Muli Part 1

2.3K 22 0
                                    

Part 1

Muli, a song I heard once sa isang kaibigan, sang by Bamboo, and I was deeply moved by the meaning of the song, the reason why I entitled this one Muli, ako si El Nunal, at ito ang aking kwento
Part 1
Nakatanggap ako nang isang tawag, mula ito sa isa sa mga kompanyang inaplayan ko online, umaga noon, at hindi naman ganoon kainitan ang araw, bumangon na ako at naghilamos, matapos ay tinignan ko kung merong iniwan ang aking kapatid na pagkain pero wala akong nakita, mabuti na lamang at meron akong biniling pancit canton kinagabihan kaya naman nakapagluto at nakakain agad ako.
"Mr. El Nunal, report to our office at exactly 1:00pm, please bring valid I.D and pen",
isang mensahe ang natangap ko mula din sa parehong numerong tumawag sa akin, ilang oras pa naman bago sumapit ang ala-1 nang hapon, 8:00am pa lang naman nang umaga noon, kaya naman, naglinis muna ako nang bahay, at nakipagtext kung kani-kanino, kaibigan, dating kaklase, para lamang malibang ko ang aking sarili nang mga sandaling iyon, tapos ay nanunood muna ako nang telebisyon, ito na lamang kasi ang isang bagay na nagpapasaya sa akin noon, hindi na din kasi ako noon nagkaroon nang interes pa na makipagkilala kung kani-kanino, ang tanging katext ko na lamang noon ay mga kaibigan ko, siguro, wala lang talaga akong makilalang babaeng matino nang mga panahon na iyon.Ilang oras ang lumipas at naghanda na din ako nang mga kailangan ko, naligo at umalis. Pagdating ko sa address na sinabi sa akin nang tumawag sa akin ay meron akong nakasabay pumasok sa loob nang building na hindi ko inaasahang makikita ko at parehas kaming napasabing
"Ikaw?!"
Nagulat ako nang makita ko si Eusha
"Eusha, anong ginagawa mo dito?"
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Ako eh tinawagan para sa interview, ikaw din ba?"
"Oo, oy walang hiya ka! Kumusta ka na?"
at isang mahigpit na yakap ang bigla kong natangap sa kanya.
"Bakit ka naman biglang nawala? Alam mo nakakapagtampo ka panga!"
at bigla niya akong kinurot, at tanging ngiti lamang ang sinagot ko sa kanya, kahit kelan talaga, hindi nakakasawang tignan ang inosenteng mukha ni Eusha, ang cute niya pa sa suot niyang formal dress, yun kasi ang pinasuot sa amin nang tumawag sa amin.
"Ano, anong nangyari sa iyo? Tinetext kita at tinatawagan, hindi ka naman sumasagot tapos out of reach ka pa, nagpalit ka ba nang number?" "Ahh... oo nasnatch kasi yung phone ko, eh wala naman akong nakasave na mga number niyo so ayun, hindi ko na nasabi sa inyo bago kong number sorry na",
pero ang totoo ay nagpalit talaga ako nang numero, sinabi ko lamang ito para hinde siya magtampo sa akin.
"Ahh kaya pala... kumusta ka naman?"
"Ok lang, eto, ginanahan na ding magtrabaho, medyo tinamad ako eh, pero ang totoo nyan eh, nagtratrabaho din naman ako noon sa isang computer shop"
"Hah? Sa isang computer shop? You mean... pinagpalit mo yung work natin dati para maging bantay ka nang shop?"
"Aba'y yezzz!"
"Abno abno ka pa nga talaga, alam mo ba, simula nang mawala yung mga dating agent doon, ayun, medyo naging toxic ang trabaho namin, tapos yung Ms.Dragon, grabe, dragon talaga kung magalit, ang sungit sungit pa, buti na nga lang at ENDO na ako eh, kaya eto nagapply-apply ako"
"Ahh... ganun ba... tara pasok na tayo, baka mahuli pa tayo sa interview"
"Anong interview ba sa iyo? Final?"
"Oo, ikaw?"
"Final na din, pumasa na kasi ako sa phone simulation at phone interview nila, akala ko nga test na naman nung tumawag sila eh"
"Hinde kaya magkasama tayo sa account?"
"Siguro, ewan... pero sana magkasama tayo, para may kakilala akong kasama, di ko talaga akalain na magkikita tayo dito"
"Ako nga din eh, tara na, tanong na natin kung saan".
Lumapit kami sa guard at tinuro kami sa may reception area, hiningan kami noon nang ID kapalit nang isa pang ID, tapos ay tinuro sa amin ang lugar kung saan kami iinterviewhin, pagpasok namin ay meron kaming inabutang isang lalake.
"Yes?" .facebook . com/xtorya
ang tanong niya sa amin.
"We are told to go here for our final interview"
"Ok... what's your name?"
at kinuha nang lalake ang aming pangalan, inakala ko noon na siya na ang mag-iinterview sa amin pero nagulat na lang ako nang sabihin niyang,
"Can you wait a bit longer outside? Just stay on the waiting hall, I'll be calling your names, your interviewer is not available at the moment, I'll be sending someone to call you once your interviewer is here ok?"
At lumabas siya nang kwarto kaya naman lumabas na din kami at naghintay doon sa may waiting hall. Mayamaya ay bigla akong inaya ni Eushang kumain,pero minabuti ko na lamang na magstay sa doon, hindi pa naman ako gutom nang mga sandaling iyon, at isa pa, mas ok na din yun dahil mamaya ay tawagin kami at wala kaming dalawa, papanget ang impresyon sa amin nang magiging interviewer namin.
Pinauna ko na si Eusha sa may canteen at ako naman ay naglakad na patungo sa waiting hall. Napansin ko ang dami nang mga babaeng magaganda sa waiting hall, kung titignan mo sila mula ulo hanggang paa ay talaga namang mapapa ulala ka sa kanila, wala talagang patapon, lahat eh palong palo, karamihan pa ay mapuputi at makikinis ang kutis, magaganda din ang buhok nila na halatang ginastusan. Meron din naman alam kong natural ang ganda, siyempre, meron din naman akong napansing mga empleyadong nandoon at nanood nang TV, meron kasing TV, Coffee Vending Machine at cigarette area, ang paborito kong lugar sa waiting room, napansin ko din na yung ibang mga nandoon ay hinde maipinta ang mukha, mga tensyonado, kinakabahan at tila naiiyak pa nga eh, pero naiintindihan ko sila, nagdaan din naman ako noon sa ganun, kung hinde lang ako nasanay sa mga rejection nang company sa akin noon ay baka mahina pa din ang loob ko. .facebook . com/xtorya
Sa dami nang magagandang babae nang mga oras na iyon, isang babae ang nakahuli nang aking atensyon, hinde siya katangkaran, halos hanggang balikat ko lang siya, maliliit at mapupulang labi, maputi at makinis na kutis na kumpleksyon nang balat, balingkinitan ang katawan at meron din naman siyang hinaharap, di nga lang ganoon kalakihan, at ang nakaagaw talaga nang aking atensyon, ang kulay buhok nyang mais, natural na natural ang ganda at kumikintab ito, marahil ay gawa na din sa mga ilaw sa lugar na iyon, ngunit hinde ko pa masabi kung maganda talaga siya, dahil nang mga sandaling iyon, ang babaeng ito ay umiiyak.
Napansin ko na nakasuot din siya nang pormal at naisip ko na maaring kinakabahan lamang siya o kaya naman ay bumagsak siya sa interview kaya siya umiiyak, pero meron pala siyang kausap sa cellphone at nang ibaba na niya ito ay tuluyan na siyang umiyak, nang medyo malapitan ko na siya, nakita ko ang isang I.D na nakasuot sa kanyang leeg, kaya naman mas inisip ko na isa siyang empleyada doon, napansin ko din na kahit may mga dumadaan at malapit na ibang empleyado sa kanya ay hindi man lang siya kinakausap o pinapatahan, tinitignan lang siya at muling babalik sa kanilang ginagawa, kaya naman ako ay bigla na lamang umepal sa eksena. May dala akong panyo nang mga sandaling iyon, mabuti na lamang at nilagyan ko ito nang pabango bago ako umalis kaya naman ayos lang na iaalay ko ito at kumpyansa ako na mabango ito, paglapit ko sa kanya ay inabot ko ito sa kanya.
"Mi..miss... pa.panyo.. ohh.."
ang sabi ko na medyo nauutal, kasi naman nang makita ko siya nang malapitan ay nakumpirma ko na maganda nga siya, at ang mga mata niya, na kung titignan mong maigi ay hinde ordinaryong itim
lang, medyo brown ito at ang ganda talagang tignan, nang kinuha niya ito ay pinunas niya ito sa kanyang luha at tumabi ako sa kanya.
"Anong problema miss?"
"Wala to... wala... salamat ha..."
"Ok lang... pero kung gusto mo ilabas kahit konti, makikinig naman ako"
"Wala to... ok lang to... by the way anong pangalan mo?"
"El Nunal at your service",
at sabay ngiting aso at nagulat ako nang bigla siyang napangiti habang umiiling.

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon