Muli Part 16

1K 13 0
                                    

Part 16


"Wushu! Ang sabihin mo isnabero ka na nga, ganun ba talaga kapag hinde na kasama sa school grumaduate hinde na kilala"
"Hinde naman, kumusta na nga pala kayo?"
"Ok naman, eto lahat kami sabay sabay grumaduate, ikaw kasi eh, bat ka pa kasi lumipat nang school, ang dami mong namiss na mga pangyayari sa school natin"
"Eh wala eh, ganun talaga, doon ka pa din ba nakatira?"
"Oo, bakit? Hinde ako nagpapaligaw"
"Ay hayop hinde naman kita liligawan adik to"
"Ahahaha joke lang, oo doon pa din, ano nga pala number mo?"
"Sige mangasar daw ba?"
"Ay oo nga pala hahaha, sige sandal"
kumuha siya nang bolpen at papel sa dala niyang bag at doon sinulat ang number niya
"Ayan, sama ka naman sa reunion nating magkaklase"
"Welcome pa ba ako?"
"Aba oo naman, para kang tanga, ikaw nga halos hinahanap nila eh, namimiss na nila yang nunal mo hahaha"
mayamaya pa ay bumaba na siya
"Oi sige, dito na ako, saan ka ba baba?"
"Medyo doon pa sa may Gasolinahan"
"Ay tamad samahan mo na ako"
at hinila niya ako pababa nang jeep. Sinamahan ko siya maglakad pauwi sa kanila, hinde niya ako kinakausap noong una pero habang naglalakad, pinagmamasdan niya lang ako mula ulo hanggang paa at mayamaya pa ay nagtanong na siya
"Saan ka ba nagtratrabaho? Ang ayos kasi nang itsura mo eh"
"Call center"
"Weh? Sabagay, elementary pa lang eh magaling ka na naman mageenglish eh, mahirap ba?"
"Sa una oo, pero pagnasanay ka, parang normal ka na lang nakikipagusap sa mga Kano, kailangan lang naman kasi eh hinde ka kakabahan at medyo fluent ka sa pagsasalita nang English"
"Ikaw na fluent magsalita sa English"
nanibago ako sa laki nang pinagbago nang bahay nila, nawala na din ang daan sa may eskinita papunta sa kanila, nilagyan na pala nila nang bakod, doon kasi ako dati dumadaan shortcut pauwi sa amin Tara pasok ka,
Ma!! Si El Nunal nandito, nanliligaw sa akin!"
nagulat ako nang sabihin niya yun at biglang bumaba ang nanay niya
"Magandang gabi po"
ang bati ko sa nanay niya at nakangiti niya akong binate
"Aba, matagal tagal na din tayong hinde nagkita ah, laki nang pinagbago mo, pati nunal mo, medyo lumaki pa hahaha, kumusta ka na?"
"Ma, liligawan daw ako" ang sabi ni Rika habang tumatawa
"Naku El Nunal, may BF na yan, sea man, nahuli ka"
"Ma naman oh, bat mo agad sinabi, pagtritripan ko pa eh"
ang sabi nito habang tumatawa
"Ate, Rika uwi na muna ako ha, may pasok pa ako mayamaya eh"
"Weh?"
"Oo nga"
"Anong oras ba?"
"Dapat mga 10pm nandoon na ako eh"
"Ahh ganun ba sige na nga lumayas ka na, hoy wag mong kakalimutan yung reunion natin ha?"
"Sige sige"
at nagmamadali akong naglakad pauwi sa amin, mabuti na lamang at ang ibang eskinita na dinadaanan ko noon ay bukas pa din at halos wala pa namang pinagbago, nakita ko din ang mga kalaro ko dati noong bata pa ako na mga nakatambay doon, pero hinde nila ako napansin, madilim kasi ang eskinita na dinaanan ko noon, paguwi ko sa amin, wala akong inabutan na tao, wala din akong inabutan na pagkain o kahit pamasahe, mabuti na lamang talaga at nagbukod ako nang pera, naligo agad ako, at nagpahinga nang konte, matapos ay umalis na din agad ako at sumakat nang jeep. Hinde na ako nakaidlip noon sa jeep, nwala kasi ang antok ko sa nangyari sa akin kanikanina lamang, mabuti na lamang at walang trapik noon at maaga akong nakarating sa opisina, yun na nga lang ay tinamaan ako bigla nang gutom, pagtingin ko sa aking pera ay sapat na lamang pamasahe pauwi, kaya naman binusog ko na lamang ang aking sarili sa tubig, natatawa ako sa sarili ko noon, sa call center ako nagtratrabaho pero wala akong pera, sabagay, hinde pa naman ako noon sumasahod. Pagpunta ko sa opisina ni Charice ay hinde ko siya inabutan doon, kaya naman umupo muna ako sa may bakanteng upuan doon, tumingin ako orasan na nakalagay noon sa table niya, mag aalas onse
imedya pa lang, ang simula nang aming training eh ala una, nagtataka naman ako kung bakit ako kailangan magreport doon nang ganoon kaaga, hinde ko naman siya inabutan.
"Are you Mr.Elnunal?"
tanong sa akin nang isang lalakeng sumilip sa pinto
"Yes?"
"Pinapasabi ni Mam Cha na sa may conference room ka daw maghintay, may pinuntahan lang siya sandali"
sinamahan ako nang lalake sa may conference room, pagdating ko doon ay nagulat ako nang makita doon si Jessa at ang iba pa naming kasama sa training
"Oh, kayo din ba tinext ni Mam Charice?"
ang tanong ko sa kanila
"Oo, nagulat nga ako eh, akala ko maaga ang training natin ngayon, hinde pala"
ang sabi sa akin nang isang kasama namin sa kwarto, medyo hinde kami naguusap ni Jessa, nagkakailangan kami sa nangyari sa amin kanina, kaya naman nagkakaiwasan kami nang tingin, ilang sandali pa ay dumating na si Charice na may kasamang dalawang lalake at may dalang kahon, pagkain pala ang laman nito
"Ok guys, thanks for waiting, pinapunta ko kayo dito para i treat for a job well done, you guys passed the training"
nagtaka ako, hinde ko alam kung paanong nangyaring nakapasa kami sa training, eh halos basic pa lang at puro quizes lang naman ang ginawa naman at ang alam ko ay isang hanggang dalawang linggo pa kami pero tila limang araw pa lang kami nagtraitraining
"Mam Cha, how come?"
tanong nang isa sa mga kasama namin doon, pero napaisip ako, bakit mula sa labing isa ay naging anim na lamang kami
"Well, the quizes were the actual test, phone simulation will be conducted after natin kumain, kayong anim lang ang pumasa sa mga binigay kong quizes, and you guys we're the only one who passed the evaluation tests as well"
hinde ko padin nagets ang sinasabi ni Chairce nang mga sandaling iyon pero ang masaya nito ay pasado na kami at sa wakasa ay may trabaho na ako, at magkakapera na ako,matapos naming kumain ay nagpahinga muna kaming lahat doon, matapos noon ay may nilagay sa gitna nang lamesa si Charice, isang telepono
"Once the phone rings, kindly answer it ok, it means na kayo na ang susunod, ok, Jessa, Ramir and Leah, follow me, you will be the first to take the final part of the training, wag nyong ibabagsak to ha,
the result of the phone simulation will be the your final score at pag hinde maganda ang feed back sa inyo nang mga clients, wala na akong magagawa kundi, ibagsak kayo"
bigla akong nawalan bigla nang lakas sa narinig ko, hinde ko alam na meron pa palang ganoon huling test, maging kaming naiwan doon ay naggulat
"Parang ang gulo noh?"
ang sabi nang isa sa kanila
"Oo nga eh, yung iba nating kasamahan, nagulat, tinext sila na bumagsak daw sila, hinde nila alam kung paano, sinabi ko sa quizes eh ang labo naman daw"
hinde ako makapagkomento, hinde naman kasi lahat nang kumpanya ay parepareho nang paraan nang pagbibigay nang test sa mga aplikante, kaya lang, hinde ko din talaga magets kung paano kami noon pumasa, parang napakadali naman kasi pumasa kung nagkataon, sa test lang, pero siguro, napansin ko din kasi na halos hinde nga sila seryoso sa pagtetest noon, mukha nga silang nakikinig pero ang totoo, kung hinde si Charice ang nagtuturo noon, hinde ko alam kung bibigyan nila ito nang atensyon, mayamaya pa ay tumunog na ang telepono, sinagot ko ito, si Charice pala ang nasa kabilang linya
"El Nunal, pakisabi sa dalawa mong kasama dyan na kayo nang tatlo ang susunod, darating dyan si Jessa para samahan kayo sa test room"
mayamaya pa ay dumating na si Jessa, binaba ko na ang telepono at sumunod sa kanya, hinde naiwasang itanong sa kanya
"Madali lang ba ang ginawa nyo?"
"Ok lang, hinde naman mahirap, maganda naman daw ang quality nang voice ko, at kung ano ano pa"
ang sabi niya sa akin kaya lang hinde niya pa rin ako hinaharap, pagdating namin ay may inabutan akong tatlong bukas na kumpyuter, na may headset at nakakabit ito sa isang hard phone, AVAYA, mayamaya ay nakita ko si Charice na pumasok nang kwarto na may dalang papel at inabot sa aming tatlo
"That will be your rebuttals ok? Just deliver them like you're not reading it ok?"
at lumabas na siya nang kwarto
"Parang pinapasa tayo ni Mam Charice no?"
ang sabi nang isa sa mga kasama ko, napansin ko nga din na tila parang gusto niya kaming pumasa noon, hinde naman ako dati inabutan nang kung anong parepernalya nang last exam namin sa training noon sa dati kong pinapasukan, kaya naman minabuti ko na kabisaduhin ito, nang hinde siya magmukhang binabasa, at nagsimula na ang exam. Matapos ay pinabalik kaming lahat sa may conference room at doon ay nakita ko si Charice na parang hinihintay talaga kami at nakangiting nagtanong sa amin
\
\"Did you tell what I did you should tell? Did you answer all the concerns correctly? How was it?"
ang tanong niya sa amin,tumango kaming lahat at mayamaya pa ay tumunog muli ang telepono, at pinundot ni Charice ang loud speaker para marinig naming lahat ang sinasabi nang nasa kabila

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon