Muli Part 25

1K 12 0
                                    

Part 25

Si Reynalee ba? Hinde na siya pumapasok since last week, eh, nagtetext ako sa kanya kaya lang hinde naman siya sumasagot, tapos out of coverage area siya pagyinatawagan ko, bakit?
ang tanong sa akin ni Eusha at pinaliwanag ko ang lahat
"Tama ba ang ginawa ko? ang tanong ko kay Eusha
"Alam mo, tama naman ang ginawa mo, kasi kung ako din ang nasa sitwasyon mo, ganun din ang gagawin ko, pero, sana, hinde mo na lang siya pinatulan eh
"Yun nga eh... ang akala ko naman kasi, maiinlove ako sa kanya pero, naisip ko, meron akong ibang taong mahal"
"Alam mo kasi gago ka din talaga eh, ewan ko sa iyo El Nunal, bulabugin ka sana nang todo nang kunsensya mo, kung hinde mo na kasi pinatulan yun sa umpisa pa lang, edi sana walang ganitong problema, wala sanang nasaktan, walang nasira ang buhay
"Hinde ko naman sinasadya yun, Eusha, lalake lang naman ako, natutukso, isa pa, sinubukan ko lang naman talaga, kung may mangyayari sa papasukin kong pakikipagrelasyon sa kanya, kaso, wala talaga, ibang tao kasi ang tinitibok nang puso ko eh
"Tang inang puso yan, eh kalibugan mo lang ata pinairal mo eh, sino ba kasi yang sinasabi mong babae?"
"Makikilala mo din siya, sa ngayon, gusto ko lang malaman kung ok lang si Reynalee"
"Bakit hinde mo puntahan sa bahay nila, malapit lang naman sila dito diba?"
"Samahan mo naman ako oh
"Heh! Tumigil ka nga idadamay mo pa ako sa kalokohan mo
"Sige na naman Eusha oh, please, promise lilibre kita lagi nang dinner
"Mukha mo! Nakalimutan mo na nga yung pustahan natin eh, tapos ayan ka naman
"Sige, bibigyan kita nang toblerone araw araw, ok na ba yun?
"Sure ka?"
"Oo, promise talaga, ililibre kita nang toblerone
"Tapos sa unang sahod natin, ililibre mo ko sa may Ssbaro
"Ang mahal dun eh, iba na lang
"Ah! Bahala ka, hinde kita sasamahan
"Sige na sige na, doon na kita ililibre, pero isang beses lang ha, ang mahal kasi doon eh
"Paano mo naman nalaman?
"Kumain na kaya kami doon ni Mam Charice
bigla niya akong hinampas nang malakas sa likod
"Aray, bakit?!"
"Wag mong sabihing... si Mam Charice ang sinasabi mong... siya yun noh?"
"Ha? Hinde ah... paano naman ako magugustuhan noon
"Bobo! Ang sabi ko yun ang mahal mo hinde ko sinabing magugustuhan ka noon"
"Wagas ka naman sa pagkakabobo mo
"Eh bobo ka naman kasi talaga eh, ewan ko sa iyo, EL Nunal, kung si Mam Charice man ang sinasabi mo, please, magisip isip ka muna ha, ibang level yang tinatarget mo
"Alam mo na din ba?"
"Ang alin? Teka, don't tell me... Oh! My! Gosh! El Nunal, kayo na ba ni ano?
"Adik! Hinde noh! Ang ibig kong sabihin alam mo na ba ang posisyon ni Mam Charice
"Supervisor
"Paano mo nalaman?
"Ang tanga mo pa nga talaga, nakakaasar ka na, halos lahat kaya alam naman yun, kaso ang sabi lang sa amin, wag siyang tatawagin nang ganon, kasi nga sabi daw ni Mam Charice eh ok na kahit Charice na lang daw eh ang kaso, hinde naman maiiwasan na bigyan galang yung babae na yun diba?"
"Kelan mo pa nalaman?
Noong training pa lang natin, hinde ka kasi nagtatanong tanong eh, ewan ko sa iyo, di ko alam kung nagtatanga tangahan ka lang o tanga ka na talaga
Samahan mo ko ha?
"Sige na, hintayin kita sa canteen ha?
at matapos ang shift namin ay agad akong pumunta sa may canteen, naabutan ko doon si Eusha at si Jessa na naguusap, nang makita ako ni Jessa ay bigla siyang nagayos nang gamit at umalis siya sa inuupan niya
"Anong pinaguusapan nyo?
"Wala! Ikaw talaga napakachismoso mo
"Bakit mo ba ako sinusungitan panget ka"
"Ang panget mo kasi eh! Tara na nga!”
at naglakad na kami papunta sa bahay ni Reynalee, pagdating namin sa bahay ni Reynalee ay hinde ko alam kung paano pa siya haharapin
"Ano handa ka na ba?
ang tanong ni Eusha at pinindot nan iya ang doorbell, ilang sandali pa ay narinig na namin ni Eusha na bumubukas na ang gate, at sumilip ang taong nagbukas nang
"Hey..."
Good Morning, can we speak to Reynalee? "
ang sabi ni Eusha sa lalaking matangkad at maputi,mukhang kano, hinde ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita
"Oh, haven't you heard? Reynalee and her mom went to states, her mom need to attend something urgent, who are you guys anyway?
"We're Reynalee's friend, when did they left?
"A few days ago, they just asked me to stay here for the meantime, by the way, can I have your names?"
"I'm Eusha and this is El Nunal"
"I see, don't worry, I'll inform Reynalee that you guys drop by “
at umalis na kami ni Eusha No wonder hinde siya nagrereply sa mga text ko, wala na pala sa Pinas ang lukaret bigla akong hinataw ni Eusha nang malakas sa braso
"Ikaw kasi eh!!! ang sabi pa niya sa akin
"Salamat ha, salamat sa pagsama"
"Hay naku, basta, yung promise mo ha
"Sige, sige
nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, dumiin noon ang kanyang dibdib sa akin sa sobrang higpit nang yakap niya sa akin
"Eusha?"
"Ok lang yan... tama naman ang ginawa mo eh... habang maaga, atleast, sinabi mo na sa kanya... wag ka nang magisip, ok?
"Salamat “
at sumakay na siya noon nang jeep, sumilip pa siya sa bintana at kumaway sa akin, magaalasais pa lamang noon, kaya naman naisipan ko muna na bumalik sa kumpanya namin at kumain sa may canteen, medyo nagugutom na kasi ako noon, papasok ako noon sa may main entrance nang building, nang hinde ko sadyang nabungo ang isang babae at natumba ito
"Ay miss sorry
"Aray ko, ang sakit..”
ang sabi nito habang hinihilot ang paa niya, nakahighheels kasi siya noon
"Miss pasensya na talaga ha
"Ok lang, ako din naman may... Kuya El Nunal? nagulat ako at kilala ako nang babaeng iyon, hinde ko siya mamukaan, at sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakita, pero sa tono nang pananalita niya, ay kilalang kilala niya ako
"Walangya ka, ikaw pala yan, alalayan mo nga muna ako, letseng heels talaga to"
at inalalayan ko siya na tumayo at umupo muna kami sa malapit na upuan
"Anong nangyari sir?
ang tanong sa amin nang guard namin sa kumpanya
"Natapilok ata siya tapos nabungo ko pa
"Ok lang po ako kuya"
pinagmamasdan ko siyang mabuti, at pilit na inaalala kung sino siya, maputi siya, maliit, at chinita, medyo may kalakihan din ang kanyang dibdib, nakita niya ako na pinagmamasdan ko siya at bigla niya akong piningot
"Bakit ganyan ka makatingin"
"Sorry ha, wag ka sanang ma offend, pero, pwede bang malaman kung anong pangalan mo
"Ay... ang sama, kinalimutan mo na ako kuya El Nunal?
"Sino ka nga ba ulit? Sorry ha, nalimutan ko na talaga eh
"Si Lyka, remember? "
Lyka... teka... Lyka... "
Ang sama, mo naman kuya, ako yung pinsan ni Jamaica, yung GF mo dati!"
at bigla ko siyang naalala, nagulat ako dahil ang laki nang pinagbago niya
"Lyka, ikaw nga, oh... kumusta na kayo? Si Ate Janette mo nga pala, anong balita
"Ayun, nasa Singapore na, si Ate Jamaica naman, ayun, nasa Japan pa din, ikaw, kumusta ka na?
"Ok naman, grabe, ang laki nang pinagbago mo ah, hinde kita nakilala, huling kita ko sa iyo, batang bata ka pa eh"
"Kuya naman siyempre tumatanda din ako noh?
"Teka, ano nga palang ginagawa mo dito?
"Naghahanap nang work
"Kaya pala formal na formal ang attire mo ha
"Naman Kuya, oi, kuya, dalaw ka naman minsan sa bahay, sa Friday na darating birthday ko, punta ka ha"
"Hinde ko lang alam, may trabaho na kasi ako eh"
"Ano bang trabaho mo?
"Call center agent
"Malaki ba sahod?
"Medyo, hinde pa naman ako sumasahod eh, sa Sabado pa
"Kelan ba rest day mo?
Lingo pa eh"
Edi punta ka na lang nang lingo, alam mo naman ang bahay namin di ba?"
"Teka saan ba?"
"Yung sa Antipolo"
"Ahh... hinde ko na matandaan eh
"Ano ba number mo kuya?
"Ay wala pa akong cellphone, nanakaw kasi cellphone ko eh
"Ano ba yan, teka nga kumuha si Lyka nang papel sa dala niyang folder at sinulat ang number niya doon
"Eto yung number ko kuya oh, text mo ko sa Sunday, alam mo naman yung Tikling diba?
"Oo naman
Doon na lang kita susunduin ok? Hinatayin mo ako doon, wala ka bang mahihiraman nang phone?"
"Wala eh, pero, susubukan ko manghiram sa kaibigan ko ok?
"Sige kuya, ok na medyo nawala na ang sakit sa paa ko eh
at nakatayo na siya noon nang maayos at naglakad na siya
"Lyka, saan ka ba pupunta?"
"Doon pa kuya, sige, text text na lang tayo”
at naglakad na siya paalis, ako naman ay biglang napaisip, hinde ko inaasahan na isa sa mga taong parte nang aking nakaraan ang biglaan kong nakita, hinde ko alam kung anong gagawin ko, napaupo ako sa may hagdan sa may labas sa mainentrance nang building, at napaisip, nakayuko ako noon at iniisip kung pupunta ba ako o hinde, nagulat ako ng biglang may humimas sa aking ulo, paglingon ko ay nandoon sa harapan ko si Charice
"Are you ok?
ang tanong niya sa akin
"Nothing Mam Cha"
"Ano?
ang sabi niya habang nakangiti
"Ay, wala Cha... ok lang ako
"Parang hinde naman, tara, let's have some coffee, my treat"
gusto ko din magkape noon, at siyempre, libre naman kaya sumama na ako sa kanya,pagkarating namin sa may Starbucks ay bigla niya akong tinanong
"El Nunal, you seems to have a problem, ano ba yun?
"Wala Cha, walang kwentang problema lang
"Then why be stressed if that's nothing? Hmm? ang tanong niya sa akin
"Something personal...
"I do tell you my personal problems, then why not share yours? Besides, like you said, we need to vent out our emotions to feel good diba?
at kinuwento ko kay Charice ang napagdaanan kong relasyon noon kay Jamaica, at kung paano ako nasaktan sa ginawa niya, paano ako umasa noon, at sinabi ko sa kanya na kanina lamang ay nakita ko ang pinsan niya
"I see, if you don't want to go, then don't, but, will this give you a peace of mind? Alam mo naman yung saying na, ang hinde marunong lumingon sa pinangalingan, hinde makakarating sa paroroonan, why not apply that?
"Huh? Di ko ata nagets...
"Well, to make it simple, puntahan mo, pagnatuwa ka stay, paghinde alis, isa pa, nakamove on ka na naman sa pinsan niya diba?
"Oo...
"At pinsan niya naman ang pupuntahan mo diba?
"Oo "
At she's not at fault sa nangyari diba?
"Oo "
See, then just go, besides, like you said, wala naman sa Pinas yung ex mo na yun diba?"
"Sabagay...
"Isa pa, sana eh tumangi ka, kung tumangi ka, e di hinde ka namromroblema ngayon
"Sabagay... salamat ha
"Ok lang, ano ka ba, you've done the same thing for me
"Ay... Cha, by the way, may I ask, ano nang balita sa iyo
"Well, eto, stressful pa din, pero, pinapasaya ko na lang ang sarili ko, remember that lady you seen that day, yun ang biyenan kong hilaw, at katakot takot na paliwanag ang sinasabi ko noon pero sadyang sarado ang isip at tenga niya sa mga paliwanag ko, edi ang ginawa ko na lang eh hinayaan ko na lang siya magisip nang kung ano ano"
"Kinukuha pa ba nila yung bata?
"Hinde na nila makukuha yung bata dahil, meron darating na bantay si Bethina
"Sino?
"Si Lola, she will be staying here in the Philippines now, natatawa nga ako sa kanya eh, ang sabi niya sa akin, gusto niya, sa Pinas siya ililibing
"Ganun? Ahahaha adik din lola mo noh?
"SInabi mo pa, kaya lang around December pa siya darating eh
"Ahh... ok... two months from now...
"Two weeks from now, birthday mo na pala no?"

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon