"Maligayang kaarawan, King," pagbati ng isang parehang kadarating mula sa Mustafa clan. Nag-bow pa ang mga ito. Ang lalaki ay nakasuot ng pulang coat na may puting kurbata na parang itinuping panyo. Ang babae ay naka-gown na gawa sa itim na brocade. Parehong may maskarang suot ang mga ito dahil masquerade ball ang theme ng event. May bitbit na escort ang bawat isa para sa gabing 'yon.
Lahat halos ng babae sa bulwagan ay old classic ang dating ng kasuotan na ibinigay sa makalumang tema ng kasiyahan. Ang ibang mga lalaki na hindi komportable sa dress code ay naka-pormal na modernong suit. Pero halos karamihan ay animo mga prinsipe at prinsesa sa kanya-kanyang kaharian.
Ramses on the other hand was wearing a navy blue velvet coat with gold thread designs. Turtle neck ang kuwelyo at sarado ang butones sa gilid hanggang leeg. Navy blue din ang kulay ng pants niya na tinernuhan ng dirty white na leather shoes na may itim na sintas. Siya lang ang walang suot na maskara sa pagtitipong 'yon dahil sa paniniwalang hindi dapat takpan ng isang hari ang kanyang mukha sa harap ng kanyang nasasakupan.
Ilang sandali pa ay napuno na ng mga presensiya ang malawak na lounge ng kanyang mansiyon. May mangilan-ngilang tao at karamihan ay mga imortal na dumayo pa mula sa Europa at Amerika. Lahat halos ng clan sa council ay naroon. Kompleto rin ang mga elders. Ang ibang hindi nakarating dahil sa personal na kompromiso ay nagpaabot na lang ng pagbati at ilang mamahaling regalo.
Nakatanggap siya ng susi ng isang luxury car na hindi pa lumalabas sa merkado. May nagbigay din sa kanya ng yate at ilang property sa loob at labas ng bansa. Hindi niya puwedeng hantarang tanggihan ang mga 'yon at ituring na suhol. Kahit paninipsip ang pakay ng ilan, iyon ang paraan ng mga ito para maramdamang nasa panig siya ng mga ito. Rejecting a gift was announcing an animosity towards a coven. Di niya puwedeng gawin 'yon kahit pa sa mga kaaway.
Pumailanlang ang waltz mula sa first class orchestra na kinuha ni Lorien. Ilang sandali pa ay napuno ng magkakapareha ang gitna ng lounge. Pinaunlakan niya ang mga babaeng lumapit sa kanya para makipagsayaw. He was doing it for the sake of the occasion. Kumikilos siya at nagsasalita kahit wala naman talaga ang isip niya sa ginagawa.
Okupado ang isip niya ng isang presensiyang wala naman doon. Kaninang umaga pa inihatid ni Raven si Miles paalis ng mansiyon. Di niya napigilang silipin mula sa bintana ang babae. Palingun-lingon ito hanggang sa makalabas ng gate. Mukhang siya ang hinahanap para makapag-paalam. He was clenching his hands and gnashing his teeth to control himself from jumping out of the window. Nakapagpasya na siyang pakawalan ito upang maiwasang mangyari ang kinatatakutan niya. Her death was written in his fate. And he could change that fate by simply not allowing her to be part of it.
"You love humans, King. You were cruel to them when you were one of them. At natutunan mo silang mahalin kung kailan hindi ka na isang tao. The irony of it all," Lora commented. Ilan sa mga babaylan ay may kakayahang basahin hindi lang ang hinaharap ng isang tao kundi maging ang nakaraan nito. It was a reflection. She was seeing the fragments of his past when he was thinking about it.
"Noong sinabi mo sa aking iba ang babaeng iniibig 'ko sa babaeng inilaan sa akin ng langit, pumasok sa isip 'ko na baka dumating na siya at hindi 'ko lang napapansin o baka dahil sa hindi ko lang kayang kilalanin."
"Your new maid, isn't it?"
Nilingon niya ang babaylan. "Hindi siya, tama?"
"If she dies, then she's not. Ang kamatayan niya ay nakaguhit sa kapalaran mo. If she's not with you, she can probably live. The heaven will not give you a soulmate who can't be with you, King."
BINABASA MO ANG
The Servant [COMPLETED]
VampireMiles entered Ramses' abode without knowing what she was getting into. Isang misteryosong lalaki si Ramses at aware siyang may kakaiba dito. Na hindi ito normal na tao. Nanilbihan siya sa loob ng tahanan ng binata at saka niya nadiskubre ang malagim...