Muli Part 14

1K 12 0
                                    

Part 14
Ang hina mo naman, bading ka nga siguro, kumakain ka ba nang balot? Bili kita mamaya nang lumakas naman yang tuhod mo"
"Inaantok lang ako" pero ang totoo talaga, nanghihina pa ang mga tuhod ko dahil sa pakikipagtalik kay Reynalee, tapos sasamahan mo nang ganoon klaseng biglang akyat, kaya siguro ako nanghina, o sadyang, mahina lang ako (hahaha), nang pinindot na ni Jessa ang dorbell ay may matandang parang kano ang lumabas at nagulat ako nang niyakap nito si Jessa
"Oh Jessie, what a surprise, what brings you here?"
"Well,Mama said that she can't see you for now, so for the mean time, I'll be the one who will take care of you"
"She's still upset?"
"Papa, even I would be upset if my husband done such a thing to me, by the way, Papa, this El Nunal, a friend of mine in my new found job"
"He seems nice, would like a cup of tea? How about coffee? Chocolate? Milk?"
"A glass of water will do, cold one please" ang hiling ko sa kanya at inaya ako ni Jessa na pumasok.
Napansin ko na napakadaming nakasabi na picture frame nang babaeng morena kasama ang lalakeng nakita ko, kaya naman di ko naiwasanag itanong.
"Jessa, sino yung kasama nang Papa mo, Mama mo?"
"Oo, bakit?"
"Buti sa Papa mo ikaw nagmana?
"Well, she is not my biological mother, she's my step mom, but I rather be with her than my biological mother"
at may naring kaming isang malakas na kalabog mula sa kusina.
"Sino ang kamaganak nang pasyente?" ang tanong doctor sa amin
"Ako po dok, kumusta po ang Papa?"
"Iha, ok naman ang Papa mo, mabuti na lamang at nadala niyo agad siya dito, kung hindi, baka lumala ang lagay niya, nahighblood lang siya at hinimatay, yun lang naman, wag nyo siyang pakakainin nang kahit makolesterol na pagkain, nadiagnose kasi namin na he just recently too much fat, kaya ayan, inatake ang batok niya"
"Si Papa talaga, sige po dok, salamat, pwede na po ba siyang puntahan?"
"Yes, please, pero, he's under observation pa ha, it is advisable to let him stay here and rest for about 3 or 4 days"
"Ok po dok, thanks po ulit" napakamot sa ulo niya si Jessa habang nilalapitan ang kanyang Papa
"Can I go now?"
"No, you can't the doctor told me that you should stay here and rest for 4 days"
"What?! He must be mad?! You know I hate being confined in a hospital?"
"Well whos fault is it?" natahimik ang matanda at parang batang nagtakip nang unan sa ulo
"Dad, don't be such a rascal and do some crazy things here while I'm gone, ok?" at lumabas na kami nang kwarto
"Salamat sa tulong ha, hirap talaga pag may pasway kang tatay, ewan ko ba kasi bakit naman si Mama nakikisabay pa" , mayamaya pa ay may tumawag kay Jessa
"Mama, nandito kami sa ospital, oo, dito lang sa malapit sa condo natin, oo, isang taxi lang to, sige sige
pagkababa niya nang telepono ay napabuntunghininga siya
"Buti na lang at may magbabantay na sa makulit kong Papa, salamat talaga ha, anyway gusto mo bang kumain?"
"Ha... next time na lang siguro... gusto ko na kasing umuwi eh"
"Ayaw mo lang ata ako kasamang kumain eh"
"Hindi sa ganun, kaya lang kasi, anong oras na hindi pa ako nakakauwi"
"Weh? Nakakapagtampo ka naman, sige na nga umalis ka na"
Bakas sa mukha niya na parang nadismaya siya sa pagtangi ko sa alok niya, tumingin ako sa oras alas dos na pala nang hapon, naisip ko na papagalitan na lang naman ako, lulubos lubusin ko na ang mangyayari
"Tara, Jessa kain tayo"
"Akala ko ba ayaw mo?"
"Eh wala na din eh, anong oras na din pala"
"Tara"
ang masaya niyang sinabi at yumakap siya sa aking braso at dumiin na naman ang kanyang malalambot na dibdib dito, tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin, hindi ko alam kung bakit pero parang narelax ako bigla nang makita ko ang ngiti niya, sumunod lang ako kung saan niya ako hinihila, sumakay kami nang taxi at nagulat ako at bumalik kami sa condo nang kanyang Papa.
Teka, bat dito tayo pumunta?"
"Ipagluluto kita, ayaw mo pa? Swerte ka at ikaw pa lang ang ipagluluto ko"
"Ganun?"
"Ahh, pagnatikman mo ang luto ko, mapapaluha ka sa sarap"
"Weh? Talaga lang ha, pag hindi masarap?"
"Uhhm... ikaw, ano bang gusto mo?"
"Sige ganito, pag masarap ang luto mo, ililibre kita nang dinner sa buong training natin"
"Ang daya mo naman bat sa training lang, eh ilang araw na lang tapos na training natin eh, dapat isang buwan"
"O sige, isang buwan na, pag hindi masarap, ako ang ililibre mo ano ok ba yun?"
"Deal"
matapos noon ay nagluto na siya, ako naman ay naghihintay sa may labas ng koridor at nagyosi muna, mayamaya ay may nakita akong isang babaeng palapit sa tinatayuan ko, yung babaeng nakita ko na kasama nang Papa ni Jessa.
"Nandyan ba si Jessa?" ang tanong niya sa akin
"Nasa loob po" at pumasok ang babae, mayamaya pa ay nagulat ako nang nakita kong hinahatak ni Jessa ang babaeng yun at pinakilala sa akin
"Oi El Nunal, Mama ko nga pala, Mama si El Nunal, kaibigan ko"
"Hi po"
"Kaibigan mo lang ba talaga? Eh bat mo pinagluluto, di ba ang sabi mo sa akin eh"
natawa akong nang biglang pasakan ni Jessa nang hawak niyang panyo ang bibig nang Mama niya
"Mama, wag ka ngang madaldal dyan kung ano ano naman ang sasabihin mo eh"
natawa ako nag sabunutan nito si Jessa, talagang close ang magina na ito kahit hindi sila magkadugo.
At habang naglalandian sila ay natanggap akong mensahe sa aking cellphone galing sa isang di ko kilalang numero, hindi ko muna ito binasa at pumasok na sa loob nang kondo dahil tapos na pala siyang magluto.
"Aba, Jessa, pwede ka na pa ngang magasawa"
ang sabi nang Mama niya sa kanya, at hindi ko itatangi na masarap nga ang niluto niya noon na giniling na baboy at madaming kung ano anong gulay
\
\"Ano El Nunal, anong masasabi mo? Masarap ba?"
"Oo, pwede nang kainin"
"Edi panalo na ako sa pustahan natin?"
"Ano pa bang magagawa ko, pero, biscuit at juice lang"
"Aba?! Ano yun ang daya mo naman!"
at bigla niyang inipit ang ulo ko sa kanyang braso, at dumidikit ang kanyang dibdib sa aking pisngi kaya naman kunwari ay pumapalag ako upang mas madiin ito sa akin
"Ang sweet nyo naman, Iho, seryoso ka ba dyan sa anak ko?"
"Mama!"
ang sabi ni Jessa na biglang namula at binitawan ako upang ang nanay niya naman ang ganunin, masaya ang kinalabasan nang pagpunta ko kina Jessa, mayamaya pa ay umalis na ang Mama niya para puntahan ang Papa niya at naiwan na kaming dalawa, pero bago umalis ang Mama niya ay nagulat ako nang bigla ako nitong sitsitan at may inabut siya sa akin na nakalagay sa maliit na plastic nang Mercury Drugs at umalis na.
"Ano yung binigay ni Mama?"
ang tanong sa akin ni Jessa habang nagliligpit nang aming pinagkainan
"Hindi ko alam, nakaplastic eh, eto oh"
at inabot ko ito kay Jessa at nang makita niya ito ay bigla siyang natawa at kinuha niya ang kanyang cellphone, hindi ko kasi nakita ito dahil nakatalikod siya nang buksan niya ito
"Mama, para ka pang tanga hahahahahaha, sa kanya mo pa talaga binigay?! Ahahaha luka luka ka! Ahahaha ano, nakay papa ka na ba? As if naman na mangyari yun! Ahahahaha ewan ko sa iyo Mama hahaha sige na bye na!"
at binaba niya ito tatawatawa siya at tumingin siya sa akin, nagtaka namana ako kung bakit, bigla na lamang niya akong tinanong
"Nakita mo ba laman nung plastik?"

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon