Nakangiting huminga ng malalim si Miles matapos itanim ang huling punla ng rosas sa bakanteng lote ng hardin. Puro puno at halaman ang nakikita niya sa harapan at likuran ng mansiyon. May hardinero pero walang bulaklak. Napaka-bland ng dating kung walang kakulay-kulay ang paligid ng hardin. Parang cake na walang icing.
"So do you want to take the job of the gardener?"
Nilingon ni Miles ang nagsalita sa likuran niya at nakita niya si Darius. "S-sir Darius!" Mabilis siyang tumayo at pinagpagpag ang lupa sa mga kamay. "May ipag-uutos kayo?"
Simpatikong ngumiti ito. "Kapag inutusan 'ko ang personal maid ni King, baka palayasin niya ako dito sa mansiyon niya. You are only exclusive for him. That's what Raven announced."
"Pero wala naman siya dito kaya walang akong pagsisilbihan." Hindi niya nagawang itago ang disappointment sa tono.
Mahigit one week na siyang personal maid ni Ramses. Ang routine niya tuwing weekdays ay ang asistehan ito sa dinner, sa paliligo, samahan itong manood ng classic movies sa entertainment room, at samahan itong magbasa ng sangkatutak na libro sa may duplex library sa basement. Kapag weekends naman ay siya ang naghahanda ng breakfast nito sa may gazebo, at tumutulong siya sa kusina sa paghahanda ng lunch.
Wala siyang partikular na ginagawa ng tulad ng paglilinis, pagluluto, pamamalengke, paglalaba, at pagpaplantsa. Lahat ay may kasambahay na nakatoka sa mga gawaing 'yon. Kahit ang paghuhugas ng plato ay mabilis na inaako sa kanya ng ibang kawaksi kapag inuunahan niya ang mga ito. Umiikot ang trabaho niya sa paninilbihan sa amo. Ipinagtitimpla niya ito ng kape, hinahatiran ng tsaa at meryenda, at minsan ay sinasamahan sa pamimili. Mistula siyang alalay nito.
But Miles wasn't really complaining. Mas mainam ngang kaunti ang workload niya para hindi siya pagod at may lakas pa siyang magtrabaho sa flower shop.
"Alam mo ba kung saan nagpunta si Sir Ramses?" Hindi na siya nahiyang magtanong. Tatlong araw na kasi niyang hindi ito nakikita. Una niyang tinanong si Raven. Blanko ang mukhang sinagot lang siya nito na may inaasikaso ang binata. Natakot na siyang mag-usisa dahil baka singhalan siya nito.
"He's working," maikling tugon ni Darius.
"Anong uri ba ng trabaho ang ginagawa niya?"
"Ordering people around."
Napangiti siya. "Trabaho ba 'yon?'
Lalong lumuwang ang pagkakangiti nito. "Para sa taong may mataas na posisyon." Ikinibit nito ang mga balikat. "So what are you planting?"
"Iba't-ibang breed ng roses, sunflowers, at mums. Binigyan ako ng ilang punla ng supplier namin sa flower shop. Sayang naman kasi 'yong espasyo dito sa garden. Ang laki-laki nitong garden tapos puro dahon at damo lang ang makikita mo. Nagpaalam naman ako kay Mang Rodrigo," tukoy niya sa hardinerong hindi rin palakibo. Tumango lang ito nang sabihin niya ang balak na taniman ng bulaklak ang hardin.
"Do you like flowers?"
"I love them. Kapag inalagaan mo silang mabuti, mamukadkad sila para sa'yo. Ipapakita nila kung gaano sila kaganda. It's like their way of saying thank you for taking care of me. Ibinabalik nila sa'yo ang pagmamahal at pagkalingang ibinigay mo sa kanila." Tumingin siya kay Darius. "Puwede ba akong magtanong?"
"Sure."
"Alam mo ba kung anong sinisimbolo ng blue rose?"
Hinimas nito ang baba. "Ang bulaklak na walang makapag-breed, huh? The blue of impossibility?"
BINABASA MO ANG
The Servant [COMPLETED]
VampireMiles entered Ramses' abode without knowing what she was getting into. Isang misteryosong lalaki si Ramses at aware siyang may kakaiba dito. Na hindi ito normal na tao. Nanilbihan siya sa loob ng tahanan ng binata at saka niya nadiskubre ang malagim...