Eternity 07

2.1K 87 13
                                    


Tinitigan ni Ramses ang babaeng namimilog ang mga mata mula sa pagkakadagan niya dito. She was the same florist who broke into his room that night in Zito's wedding. There was no way he would forget those clear innocent eyes—which stared at him right now like he was the reaper of death.

The girl gasped so harshly and tried to push him away all of a sudden. Subalit hindi niya halos naramdaman ang ginawa nitong pagpalo sa balikat niya. Napakurap siya nang hindi pa rin ito tumigil sa pagtulak sa kanya. But that amount of force was futile.

Humihingal na tumingin ito sa kanya. "Ano ka ba? Pader? Bakit hindi ka man lang natitinag?"

"Because you're weak," honest na sagot niya.

"Then puwede bang ikaw na mismo ang lumayo? Gusto 'ko nang tumayo."

Kalmadong sinunod niya ito at umalis siya sa pagkakakubabaw dito. Mabilis itong umatras nang makatayo. Itinuro siya nito. "I-ikaw! A-ano ka ba? Bakit nakakatalon ka ng ganoong kataas? Ninja ka ba?"

"Di 'yon ganoong kataas. Imahinasyon mo lang," pagmamaang-maangan niya.

Kumunot ang noo nito. "Niloloko mo ba ako? Twenty-twenty ang vision ko. Alam 'ko kung ano 'yong nakita ko. Tinalon mo 'yang bakod na sobra-sobra pa ang taas sa highest record ng high jump sa Olympics. Halos lumipad ka na nga e."

"Walang maniniwala sa'yo." Tinangka niya itong lapitan pero muli ay alertong umatras ito.

"Oops! Teka lang. Anong gagawin mo sa akin?"

"I'll make you forget what you see," balewalang sabi niya. Bakit ba kasi hindi niya ito naramdaman? He could feel the presence of an immortal and a servant but he couldn't detect the presence of this human. It was odd.

Lumatay sa maamong mukha nito ang magkahalong takot at pag-aalala. "P-papatayin mo ako por que nakita 'kong nag-ala-superman ka?" she assumed.

Ramses couldn't suppress a smile. "I won't go that far just to make you forget, lady."

"Bakit? May super powers ka ba? May ginawa ka ring kakaiba sa akin noong gabing makita kita sa mansiyon. Biglang gumaling 'yong mga sugat ko. May kinalaman ka ba doon?"

Doon na siya pinangunutan ng noo. "Naaalala mo ako?"

"Oo naman. Pati 'yong blue rose at 'yong weird na kabaong doon sa third floor ng mansiyon niyo."

Nagtatakang pinasadahan niya ng tingin ang dalaga. 

Did Raven fail to erase the memory of this kid? 

Umiling si Ramses. That couldn't be possible. Ngunit ano pa man, siya na mismo ang kailangang bumura sa naiwang bakas niya sa ala-ala nito. 

"Look at me, lady. Look me in the eyes," he commanded in a straight tone. Umangat ang isang kilay nito pero sinalubong nito ang kanyang mga mata. At iyon ang hinihintay niyang pagkakataon. Inutusan niya ang subconscious nito para kalimutan ang lahat ng tungkol sa kanya.

Subalit sa halip na talikuran siya nito na parang walang nangyari, muli itong suminghap at nanginginig ang kamay na itinuro siya. "Y-your eyes are glowing. Parang asul na apoy. Iyan ba 'yong gusto mong ipakita sa akin?"

Ramses was speechless. Hindi tumalab ang panghihipnotismo niya dito. "Just what the hell are you?" maang na anas niya.

"Linya 'ko yan. Ano ka ba talaga? Magician? Alien?" Nakakatawa ang ekspresyon nito sa huling tinuran. Bumaba at tumaas ang tingin nito sa kanya. "Halos lahat ng tungkol sa'yo na na-e-encounter 'ko so far, puro weird. Even that blue rose. Ikaw ba ang nakapag-breed no'n? Posible ba talaga 'yon?"

The Servant [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon