Eternity 14

2.2K 91 13
                                    


Hinawi ni Ramses ang kurtina at sumilip sa labas ng bintana ng kanyang kuwarto. Nakita niyang lumabas si Miles mula sa front door.

"Di niya tinanggap 'yong offer ko, Master," ani Raven na nasa likuran niya. "Ayaw niyang magpahatid-sundo sa driver. Hindi raw 'yon tama dahil magiging maid lang siya dito. That kid is so stubborn."

He found himself smiling. "Kasalanan mo rin naman dahil ikaw ang nagdala sa kanya dito. So the meal is making this hard on you, Raven."

"She's not going to last for a month. You will have her in no time, Master."

Nalusaw ang ngiti niya. Kahit na sumama ang mood niya ay hindi niya 'yon ipinahalata sa alagad. "Then make sure na hindi ako mauunahan ng iba sa kanya. Pabantayan mo siyang mabuti. Magmula sa paglabas niya ng bahay na 'to hanggang sa muling pagtapak niya dito, siguraduhin niyong hindi magagalaw ni hibla ng buhok niya ng sino mang imortal na magtatangka." Nilingon niya ang kanyang kanang kamay. "I trust her safety in your hands, Raven."

"Asahan niyong hindi 'ko kayo bibiguin, Master."

Nang makalabas si Raven ay ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana. Papalabas na ng gate si Miles. Pero bago ito tuluyang lumabas ay kumaway ito. The girl knew that he was watching her. Alam ng dalaga kung nasaan ang kuwarto niya sa ikatlong palapag kaya malamang ay napansin siya nito. Napakatamis ng ngiti nito. Pati ang mga mata nitong kumikislap sa ilalim ng araw ay animo nakangiti.

Kinapa ni Ramses ang dibdib dahil napakagaang ng pakiramdam no'n. Para bang binawasan ng dalaga ang mga dalahin niya sa sinabi nito sa kanya ng nagdaang gabi. Miles simply wanted to see him and it made him happy. Nasorpresa siya sa sariling nararamdaman. Lately, lahat ng nilalang na gustong makita siya ay may pakay at motibo. 

Lahat ay may hinihingi at lahat ay may inaasahan sa kanya. He wanted to scream sometimes but he was not allowed to do that. Dahil ang isang hari ay dapat laging kalmado. Kahit ang saloobin niya ay taliwas sa ipinapakita ng kanyang mukha, dapat niyang sikilin ano man ang nais niyang sabihin. Pero kapag kausap niya si Miles, para wala siyang itinatago. Nasasabi niya ang gusto niyang sabihin. Kahit ang totoo ay ito ang walang kaalam-alam sa mismong sekreto niya—kung ano talaga siya.

Sinundan niya ng tingin ang dalaga hanggang sa maglaho ito sa daan. Gusto man niyang kamuhian si Raven sa pagdadala nito kay Miles sa mansiyon, sa isang banda ay parang gusto niya rin itong pasalamatan dahil muli niyang nakita ang babae. 

He was able to see those clear and innocent eyes again and it made him want to take care of the kid. Yes, Miles was still a kid. A kid who knew nothing yet could make him see everything. That what he was fighting for wasn't for naught. Na hindi mali ang direksiyong tinatahak niya. Na tama lang na protektahan niya ang mga tao.

Nahagip ng tingin niya ang blue rose sa pasimano ng bintana. Hungkag na tinitigan niya 'yon. That woman would not be coming. He was depressed for the past few days because of that. Ang akala niya'y unti-unti nang lumalapit sa kanya ang kamatayan. But maybe he had to wait for another five hundred years.

Kinuha niya sa bulsa ang hour glass. Ang bulaklak na naroon ay nananatiling balot ng yelo. Walang senyales ng ano mang pagkatunaw. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago siya lumapit sa isang antigong eskaparate. 

Matapos ipasok sa loob ang hour glass katabi ng mga naka-display na paperweight at figurines ay sinusian niya 'yon. Wala siyang planong buksan iyon sa mga susunod na sampung taon.

Nang maalala niya si Miles at ang magiging papel nito sa bahay na 'yon ay napaismid siya. 

Personal maid, huh? 

The Servant [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon