Muli Part 4

1.1K 16 0
                                    

Part 4

Oo nga noh, teka, anong oras na ba insan?" ang tanong ni Eusha at tinignan ni Jules ang cellphone niya.
"Aba, hinde ko alam magaalas dos imedya na pala, hahahaha"
"Ganun ba, oi Jules, Eusha, pwede na ba akong umuna?"
"Ha? Wag ka na umuwi, dito ka na lang matulog" ang sabi ni Eusha.
"Ok lang ba Jules?"
"Oo naman, eh ang tanong saan naman siya matutulog?"
"Edi sa kwarto"
"Hindi, ok lang ako wag na, kasi anong oras na din eh" ang sabi ko sa kanila pero hinawakan ako ni Jules at kinausap.
"Alam mo El Nunal kasi, ganitong oras eh medyo delikado na sa labas, madami kasing mga loko loko dito sa lugar namin lalo na pag hindi ka nila kilala naku, ewan ko lang kung hinde ka tirahin nang mga yun, kaya nga hindi na kami lumalabas nang madaling araw eh, ok lang naman sa amin na dito ka na lang matulog eh, isa pa, kilala ko si insan, hinde naman yan nagdadala nang lalakeng sira ang tuktok eh, tska lage ka kayang naikwekwento sa akin niyan.
"Jules, ikaw talaga, pero oo nga El Nunal, dito ka nalang matulog, delikado na kasi sa labas eh"
napaisip ako, may punto ang dalawang ito, paano kung hindi lang ako holdapin, saksakin pa ako, kaya naman pumayag na ako sa alok nila, pero unang beses kong makikitulog sa isang bahay na may kasamang dalawang magandang babae, at lasing.
Pinagpatuloy namin ang pagiinum hanggang sa maubos na namin ito, nagligpit na si Eusha at Jules samantalang ako ay nagsigarilyo muna sa may labas nang pinto.
"Pa puff nga"
ang sabi ni Eusha, nagulat naman ako kasi hindi ko alam na nagsisigarilyo pala ang babaeng to.
"Kelan ka pa naninigarilyo?"
"Tagal na, di lang talaga ako malakas magsigarilyo:
"Asus!!! Hoy Eusha wag ka nga magpakaanghel dyan, anong minsan sa bahay halos araw araw ka nga eh!"
ang biglang sabat ni Jules at nagsindi din nang sarili niyang sigarilyo.
"Hoy Jules kapal mo namn, nakikipuff lang din ako sa iyo ah, adik to."
"Ikaw El nunanl, kelan ka pa nagsimulang magsigarilyo?
"Mga grade 6 pa lang nagsimula na ako, natigil sandali nang highschool tapos bumalik nang college hanggang ngayon"
"Ahh... so adik ka nga talaga sa sigarilyo no?"
natawa na lamang ako at nang matapos na namin ang aming pagsisigarilyo ay nag-ayos na si Eusha at si Jules nang hihigaan nila, mayamaya pa naglabas sila nang tatlong unan.
"Oh El Nunal, doon ka na sa kwarto matulog oh, kunin mo yung isang electricfan"
kinuha ko ang isang electricfan at dinala sa kwarto at doon na natulog.
Naalimpungatan ako sandali dahil kinailangan kong magbanyo, naiihi na kasi ako nang mga sandaling iyon, ngunit paghawi ko nang kurtina ay di ko inaasahan meron palang tao doon sa loob, si Eusha at umiihi siya nang mga sandaling iyon, nakayuko siya noon kaya naman tanging legs niya lang at nakakabang panty na kulay pink ang aking natanaw, at agad ko din binalik sa dati ang kurtina.
"Jules... ikaw ba yan, sandali lang, matatapos na ako..."
ang sabi niya, mukhang hindi niya napansin ang aking ginawa, siguro ay sadyang tinamaan si Eusha nang mga sandaling iyon, kasi kung napansin niya iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin niya, sinabi ko ka agad kung sino ako.
"Eusha, si El Nunal to"
"Ah... sandali ha"
at narinig kong naghugas na siya at lumabas nang banyo, sadyang siraulo si Eusha at pilya, kasi naman paglabas niya nang banyo ay bigla niyang pinahid sa mukha ko ang basa niyang kamay.
"Ahahahaha amoy ano yan hahahaha"
ang sabi niya habang tumatawa at naglalakad pabalik sa higaan niya, medyo natawa ako sa biro niya at natawa pa ako sa sinabing amoy ano, siyempre, alam ko na, pero, kung nagkataon eh ang bango naman nang ano niya, at nalaman ko kung bakit, nakakita ako nang feminine wash sa banyo, kaya naman mabango ito.
Pagbalik ko nang banyo ay nagulat ako, nasa kwarto ko na si Jules at tulog na tulog, ang masama nito, nakaangat ang suot niyang sando at kitang kita na ang isang bahagi nang kanyang dibdib, meron naman siyang bra nang mga sandaling iyon, hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya o lalapitan, mamaya kasi kung ano pang isipin sa akin, mas nagulat ako sa sumunod na nakita ko, parang hindi pa nakuntento si Jules sa itsura nang damit niya kaya naman tuluyan na niyang hinubad ang suot niyang sando, ngayon ay kitang kita ko na ang kalahati nang katawan niya , ang kinis niya at sadyang napakasexy, hindi ko naiwasan na tigasan nang mga sandaling iyon, at ang posisyon nang pagkakahiga niya eh para bang nangaakit pa siya, sa sobrang libog ko noon ay pumasok ako sa banyo at doon ko nilabas ang aking galit, nagjakul ako doon hanggang sa ako ay labasan, matapos noon ay umuhi upang hinde mahalata na may ginawa akong ganoon sa banyo, isa pa siniguro ko na din na walang maiiwang bakas na puti at sigurado silang ako lang magiging salarin nang mga sandaling iyon.
Paglabas ko nang banyo ay pumunta ako sa may sala kung saan nakahiga si Eusha, nakakumot si Eusha noon, dahil sa nakita ko sa kwarto ay nawala ang antok ko at nagdesisyon na lamang magsigarilyo.
"Bat gising ka pa?"
nagulat ako nang biglang magsalita si Eusha.
"Hindi ako matulog eh, isa pa, kasi si Jules..."
"Ha? Bakit?"
ang tanong ni Eusha at napansin niya nga na wala si Jules doon, at nang sinilip niya ito sa kwarto ay napatingin siya sa akin.
"May ginawa ba si Jules na malaswa sa iyo?"
"Wala naman, nagulat na lang ako kasi nung nagbanyo ako pagbalik ko nandyan na siya eh"
"Teka gigisingin ko"
bigla kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya.
"Wag na, hayaan mo na siya doon, isa pa, hindi pa naman talaga ako inaantok eh, ikaw bat nagising ka?"
"Ewan ko, bigla na lang akong naalimpungatan eh, hindi na din ako matulog, gusto mong juice?"
"Ok lang"
at nagtimpla si Eusha nang juice at inabot niya ito sa akin.
"Salamat, Eusha, ilang taon na kayo dito sa Maynila?"
"Mag-iisang taon pa lang halos, si Jules ang medyo matagal na dito, mga tatlong taon na yata siya dito"
"Bakit ka ba lumuwas nang Maynila, para magtrabaho?"
"Hinde.. gusto ko lang maransan tumira sa Maynila"
"Taga Aklan ka diba, malapit ba sa inyo ang Boracay?"
"Actually doon nga kami mismo sa may Boracay eh, meron kaming Bar doon, nalimutan mo na ba? Di ba nasabi ko na sa iyo yun dati?"
"Ay, oo nga pala noh, ay hindi tangek! Ang nasabi mo lang sa akin naging bartender ka sa bar sa inyo, ano bang malay ko kung saan ka lupalop nang mundo galing"
"Hindi ba, sorry naman, wala lang gusto ko lang kasi magsaya dito... kasi..." at mula sa masaya niyang mukha habang nagkwekwento ay napalitan nang tila isang malungkot na Eusha na ngayon ko lang nakita.
"Kasi..." ang dugtong ko sa sinabi niya, parang may gusto siyang sabihin nang mga sandaling iyon, pero hindi na niya tinuloy bagkus ay iniba niya bigla ang usapan.
"Wala yun, teka, ikaw, kumusta ka na ba? Matagal din tayong hindi nagkita eh"
"Wala naman masyado, ayun, tambay, trabaho kunwari, aplay-aplayan pero hindi naman talaga nag-aapply, wala naman masyadong interesadong bagay akong pinaggagawa"
"Ano nang nangyari sa GF mo?" bigla akong natigilan sa tinanong niya, napansin niya din na medyo parang nalungkot at naasar ako kaya naman biglang siyang lumapit sa akin."
"Sorry, wag mo na lang sabihin kung ayaw mo, alam ko naman yung ganyang pakiramdam eh, sorry ha" bigla kong pinisil ang pisngi niya.
"Ikaw eh, pero ok lang, wag mo na isipin yun, ayaw ko lang talaga na pagusapan pa natin yun, gusto kasi nang bago lahat, bagong trabaho, bagong kumpanya, bagong kasama sa trabaho, lahat bago, para naman mabago na din ang takbo nang buhay ko"
"Ganun? Ahahaha El Nunal, salamat ha"
"Saan?"
"Sa pagsama mo sa akin, akala ko kasi tatangihan mo na naman ako eh."
"Ahh... pasensya na din ha, kung hindi ko minsan nasasamahan ang kaibigan ko"
"Ganyan ka naman eh, lagi na lang, El nunal, pagparehas ang breaktime natin, sabay tayong kumain sa labas ha? O kaya kahit sa canteen"
"Bakit?"
"Kasi Ililibre mo ko!"
"Tigas nang panga mo gago, ikaw manlibre!"
"Eh gago ka din, lalake ka eh, dapat akong babae ang nililibre mo"
"Eh di ka naman babae eh hahahaha"
at sinabunutan ako ni Eusha at nagkatawanan kami, pakiramdam ko, parang kalaro ko lang ang kapatid ko nang mga sandaling iyon, at matapos ang ilang minuto nang kulitan ay tinamaan na din kami nang antok, ang problema eh wala akong mahihigaan, si Jules kasi eh nandoon pa din sa kwarto, at siguro naisip din yun ni Eusha kaya siguro bigla niya na lang akong inaya.
"Tara, tabi na lang tayo matulog"
"Ha? Adik ka ba, mamaya nyan makita tayo nang pinsan mo kung anong isipin sa atin."
"Bahala ka, ikaw na nga inaaya mahiga sa kutson eh, sige ikaw din, ako eh inaantok na talaga" at nahiga na si Eusha, ako naman ay umupo muna sa may bandang paahan niya.
"Pwede dito na lang ako mahiga sa sahig paulo na lang dito sa may kutson nyo ok lang?"
"Mahiga ka na nga kasi dito, dami mo pang arte eh, wag ka na mailang sasabunutan kita dyan eh"
"Eusha para ka pang ewan, sige na matutulog na ako at uunan na lang ako dito"
at humiga na ako sa sahig pero nakaulo ako sa may kutson na hinihigaan ni Eusha, nagulat ako nang bigla siyang umupo at yumuko sa uluhan ko.
"Oh bakit?" ang tanung ko sa kanya at nagulat ako nang bigla na lamang niyang halikan ang aking noo.
"Good Night El Nunal"
at bumalik na siya sa kanyang pwesto at natulog na, ako naman ay nagulat, siguro, natuwa lang talaga siya at sumama ako sa kanya, isa pa, hindi naman niya ako hinalikan sa labi eh, sa noo lang, kaya para sa akin, halik kaibigan lang yun.
Ilang minuto pa ay naramdaman ko nang bumibigat ang aking mata hanggang sa makatulog ako.

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon