Muli Part 13

1K 12 0
                                    

Part 13
Mom... let me explain..."
"Who's cellphone is this? Is this yours?"
"Yes mom!"
"Then why the hell you put it inside the cabinet? Someone's calling"
"No Mom, I misplaced it... thanks... let me answer that one"
nakita ko na kinuha ni Reynalee ang cellphone ko, mabuti na lamang at sa kabila pala naitapon ni Reynalee ang cellphone ko at hindi sa tinataguan ko, napansin ko na napapangiti siya habang may sinasabi siya, hindi ko ito marinig at hindi ko na tinangka pa na piliting marinig dahil maling galaw ko lang ay siguradong mahuhuli ako nang nanay niya
"Who is it sweetie?"
"A new found friend Mom, Eusha, next time I'll bring her here"
"Anyway, why the hell you are using a hideous cellphone, look, it's all messed up, where's the cellphone I bought last week, don't tell me..."
"No Mom! I had, here oh!"
"I see, then why?"
"Well, they told me that when I'm outside, instead of using my original phone, use a cheap one, that way I won't attract snatchers or holdappers around"
"Well... you got a point, anyway, I'll be using your bathroom for a while ok?" at nang narinig ko na pumasok na siya sa banyo ay dali dali akong lumabas nang cabinet.
"Hurry, Mom might see you"
"I thought your mom ain't coming home?"
"I did not say anything like that, anyway, take this, buy a new phone next time, it sucks hahaha, thanks again"
at may pahabol pa akong halik na natanggap at nagmadaling lumabas.
Hindi ko inaasahan na halos wala pa akong isang linggo sa kumpanyang iyon ay meron na agad akong nakilala sa ganoong paraan, ano pa bang aasahan sa mga liberated na babae, minsan talaga, pagtrip ka nila, gagawin nila lahat, pero pumasok na agad sa isip ko na hindi pangmatagalan ang isang ito, kaya naman, siniksik ko na sa isip ko na enjoyin ko na lang. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ay may tumawag sa akin.
"Hello?"
"El Nunal ikaw na pala yan, grabe, talagang pinatulan mo si Reynalee?"
"Wag kang maingay Eusha, wag kang maingay sa mga kasamahan mo ha?"
"Grabe ka, ano masaya ba?"
"Gusto mo itry?"
"Gagu! Hayup! Ahahaha"
"Ahahahaha alam mo naman yung pakiramdam nagtatanong ka pa, sipain kita eh, alam mo anak ka nang ewan eh, alam mo ba na muntik na akong mahuli nang nanay nung babaeng yun kanina dahil sa pagtawag mo, ano ba yun?"
"Ay, oo nga pala, kasi hinahanap ka sa akin nung trainer nyo, si... Chari ata?"
"Ah si Mam Charice ba?"
"Oo, yung kulay mais yung buhok"
"Oh, bakit daw?"
"Hindi naman sinabi sa akin eh, basta ang tanong, nasaan ka, ako naman ang sabi ko hindi ko alam, tapos tinawagan kita tapos nalaman ko nakikipagkangkangan ka na pala sa bago kong kaibigan hayop ka"
"Aba, Eusha, hindi ako ang nagumpisa, ako ang biktima dito"
"Ulol! Mukha mo! Sige na, teka, eto nga pala yung number nya itext mo daw siya, nasaan ka na?"
"Pauwi na, ikaw?"
"Sa Eastwood pa din, punta ka kaya muna dito?"
"Wag na, pagod na ako eh, isa pa, may aasikasuhin pa ako"
"Ah, ganun ba sige sige"
at ilang sandali lamang nang matapos kaming magusap ni Eusha ay natangap ko na ang isang business card number galing kay Eusha, numero ni Charice.
Iniisip ko kung ano kaya ang kailangan sa akin ni Charice, nang magtext ako ay bigla akong naasar kasi nawala na naman sa isip ko na wala akong load kaya naman naghanap muna ako nang loading station o pinakamalapit na ministop o 711, meron naman akong nakita at agad akong nagpaload, matapos ay sumakay na ako nang jeep.
Tinext ko si Charice pero wala siyang sagot, lumipas pa ang ilang sandali ay nakatulog ako, hindi ko namalayan na sa aking paggising eh lalampas ako ng bababaan.
"Manong para ho "
at bumaba ako, napakamot ako dahil, hindi ko alam kung nasaan ako, naghanap ako nang traffic enforcer para doon magtanong
"Kuya, saan na po ba to?"
"Kamuning ho"
napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung anong lugar iyon, natatawa ako dahil siguro sa antok eh hindi ko namalayan ang sinakyan ko eh kabila pala,iniisip ko na lamang kasing matulog nang mga oras na iyon, ngayon eh wala na ang antok ko, mabuti na lamang at alam ni trapik enforcer kung anong sasakyan pabalik nang ortigas, sa totoo lang, alam kong puntahan ang isang lugar pero hindi ko alam kung ano ang eksaktong address noon, dumedepende lamang ako sa mga palatandaan o landmark nang lugar at mga bahay na nadinadaanan ko at mga disenyo nang pader para hindi ako maligaw.
Pagsakay ko nang jeep, nagulat ako dahil may kumalabit sa akin.
"Saan ka galing?"
Hinde ko pa siya namukaan nang sandaling iyon kasi naman, bukod sa nakasuot siya nang shade eh meron pa siyang takip na panyo sa bibig, nang tangalin niya ang salamin niya ay nagulat ako, si Jessa pala yun
"Oi, pauwi na ako, letche nagkamali ako nang sinakyan na jeep, inaantok na kasi ako, di ko namalayan na mali pala ang nasakyan ko"
"Anong pinairal?"
maluwag pa ang bahagi nang upuan nang jeep na inuupuan ko noon kaya naman tumabi si Jessa sa akin at nakipagkwentuhan
"Ikaw saan ka galing?"
"Sa Auntie ko, may kinuha lang ako na mga food suppliments para kay Papa, sabi kasi ni Tita epektib daw to eh, pansin ko nga na nawala na yung sakit ni Tita sa balat at hindi na siya nahihighblood "
"Uno?, teka, kasali ang tita mo sa pyramid scam?"
"Hindi naman scam to, networking siya"
"Alam mo pinagandang name lang nang pyramid scam ang networking"
"Ganun? Paano mo naman nalaman?"
"Kasi naaya na ako dati dyan once, eh hindi naman kumagat yung sale's talk nila, kung hindi lang magaganda yung nakipagusap sa akin hindi ako magaaksaya nang oras makinig sa kanila eh, and besides, wala naman ako magawa nang mga oras na iyon"
"Anong company naman yun?"
"Aim Global ata..."
"Ahh.. doon dati si Aunti eh"
"Eh malaki ang nilalabas na pera doon ah, di ba nanghihinayang Auntie mo sa nilalabas niyang pera?"
"Hindi eh, kasi, magaling din siyang magsales talk, gusto mo ba kausapin, tignan mo, makukumbinsi ka noon"
"Ayaw ko, baka makumbinsi nga ako eh magastusahan pa ako"
"Malaki din naman ang balik eh"
"Kung makakabenta ka, eh kung hindi?"
"Eh siyempre magrerecruit ka din nang tao na maaander mo para kumita ka"
"Paano kung hindi?"
"Eh ang panget mo na noon"
"Ikaw na maganda"
"Ahahahaha alam ko yun matagal na"
"Alam mo parehas kayo nang kaibigan ko magsalita at magisip, shet, may sapi ka na ba ni Eusha?"
"Wala ah, ganito naman ako dati pa, bait baitan lang ako training, pagnakapasok na ako, ayan, tska tayo magwawala, isa pa bago pa lang ako sa work na yun so I need people to help me out"
"Ah, so ginagamit mo lang pala ako bilang isang piyesa sa iyong pag angat at iiwanan na lang pagtapos na ang pakinabang, ang sama mo"
"Ay Hayuup! Hindi naman sa ganun adik ka eh no? Uy, sama ka sa bahay, may kainan nga pala sa amin mayamaya, maguwi ka na din kung gusto mo"
"Ha? Saan ba yun sa inyo?"
"Dito na, Manong para ho" at nang bumaba kami, parang nasa Cubao na kami, medyo natatandaan ko kasi ang ibang building doon
"Tara, sunod ka sa akin, pakidala naman oh, nangangalay na ako eh"
"Kaya mo na yan"
"Ang sama mo pa nga, hindi ka ba gentleman?"
"Hindi eh, bakla ako sorry"
"Alam ko na yun, sige na"
natatawa akong kinuha ito sa kanya, pero sa totoo lang mabigat nga siya at nagulat ako at napaisip kung paano niya ito natagalang buhatin
Ang masama pa nito, sa isang condo unit pala siya nakatira, at nasa 4th Floor pa ang pupuntahan namin at mas pinasaya pa nang sirang elevator, pagdating namin sa taas ay grabe ang pawis ko at halos hindi ko na maitayo ang aking mga binti, medyo nanakit pa nga ito dahil na din siguro sa kakulangan ko sa pag-eehersisyo.

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon