Part 8
Oi pasensya na nga pala kung naistorbo pa kita ha, kasi, gusto ko lang may kasama pag kameet ko tong client natin, si Mr.Sy, may pagkamanyakis kasi yun eh, dati nang kami lang nagmeet sa isang private na restaurant, kulang na lang eh pati dibdib ko at harapan ko eh himasin, ang likot nang kamay, panay na nga lang ako iwas eh, kung hinde lang talaga siya investor sa company, nakrompal ko na yun, pero hinde na makakaulit sa akin yun, kaya nga dito ko siya pinilit na makipagkita eh, para mailang siya, atleast, siguro naman hinde na siya makakagarapal kung nandito kami sa madaming tao diba? Ikaw, tell me, manyakis ka din ba?
"Lahat naman nang lalake manyak eh, kahit hindi niya aminin o kahit na mabait pa siya, may kamanyakan pa din yan na tinatago sa katawan, pero, hindi ako katulad nang manyakis na inaakala mo, hindi naman ako yung tipong basta basta na lang mangmamanyak nang mga babae paggusto ko, isa pa, hindi ako nanghaharas nang babae para lang makapangmanyak"
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon kay Charice nang wala man lang kahiya hiya, huli na nang tablan ako nito nang makita ko siya na nakatawa habang kumakain siya
"In short, manyakis ka din, hahahaha, ang dami mo pang sinasabi, di ba, mas ok kung ganyan ka makipagusap, normal, mas komportable diba?"
"Well... oo, tama ka nga..."
"El Nunal, may I ask something?"
"Ano yun?"
"Ikaw, since lalake ka, pwede ko bang mahingi ang opinyon mo, kasi.."
pero bago pa man siya makapagtanong ay may biglang lumapit sa amin na isang matabang lalakeng mukhang Chinoy na nakasuot nang pormal at namamango pa,at may kasama pang mga body guards, malamang ito yung sinasabi ni Charice na cliente, pinalipat muna ako ni Charice sa kabilang table
"Good Morning Mr. Sy, so how's your trip?"
"Good,Good, but much better if we meet up at my restaurant"
"Sorry Mr.Sy, I have some urgent things to attend to later on that's why I decided to call our meeting here, so Mr.Siy, what do you think about the proposition of our other investor?"
"I don't think I can agree with them, terms and condition they say, I can't agree, no, no, no"
"Are you sure Mr.Sy, you see, what the investor are saying is that, once all of you agreed this will be a win win situation, come to think of it, both you and the company and the other investors as well will profit on this said proposition, and besides, the company also planning of an expansion, at least two or three more branches will be added, and it means more earnings and more investment will come, so what you think?"
Well... the only problem to me is the conditions"
"Don't worry Mr.Sy, you can have my word that our company will rethink these conditions and see if we can have some revisions as well, but for the mean time, what I need is your answer, as well as the equipments and the needed papers to be signed"
"Ok.. ok... tell your boss that I will go to his office next Monday morning, but for the mean time"
napansin ko na biglang hinawakan ng Chinoy ang kamay ni Charice at hita habang naguusap sila, at hindi ko napigilan na lumapit pero bago man ako makalapit ay bigla na akong hinarang at kinapitan sa kwelyo nang mga bodyguards nang matabang Chinoy na iyon
"Bakit pare, anong gagawin mo?" ang tanong nang lalakeng nakakapit sa kwelyo ko biglang tumayo si Charice at nilapitan ang lalake
"Kuya, kasama ko yan, wag nyo naman ganyanin, isa pa, wala naman ginagawa tong kasama ko eh, pinapalapit ko talaga siya"
napansin ito nang ibang tao sa loob nang kainan at tila lalapitan pa kami nang guard nang mga sandaling iyon
"Why why? What's happening here?" ang tanong nang matabang Chinoy
"Nothing Mr.Sy, just simple misunderstanding, don't worry"
"You boys don't make anything stupid here ok? Go wait me in the car, go!"
at pinaalis niya ang 3 bodyguards niya at parang huming nang pasensya sa mga tao
"Those guys stupid, sorry for that, who are you again young man?"
"He's a friend of mine Mr.Sy, Mr.Sy, can I get the equipments and the papers as well, I'll be heading to another meeting, hope you don't mind"
"Ok, ok, come with me "
at bigla niyang kinapitan ang baywang ni Charice, ngayon, nakita ko na ang sinasabing panggagarapal na sinasabi ni Sir Ryan kay Charice, grabe nga kung manantsing ang baboy na Chinoy na yun, ang hindi ko lang maintindihan eh bakit siya pumapayag na ganun siya nang lalaking yun, medyo naasar at nanggigil ako noon, pero wala akong magawa, pag ako eh gumawa nang eksena doon eh malamang sa hindi eh matanggal ako sa trabaho, kaya naman, tinuon ko na lang sa pagkain ang yamot ko. Matapos noon ay umalis na kami, at biglang napabuntong hininga si Charice sa loob nang sasakyan
"My God, buti na lang at hindi ko nasampal yung lalake na yun, kung hindi lang talaga kailangan nang company yang baboy na yan, naku kanina pa nakatikim yan, ikaw naman"
at tumingin siya sa akin nang nakasimangot at parang galit
"What on earth are you thinking? Why do you intend to go where we are talking, the reason why I told you to transfer seat is to avoid that kind of scene, kung hindi kita nakita at naipagtanggol kaagad ewan ko lang kung anong nangyari sa mukha mo"
medyo naasar ako sa sinabi niya sa akin, gusto ko lang naman eh sawayin ang hayop na manyakis na matabang baboy na yun, pero, napaisip ako noon, bakit ko nga ba gagawin ang bagay na iyon, bakit ako magpapaka-hero, kaya naman nagpakumbaba na lang ako at humingi nang tawad
"Sorry Cha, kasi, hindi ko din kasi napigilan ang sarili ko na sawayin yung lalake na yun eh, hindi naman kasi tama na ginaganun ka nya"
"Sorry nagulat ako," biglang humingi si Charice nang pasensya sa akin, at kasunod noon ay nakita ko siyang umiyak
"Cha? Something's wrong?" kinuha niya ang panyong binigay ko sa kanya sa kanyang purse at pinunasan ang luha niya
"Sorry ha, nadamay ka pa, actually, thankful pa ako, kasi kung hindi mo ginawa yun, siguro, baka nang oras na hinawakan niya yung hita ko, nasampal ko na siya, nakita ko naman na nakatingin ka sa amin eh, salamat ha, sorry na din kung medyo nasungitan kita kani-kanina lang, meron lang kasi akong problema eh, kaya medyo nagsusungit ako, tapos, hinarap ko naman yung manyakis na yun, sorry talaga"
at tuluyan na siyang humagulgol nang iyak, hindi ko alam kung bakit pero kusa na lang gumalaw ang mga kamay ko at niyakap ko siya
"Ok lang yan, iiyak mo lang yan, mas ok yan kesa maistak yan sa sa dibdib mo at dalhin mo lang, ok na na ilabas mo yang sama nang loob mo"
hindi ko naiwasan na amuyin ang ulo niya, ang bango bango, at ang lambot nang buhok niya, at ang dulas pa, ang lambot din niya, ngayon lang ulit ako yumakap nang babae nang ganoon, medyo matagal na din nang may kinomfort akong babae sa mga braso na ito, ilang minuto pa ay tumahan na din siya at bigla akong binatukan
"Nakatsansing ka sa akin ha, ikaw, simpleng manyak ka din eh"
"Ah, hindi ko sadya Cha, kasi ano..."
"Biro lang, ito naman, ok na ako, salamat ha"
at nang mahimasmasan na siya nang tuluyan ay nagdrive na siya pabalik sa company namin, pero bago kami tuluyang makarating ay nagdetour na muna kami sa Starbucks, at inaya niya akong magkape, nauna siyang lumabas nang kotse nang mga sandaling iyon, ako naman ay nagayos muna nang sarili, chineck sa salamin kung meron na ba akong muta sa mata o oily na ang mukha ko, at habang nakatingin ako sa salamin ay meron akong napansing isang id na nakalagay sa may patungan malapit sa may salamin nang kotse sa harapan, nang tinignan ko ito ay nagulat na naman ako sa nalaman ko
~Charice ******* *****, Supervisor/Account Manager
"Hey, are you ok?" ang tanong ni Charice sa akin, tumango lang ako, hindi ko maalis ang titig ko sa kanya, hanga ako sa taong ito, bukod sa interviewer at trainer siya, hindi ko lubos akalain na siya pala ay isa ding supervisor at account manager, aba, tao ba tong kaharap ko ngayon, ang tanong na tumatakbo sa aking isipan, talagang nakatitig lang ako kay Charice noon, then nagulat ako nang bigla niya akong hampasin nang kutsara sa ulo, mahina naman ito pero nagulat ako kasi hindi ko talaga napansin na hahampasin niya ako noon
"Huy, baka naman matunaw na ako sa titig mo, ano ba kasi tumatakbo sa isip mo? Baka naman kung ano ano nang naughty thoughts ang tumatakbo sa isip mo ha"
"Hindi, hindi, I'm just wondering, Cha, ilang taon ka na ba?"
