"Kapag binasag mo ang hour glass na 'to, makakawala ka sa sumpang ipinataw sa'yo. Ngayong wala na ang kristal na pumapalibot dito at sa bulaklak, magagawa mo na 'yon. Nabubuhay ang blue rose dahil sa hour glass at huminto ang pagbagsak ng buhangin sa hour glass dahil sa blue rose. This hour glass symbolized your life while the blue rose symbolized a witch's life. Kapag nakawala sa isa't-isa, tatapon ang buhangin at ma-e-expose ang bulaklak sa hangin. Parehong maglalaho. Pareho kayong mawawala ng mangkukulam sa mundong 'to."
Iyon ang nalaman ni Ramses mula sa babaylang si Lora. Nasa kamay niya ang desisyon kung ano ang pipiliin niya. Kapag nabasag ang hour glass, mawawala ang pagiging imortal niya. Mamamatay siya bilang tao at hindi madadamay ang buhay ng kanyang servant. Miles would live and that was all he wanted.
"If I can kill a true ancestor, I can certainly kill a servant," anunsiyo ni Irena. Muli itong bumigkas sa hangin. Sa isang iglap ay humagis dito ang katawan ni Miles at nagawa nitong sakalin sa leeg ang dalaga.
"No!" sigaw niya. Tinakbo niya ang mga ito subalit isang puwersa ang tumama sa kanya nang itaas ni Irena ang isang kamay nito. Bumagsak siya sa sahig.
"Stay right there while I finish this woman, my beloved pharaoh."
Sinugod din ito ni Raven pero umitsa din ang alagad niya palayo. Mabilis siyang bumangon. "Irena!" sigaw niya. "I hope na natatandaan mo pa kung ano 'tong nasa kamay ko!" Ipinakita niya dito ang hour glass.
Kitang-kita niya kung paano bumadha sa mukha nito ang hilakbot. Binitiwan nito si Miles. Nalaglag ang umuubong dalaga sa sahig hawak ang leeg. "No... hindi mo gagawin 'yan..." ani Irena.
"Nawala ka at ito ang tanging bagay na naiwan sa akin mula sa'yo. This thing should not be existing like you and me."
"Kapag ginawa mo ang balak mo, mamamatay ka rin! Pareho tayong mawawala nang tuluyan nang walang ano mang natitirang bakas!"
Malungkot na tumango siya. "Yes. And that's how it should be. Iyon ang kabayaran sa ginawa mo at sa ginawa ko. Let's vanish together." Iyon lang at ibinato niya sa dingding ang hour glass. Para 'yong kristal na nagkapira-piraso sa ere. Nalanta ang asul na rosas at sumaboy ang buhangin. Pareho 'yong naging alikabok sa hangin.
I love you, Miles... Binali ko ang pangako 'ko sa'yo dahil nangako rin ako sa sarili ko na poprotektahan kita ano man ang mangyari. Patawad...
Bumangon si Miles mula sa pamimilipit sa sahig. "Hindi!" Kitang-kita ng dalaga kung paano bumagsak si Ramses. Tumakbo sila ni Raven sa direksiyon nito. Ganoon din ang babaylang si Lora.
"Aaaahhhh!!!" nakakatulig na sigaw ni Irena. Umusok ang katawan nito at tila may kung anong sumisingaw palabas. Wala pang sampung segundo ay naging abo ito.
Lumuhod si Miles at pinangko ang ulo ni Ramses sa kandungan niya. Nag-iiba ang itsura nito. Namumutla ang mukha nito at nangingitim ang paligid ng mga mata. "Ramses! Ramses!" Umiiyak na tinapik-tapik niya ito sa pisngi.
"Naglalaho na ang pagiging imortal niya," untag ni Lora. "Kung anong huling kondisyon ng katawan niya noong tao pa siya, bumabalik 'yon. Irena made him an immortal in the verge of death. Ano mang sandali ay tiyak na mamamatay siya."
"Paano kung ibigay ko sa kanya ang dugo 'ko?" tanong ni Raven. "Maililigtas ba siya no'n?"
Umiling si Lora. "Walang saysay. Hindi siya maililigtas ng dugo ng sarili niyang brethren o ng kahit na sinong imortal na nabubuhay. Ang kaluluwa niya mismo ang namamatay."
BINABASA MO ANG
The Servant [COMPLETED]
VampireMiles entered Ramses' abode without knowing what she was getting into. Isang misteryosong lalaki si Ramses at aware siyang may kakaiba dito. Na hindi ito normal na tao. Nanilbihan siya sa loob ng tahanan ng binata at saka niya nadiskubre ang malagim...