Kulang ang salitang shock para ilarawan ang nararamdaman ni Miles ng mga oras na 'yon. The man with azure eyes just suddenly barged in. Kasunod nito ang isa pang Caucasian na may pulang buhok at kulay tsokolateng mga mata.
"King!" halos sabay-sabay na bigkas ng mga tao sa loob. Sabay-sabay ding nagsiluhod ang mga ito sa pagkagimbal ni Miles. Even Miss Faye was bowing her head while her knees were bending on the floor.
"I-isa 'tong nakakagulat na p-pagbisita mula sa inyo," sabi pa ni Miss Faye na bahagyang nag-stutter.
"Stand up. I'm not here to brag my presence."
Nagsitayo nga ang lahat pero halata pa rin sa mukha ng mga ito ang pagkabalisa. Kani-kanina lang ay parang hindi marunong magbuga ng emosyon ang mukha ng mga ito. Ngayon ay parang isasalang sa pugon ang bawat isa sa guilt na nakapaskil sa facial expression ng mga ito.
Lumapit ang lalaki kay Miss Faye. "You are from the Wilson clan, right?"
"Y-yes, King."
"Mayroon ka bang permiso ni Corey para mag-operate ng ganitong klaseng negosyo sa bansang 'to? If you have, Corey has to do some explaining because I didn't hear anything about this."
"Forgive my impudence, King. Walang kinalaman dito ang pinuno. I'm acting on my own. Tatanggapin ko ang ano mang karampatang parusa."
Tumaas ang kamay nito at sinalat ang leeg ng babae. "Are you sure that you're acting on your own? Kung meron kang pinagtatakpan, sabihin mo na dahil hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako." Parang patalim ang mga mata nito sa pagkakatingin sa manager sa kabila ng mahinahong tono nito. "May kinalaman ba dito ang Fescilli clan?"
Kumurap-kurap ito at nag-iwas ng tingin. Subalit nanatiling walang imik.
"Darius, you are an official member of this club. Alam mo ba 'to?" baling ng lalaki sa kasama nitong pumasok.
Nagkibit ito ng balikat. "Pumupunta ako dito para sa mga babae at hindi para bumili ng isang Eve. So wala akong alam."
"I thought so. Hindi ka ganoong kalalim mag-isip kaya imposibleng may kinalaman ka dito."
"Hey, what's that suppose to mean, King?"
Di na nito pinansin ang kasama at muling binalingan ang manager. "So are you gonna give me the girl or what?"
"She's yours, King. Everything here is yours."
Nagpanting ang tainga ni Miles sa narinig na sagot ni Miss Faye. Talagang ipinamimigay siya nito ng gano'n-gano'n lang. Wala bang halaga doon ang opinyon niya? Pero kahit naman gusto niyang magsalita at sumingit sa usapan ng mga ito ay hindi niya magawa. There was so much tension in the air. Natatakot siyang basagin 'yon dahil baka siya ang pag-initan ng mga ito.
"Anyone here who wants to complain?" baling nito sa tatlong kliyenteng lalaki.
Walang nagtangkang magsalita sa mga ito. Nagsiyuko lang na waring natatakot salubingin ang asul nitong mga mata.
"Alright, I'm not going to report it on the council so if you don't want any punishments, you better shut your mouth about this. And you, woman." Tumingin ulit ito kay Miss Faye. "You're going to work for me whether you like it or not. Ikaw ang magiging tainga at mata ko sa lugar na 'to. Kung wala kang planong bumaliktad sa pinaglilingkuran mo ngayon, sabihin mo lang at hindi kita masyadong pahihirapan. Tumingin ka sa mga mata 'ko at sumagot ka ng deretso. Alam mo naman siguro na malalaman 'ko kung nagsisinungaling ka o hindi."
BINABASA MO ANG
The Servant [COMPLETED]
VampirosMiles entered Ramses' abode without knowing what she was getting into. Isang misteryosong lalaki si Ramses at aware siyang may kakaiba dito. Na hindi ito normal na tao. Nanilbihan siya sa loob ng tahanan ng binata at saka niya nadiskubre ang malagim...