Eternity 23

2K 90 11
                                    


"Balak mo bang punuin ng bulaklak itong hardin?"

Nahinto sa pagbubungkal ng lupa si Miles nang marinig niya ang pamilyar na boses. Mabilis na tumayo siya at binitiwan ang shovel. Pagharap niya ay sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ni Ramses. Nakasampay ang coat nito sa balikat, medyo lukot ang polo shirt, at may pagal na ngiting nakapaskil sa mga labi.

Bumaha ang tuwa at pananabik sa puso niya. Tatlong linggo niya itong hindi nakita mula nang huling makausap niya ito sa kuwarto niya.

"Bumalik ka na!" Hindi na niya napigilan ang sarili. Tumakbo siya sa direksiyon ng binata at niyakap niya ito.

Saglit lang itong nagulat sa ginawa niya. Pamaya-maya pa ay naramdaman niyang pumaikot ang mga braso nito sa kanyang baywang. "What's wrong?"

Pumikit siya at mas hinigpitan pa ang yakap dito. "Ang tagal mong nawala."

Hinaplus-haplos nito ang kanyang buhok. "Did you miss me that bad?"

"Oo naman. Sobra-sobr—" Bigla siyang nagmulat ng mga mata nang ma-realized niya kung ano ang ginagawa niya. Kaagad na lumayo siya dito. Nagtatakang tiningnan naman siya nito.

"Your cheeks are getting red," nangingiting puna nito. "Are you shy?"

Sinapo niya ang mukha. "Masyado ba akong halata?"

Tumawa ito at hinila ang kamay niya. Sa pagkakataong 'yon ay ito ang yumakap sa kanya. "Hindi mo kailangang mag-alangan kapag kaharap mo ako, Miles. If you want to hug me, just hug me. Dahil na-miss din kita ng sobra."

"Bakit ba ngayon ka lang?" tanong niya habang nakahilig ang ulo niya sa balikat nito. "Ang akala 'ko ayaw mo na akong makita."

Bigla itong lumayo sa kanya at kunot ang noong tiningnan siya. "Just where did you get that idea?"

Ikinibit niya ang mga balikat. "Ewan. Pakiramdam ko lang."

"Tumatawag naman ako dito, di ba?"

"Kay Raven pero hindi directly sa akin."

Nakakalokong ngumiti ito. "Nagtatampo ka ba?"

"H-hindi no!" tanggi niya. Aware siyang alam nito na nagsisinungaling siya sapagkat dama niya ang pag-iinit ng sariling pisngi. 

Wala naman akong karapatang magtampo. Kasalanan din naman niya kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. He's always treating me so nice yet pakiramdam ko, ang layo pa rin niya. Ni hindi siya personal na nagpaalam sa akin noong mawala siyang bigla.

"Miles, I just don't want to talk to you when my mind was a mess. I treasured my moments with you more than anything else. Gusto ko kapag kausap kita ng ganito, walang ibang bagay na gumugulo sa isip ko."

Napukaw siya sa sinabi nito. Bawat katagang lumalabas sa bibig nito ay damang-dama niya. "Hindi mo talaga ako iniiwasan?" paniniyak niya.

Nagpakawala ito ng isang buntong-hininga. "Okay. I was hesitating a bit to meet you. But I swear, ni minsan hindi sumayad sa utak ko na balewalain ka."

"Bakit ka naman nag-aalangang makipagkita sa akin?"

Napansin niyang sinulyapan nito ang marka niya sa leeg. "Because I did something horrible to you."

"Horrible? Ang ano? Ang ginawa mong pagliligtas sa buhay ko?"

Ramses blinked. "Aren't you angry?"

The Servant [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon