Eternity 19

1.9K 84 12
                                    


Tila sasabog ang dibdib ni Miles sa kaba habang tinatalunton ng mga paa niya ang malambot na carpet. Pakiramdam niya ay siya si Cinderella nang umattend ito ng dance ball. Naalala niya tuloy ang sinabi ng kaibigang si Joanne nang una silang tumapak sa mansiyon na 'yon. Wala siyang karwahe na gawa sa pumpkin. Inihatid siya doon ng isang magarang limousine. 

Hindi rin gawa sa glass ang sapatos niya. Limited edition 'yon ng isang mamahaling shoe collection na naka-auction pa online. Wala rin siyang mabait na fairy godmother. Ang masungit na si Raven ang naghanda ng lahat para sa kanya—salon, damit, at make-up artist.

Kunsabagay, hindi rin naman isang prinsipe ang pakay niya sa masquerade ball na 'yon. Although ito na yata ang pinakaguwapong prinsipe sa balat ng lupa sa napakagarang damit na suot nito ngayon, hindi ito isang prinsipe na nakasakay sa puting kabayo. Ramses was a vampire who feed on human blood. Naroon pa rin ang takot sa dibdib na hindi na yata mawawala. Pero mas malakas ang hatak ng kagustuhang makita ito at mabati man lang ito sa kaarawan nito.

Pumayag siyang dumalo sa party na 'yon dahil hindi siya nakapagpaalam kay Ramses. Yes, she was there to bid her farewell. Tulad ng gustong mangyari ni Raven.

At may mga bagay pa siyang hindi nasasabi kay Ramses. Siguro kahit sa huling sandali ay gusto niyang maintindihan ang sitwasyon ng binata kaya siya naroon. Ngunit hindi niya balak humingi ng paliwanag dito. Sapat na ang masilayan niya ang guwapong mukha nito.

Huminga siya nang malalim nang mapansin niyang nakatingin sa kanya ang ilang bisita sa loob. Nakatulong ang maskarang suot niya upang hindi siya ganap na panghinaan ng loob. Raven didn't praise her. He only said she looked decent enough. Of course ang mahal ng gastos 'ko sa'yo. Kadugtong ang malamig na mga katagang 'yon.

Huminto si Miles ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ni Ramses. Dinig niya ang bulong-bulungan sa paligid kasabay ng malamyos na musika ng orchestra. Ilan ang nagtatanong kung sino siya at kung kaninong pamilya siya kabilang.

She couldn't step forward because she suddenly felt unease. May karapatan ba siyang tumapak sa lugar na 'yon? Specifically sa kaarawang iyon ng binata? Binigyan man siya ng permiso ni Raven, hindi pa rin siya officially invited tulad ng ibang mga guests. At isa pa, ano ang magiging reaksiyon ni Ramses pagkakita sa kanya? Baka magalit ito. Pinaalis na siya nito ng mansiyon pero hayun at bumalik siya. Baka ipadampot siya nito sa security at ipakaladkad palabas sa ginawa niyang page-gate-crash. May pagkasadista ito kaya posible 'yon.

Miles shook her head to clear her mind. Naroon na siya at huli na para bumahag pa ang buntot niya. Ihahakbang na lang niya ang mga paa nang si Ramses na mismo ang nagmamadaling lumapit sa kanya. Nagulat siya nang kabigin siya nito at yakapin. Maingay ang paghinga nito sa tapat ng kanyang tainga.

"S-sir Ramses?"

"Why are you here?" paangil na bulong nito.

"Gusto lang kitang batiin ng happy birthday."

Lumayo ito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Salubong ang mga kilay nito. "Don't you know? This is the worst place for you. I'll kill Raven for this."

"Nandito ako dahil gusto 'ko. Hindi ako pinilit ni Sir Raven."

"Pero siya ang nagsabi sa'yo tungkol sa event na 'to, di ba?"

"At nagpapasalamat akong ginawa niya dahil may dahilan akong bumalik dito at makita ka, Sir Ramses."

Umiling ito. "Hindi mo naiintindihan. You are risking your life just by being here, Miles."

The Servant [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon