Napakabigat ng mga paa ni Miles sa paghakbang niya papalapit kay Ramses. Sa kanang kamay niya ay naroon ang wine glass na my lamang red wine. Kinuha niya ang baso sa nadaanang waiter at mabilis niyang ibinuhos doon ang laman ng botelyang ibinigay sa kanya ni Gypsy.
Her hands were trembling in fear. Sinong hindi magdududa sa kilos niyang 'yon? She was always a transparent person. Ramses would notice that something was wrong. She had no idea what Gypsy was talking about—her—being so hard to read. Malamang ay may kinalaman 'yon noong banggitin sa kanya ni Ramses na hindi nito kayang burahin ang kanyang memorya.
Pero siguro nga ay mas mabuti kung mabuko siya. Hindi kaya ng kunsensiya niya ang ipinapagawa ng babaeng 'yon sa kanya. At isa pa ay ang lalaking may espesyal na puwang sa kanyang puso ang kailangan niyang lasunin. Paano niya 'yon maaatim na gawin?
Natanaw niya si Raven sa isang sulok ilang metro ang layo kay Ramses. Blanko ang mukha nito sa pagkakatingin sa kanya pero napansin niyang nakatuon ang mga mata nito sa wine glass na hawak niya. Gusto niya itong senyasan at sabihin dito ang lahat. Ngunit...
"Subukan mo lang na magsumbong sa sino mang alagad ng hari, uunahin 'kong tawagan ang mga tauhan 'ko sa probinsiya para isa-isahin ang pamilya mo. At ihaharap 'ko ng personal sa'yo ang mga bangkay nila." Iyon ang huling babala sa kanya ni Gypsy.
Miles was maybe abandoned by her stepmother leaving nothing but a debt but she still cared about her family. Ayaw niyang mapahamak ang mga ito dahil sa kanya. Lalung-lalo na ang bunso niyang kapatid na si Andrew. Napakabata pa nito. Di niya rin mapapayagang madamay ang mga kaibigan niya. Drew and Joanne showed nothing but kindness to her. Hindi niya puwedeng hayaang may mangyari masama sa mga ito.
Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Paglapit niya kay Ramses ay halos mapunit ang bibig niya sa ginawa niyang pagngiti.
"Gusto mo ba ng cake, Miles? Ikukuha kita sa buffet table," alok nito.
"Hindi na. Busog na ako," mabilis na tanggi niya.
Kanina pa siya nito dinadalhan ng kung anu-anong pagkain. Halos subuan na nga siya nito. Sa tuwing may mga taong lumalapit dito mula pa kanina ay lumalayo siya ng bahagya. Pero sandaling kakausapin lang ni Ramses ang mga taong 'yon at muli siyang lalapitan dala ang platito ng pagkain.
Kahit nang magpaalam siya kaninang magsi-CR ay nagsabi pa ito na sasamahan siya. Tila ba ayaw na nitong alisin ang paningin sa kanya at sobrang naantig ang puso niya. Siya na mismo ang tumanggi at nagtaboy dito para asikasuhin ang ilang mga bisita nito na bumabati dito.
"Are you sure? Just tell me if you need anything."
Tila pumait ang panlasa niya habang nakatingin siya sa sinserong mukha ni Ramses. Oh God, she didn't want to harm this man.
Kinabahan siya nang tumuon ang pansin nito sa hawak niyang wine glass. "You like wine?"
"N-no," sagot niya. "K-kinuha 'ko to para sa'yo." No! Don't do this to him! Kapag ginawa mo 'to sa kanya, hinding-hindi mo mapapatawad ang sarili mo.
Umangat ang kilay nito. Then Ramses smiled and took the glass. "I can't say no to you, Miles."
Hindi! Pagdudahan mo ako! Ginagamit ako ng mga taong 'yon para lasunin ka! Huwag mong iinumin 'yan! Utang na loob!
"Master, masyado na kayong maraming naiinom," antala ni Raven na biglaan ang naging paglapit sa kanila. Malamig ang tinging ibinato nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Servant [COMPLETED]
WampiryMiles entered Ramses' abode without knowing what she was getting into. Isang misteryosong lalaki si Ramses at aware siyang may kakaiba dito. Na hindi ito normal na tao. Nanilbihan siya sa loob ng tahanan ng binata at saka niya nadiskubre ang malagim...