"Ay sus, akala ko naman kung anong iniiisip mo at seryosong seryoso ka dyan, sige na sasabihin ko na ang edad ko, eighteen na ako"
at bigla siyang natawa, napangiti ako sa sinabi niya, kung iisipin mo nga talaga, hindi siya mukhang matanda, baby face siya at maliit pa, kaya naman iisipin mo lang na kung hinde siya eighteen eh twenty one or two pa lang siya
"Well, I'm already 27 years old, wala man sa itsura ko, 27 years old na ako, happy?"
"Ha?! 27 ka na? Matanda ka pala sa akin nang limang taon?"
"I guess, hahaha I really love the way people reacts everytime I reveal my true age"
"Kasi naman, wala talaga sa itsura mo"
"El Nunal, parang may naiba sa iyo, bakit parang naiilang ka ata na kausapin naman ako ngayon?"
"Ano... kasi... di ko alam eh.."
"Alam ang?"
"Na... supervisor pala kayo... sorry if I'm acting like we're on the same level, sorry talaga"
"Alam mo, mas ok nga yung pakikisama mo sa akin eh, alam mo, the reason why I hate people knowing what's my position is, that, that same reason, they're all being intimidated"
"Sino naman po kasi... ay.. sino naman kasi ang hindi maiilang, di ba... babae ka pa..."
"So it's always the gender issue?"
"No, Mam, ay Cha, hinde yun ang ibig kong sabihin, what I mean is, since maganda ka, tapos maganda pa ang posisyon mo sa kumpanya, at di lang basta basta ang posisyon mo, so, talagang people will pay respect to you, no wonder those guys in our company talked to you in that manner "
"Which is a bit irritating, kung alam ko lang naman na ganun ang magiging epekto nang pag-angat ko sa company, hindi ko na pala sana tinanggap yung promotion ko, even some of my coleagues, di ko alam, iniiwasan na ako, yung iba nga hindi ako kinakausap eh, binabati ako, lalapit lang pag may
concern most of the time pag-uutang, after that, ayun balik na naman sila sa dating gawi, nakakapagtampo nga sila eh "
"Baka naingit sila sa iyo, kaya ganun ang ginawa nila"
"Si Ryan na nga lang ang nakakausap ko eh, yung team leader nang team na mapupuntahan mo, yun, siya lang ata ang naging solid na kasama ko, mula noon nang nag-umpisa ako doon hanggang ngayon, siya lang talaga ang hindi nagbago sa akin, nakita mo naman diba?"
"Kaya pala, kung magusap kayo, sobrang close"
"Ang daming ewan sa kumpanya, I tell you this na habang maaga pa, wag kang basta basta gagawa nang kung ano ano sa loob nang floor, halos lahat eh nagsisilipan doon, maliban lang sa team ni Ryan, lahat kasi, nagpapaligsahan, wala yung bonding at teamwork sa kanila, ewan ko ba, di ko alam kung anong nangyari, noon naman, hindi kami ganun eh, bigla na lang nagbago nang mapalitan yung mga dating team leaders doon, yung mababait kasi na mga agents doon at mga tenure nang employees doon eh umalis na, nakakalungkot nga eh tapos .."
At nagpatuloy siya sa pagkwekwento, ako naman ay nalilibang sa pakikinig sa kanya, ang sarap niya kasing titigan, samahan mo pa nang masarap na kape at sigarilyo, pakiramdam ko noon, parang bida ako sa isang telenovela, leading man na may napakagandang leading lady, at ang gaan talaga nang loob ko sa kanya, aaminin ko noong una ay nailang ako nang malaman ko may posisyon siya sa kumpanya pero nang mga sandaling iyon, para lamang akong nakikipagkwentuhan sa isang magandang babae. Matapos naming magkape ay bumalik na kami sa kumpanya at sinamahan ko siya sa opisina niya at nilagay ang ang mga kinuha namin doon, napansin ko sa wall clock na nakasabit sa opisina niya na magaalas diyes na pala kaya naman nagdesisyon na akong magpaalam kay Charice
"Mam Cha, alis na po ako"
"Ano?"
"Ay... Cha, alis na ako, uuwi na ako at baka hinahanap na ako sa amin"
"May pamasahe ka ba?"
"Meron naman"
"Daanan mo yung sukli ko sa may canteen, sa iyo na lang" nagulat ako sa sinabi niya at napangiti
"Ha? Wag na Cha, meron pa naman akong pera eh"