Eternity 12

2.1K 86 11
                                    


Pinakikiramdaman ni Miles ang lalaking katabi niya sa loob ng kotse. Deretso lang ang tingin nito at tuwid na tuwid ang tindig kahit nakaupo. Kung kumilos ito ay animo de susi. Parang naka-program ang galaw at ang paraan ng pagsasalita. Di niya makuhang paniwalaan na ito ang tinutukoy ni Joanne na nagdala sa kanya sa ospital noong himatayin siya sa mansiyon.

Palaisipan sa kanya ang ginawa nitong pagtulong kanina sa bahay nila. Hinarap nito ang dalawang lalaking sanggano na kamuntikan na siyang gawan ng masama. Pero hindi naman ito nakipagsuntukan kahit pa sa taas at laki nito ay tila kayang-kaya nitong ihagis ng sabay ang dalawa. Of course inungkat ng mga 'yon ang pagkakautang ng madrasta niya upang depensahan ang mga sarili. Di na nakuha pang maghamon ng away dahil tila na-intimidate sa lalaki.

Ibinigay lang ni Mr. Reed ang business card nito sa mga sanggano at hiningi ang account number ng boss ng mga ito. May tinawagan ito sa cellphone pagkatapos. Then he told them that the debt was already settled. Kahit siya ay gustong mapanganga sa sobrang bilis ng transaksiyon.

Umalis ang dalawa nang makatanggap ng tawag sa boss na Chinese. Nangako ang mga itong hindi na manggugulo pa dahil binalaan ang mga ito ng lalaking kasama niya na pupulutin ang mga ito sa kangkungan sa oras na gambalain pa siya. Based from what she heard, the man had connections in business world at may kakayahan itong ipasara ang negosyo ni Mr. Chan.

Tinanong niya ito kung bakit nito ginawa ang bagay na 'yon pero hindi ito deretsong sumagot. Sinabi lang nitong nakuha nito ang address niya sa flower shop na pinagtatrabahuhan. Pinag-empake siya nito ng damit dahil bibigyan daw siya nito ng trabaho para mabayaran niya ang ipinahiram nitong pera. 

Hiram. At least hindi utang na tumutubo buwan-buwan. Di na siya nakahuma pa dahil tulad ni Ramses ay may pinalidad ang tono nito. The man would not take no for an answer.

Madali siyang nagtiwala sa lalaki dahil sa kaugnayan nito kay Ramses. Raven's a brother. That was what he said.

Isa pa'y wala siyang kapera-pera at malamang ay hindi maglilipat-linggo na makakatanggap na siya ng notice sa bangko para lisanin ang bahay. Saan siya tutuloy? Nakikitira lang din si Joanne sa hipag nito at nunka siyang humingi ng tulong kay Drew lalo pa't nagtapat na sa kanya ang binata. Ayaw niyang samantalahin ang feelings nito dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

"You know Master Ramses, right?"

"H-ha?" Nagulat pa si Miles nang magsalita ito out of the blue. Para talaga itong si Ramses. Walang pattern ang pakikipag-usap. Walang opening at walang closure. Tatahimik at magsasalita kung kailan gusto.

"My Master—Ramses."

"M-master? Akala 'ko magkapatid kayo?"

Ikinibit nito ang balikat. Kahit ang gesture na 'yon ay tila naka-program. Para siyang may katabing robot. "Hindi kami blood related pero kapatid ang turing niya sa akin. I respect him a lot that's why Master ang tawag ko sa kanya. May problema ba doon?"

Eksaheradong umiling siya. "I-is he doing okay?" lakas-loob na tanong niya.

"He's perfect," mabilis na sagot nito. "He's always perfect."

Tumikhim siya dahil napaka-awkward makipag-usap dito. Para siyang tumutulay sa alambre sa pagpili niya ng mga salitang sasabihin. "M-may kinalaman ba siya sa pagpunta mo sa bahay namin?" muli ay lakas-loob na usisa niya.

"He doesn't know anything. At coincidence lang na nadatnan kita sa ganoong tagpo."

"S-saan mo ba ako balak dalhin?"

The Servant [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon