."
"Oo, magbabalik siya. Subalit hindi mula sa kabilang-buhay." Iniumang nito sa kanya ang hour glass. "Ang asul na rosas na ito ang nagpapatunay na kailanman ay hindi siya namatay."
Natulala siya sa narinig. "Anong ibig mong sabihin, Lora?"
"I already told you that blue rose symbolized a witch's life. Ngayon ay nakikita ko na ng malinaw ang mga bagay-bagay nang ikumpisal mo sa akin ang lahat. Nakita ko siya sa pangitain ko dahil kailanman ay hindi umalis ang kaluluwa niya sa mundong 'to. That witch was only asleep for three thousand years. She put her body in a cold sleep using forbidden spells. Kaya nabalot ng di nababasag na kristal ang bulalak. Alam niya ang kabayaran sa kanyang kasalanan kaya gumawa siya ng paraan para hindi magbalik ang kaluluwa niya sa kalangitan. At ngayong nabasag na ang kristal sa loob ng hour glass, isa lang ang ibig sabihin no'n."
BINABASA MO ANG
The Servant [COMPLETED]
VampireMiles entered Ramses' abode without knowing what she was getting into. Isang misteryosong lalaki si Ramses at aware siyang may kakaiba dito. Na hindi ito normal na tao. Nanilbihan siya sa loob ng tahanan ng binata at saka niya nadiskubre ang malagim...