Eternity 17

1.9K 83 10
                                    


Pabiling-biling si Miles sa kama ng gabing 'yon. Tuluyan na siyang bumangon nang makarinig ng tunog ng makina ng sasakyan sa labas. Alam niyang si Ramses ang dumating. Inatake siya ng kaba sa kaalamang naroon na ang binata.

"You are here as my meal." 

She took those words literally kaya ganoon na lang ang takot niya. The guy was not kidding. Nakita niya ang panganib sa nag-aalab na mga mata nito. Napagtagni-tagni niya ang lahat nang maalala niya kung paano tingnan ni Darius ang dumudugong daliri niya. Ang ipinakitang interes sa kanya ni Miss Faye nang masugatan nito ang kamay niya, hindi 'yon isang aksidente. They were craving for her blood.

"A rare blood..." Iyon ang narinig niyang sinabi ni Darius kaya siya nakarating sa ganoong konklusyon. Marahil ay nababaliw na siya para isiping totoo ang mga nilalang na nabubuhay sa pagsipsip ng dugo ng tao. Pero ano pa bang mas angkop na paliwanag? Kakaiba si Ramses at kakaiba rin ang mga sinasabi nito. 

Isa ba itong bampira? Ang tanong niyang 'yon ay umani lang ng masamang tingin mula kay Raven. Itinikom niya na lang ang bibig dahil ayaw niya itong i-provoke. Para kasing gusto siya nitong sakmalin. Doon niya naramdaman na hindi nagsisinungaling si Ramses nang sabihin nitong hindi mabuti ang intensiyon ni Raven nang dalhin siya nito sa mansiyon na 'yon.

She wanted to leave right away but Raven didn't allow her. Sinabihan siya nitong maghintay ng ilang araw at kausapin muna si Ramses hinggil sa binabalak na pag-alis. Anong karapatan niyang tumanggi? Kahit ano pang rason nito sa pagtulong sa kanya, ang utang ay utang. Isa pa'y mukhang nakahanda itong harangan siya ng sibat kung ipipilit niya ang sariling kagustuhan. Miles flatly rejected the offer of staying at Ramses' property in Tagaytay when Raven mentioned it. 

Ayaw na niyang makaabala pa dito. Masyado nang makapal ang mukha niya kung tatanggapin niya ang alok gayong ang binata na mismo ang nagpapaalis sa kanya sa mansiyong 'yon. May maganda itong rason kung bakit siya nito itinataboy dahil sa simula pa lang ay ayaw siya nitong saktan. Ramses wanted her to be safe. Doon siya nakakasigurado sa kabila ng malagim nitong sekreto.

Kahit na papaano ay gusto niya itong makausap para linawing hindi nagbago ang pagtingin niya dito. Kailangan niya lang lumayo dahil iyon ang hinihingi ng sitwasyon at iyon ang pinakamabuting gawin. But maybe that was just a damn excuse. Malamang nga ay natatakot siyang kumpirmahin ang hinala.

"Paano nga kung mas masahol pa ako sa halimaw?" 

What could she possibly do if those words were true? Hindi ba't tanggap niyang iba si Ramses? Aware siyang hindi ito tao pero bakit ngayon ay nginangatngat siya ng takot at pangamba? Was it because of what he said? That she was just a meal?

Ano ako? Steak? Main course? O baka naman desert? Pagak siyang tumawa sabay tuptop sa ulo. Gulung-gulo na ang isip niya. Anong gusto nitong maging reaksiyon niya? Sinong hindi magpa-panic?

Bahala na! Pumanaog siya mula sa kama at huminga ng malalim. She needed to talk to Ramses right away. She needed to see with her own eyes if he's really a monster or not. Kailangan niyang marinig dito mismo kung ano ito. Kailangan niyang maging totoo sa sarili niya at maging totoo sa nilalang na naging mabuti sa kanya dahil hindi iyon magiging patas dito kung tatakasan niya ang katotohanan at magpapanggap na walang alam. Kailangan niyang labanan ang takot at ihanda ang sarili sa ano mang matutuklasan niya.

Lumabas siya ng silid saktong tumunog ang grandfather clock na nakasabit sa may pasilyo. Hudyat ng hatinggabi. Napakatahimik kaya kahit ang magaang na yabag niya ay dinig na dinig. Pati nga ang pagtibok ng puso niya ay parang tambol na dumadagundong sa loob niya. Pakiramdam niya ay may susulpot ano mang sandali para sunggaban siya. Lumunok siya nang marating niya ang hagdan ng third floor.

The Servant [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon