Part 5
Nasilaw ako sa liwanag na tumatama sa aking mata, naisip ko noon na umaga na at oras na para ako'y bumangon at umuwi, ngunit nagtataka ako kung bakit hindi ko maigalaw ang aking braso, pagmulat nang aking mata ay nagulat ako dahil sa braso ko mismo nakahiga si Eusha at nakayakap pa siya sa akin,at ang damit niya ay bahagyang nakaangat, litaw ang tiyan hanggang puson at bahagyang nakababa din ang suot niyang pekpek short, at nagulat din ako nang may biglang pumasok sa bahay nila at nang makita kami ay halatang nagulat at galit.
"Sino ka animal ka?!"
Nasa jeep na ako noon at nakatingin sa may labas nang bintana, pinagmamasdaan ang mga tanawin habang pauwi, nakatangap ako nang mensahe kay Eusha.
"Pasensya na, nadamay ka pa sa pagalit sa amin" napangiti ako pag naalala ko ang nangyari bago ako umalis sa kanila.
Nagising ako sa liwanag na tumama sa aking mga mata at naisip ko na umaga na nang mga oras na iyon at oras na din para umuwi ako, ngunit hindi ko maikilos ang aking kaliwang braso at sa aking gulat ay nakita ko si Eusha na nakayakap sa akin at nakaangat pa ang damit na kita ang kanyang tiyan hanggang sa puson at maging ang short niya ay bahagyan nakababa, halos kita ang konting bahagi nang kanyang panty, at pumasok ang isang matandang babae at hinataw si Eusha sa binti.
"Eusha, sino yang lalake na yan?!"
at nagising bigla si Eusha, at parang nataranta sa nangyari, maging siya ay nagulat na nasa tabi niya ako at nakayakap siya sa akin, bigla naman lumabas si Jules na tulad din nang itsura niya kagabi, kaya naman lalong naghurimintado ang kanilang tiyahin at sinabunutan silang dalawa, samantalang ako naman ay pinaalis nang kanilang tiyahin.
"Ok lang ba kayo ni Jules?"
"Ok lang naman kami, pasensya na talaga ha, nakakahiya"
"Ako nga ang nahihiya eh, sabi sa inyo eh, ayan tuloy napagalitan pa kayo"
"Ok lang yun, sandali lang naman magalit yung Nanay Mena eh, konting lambing lang namin yun, nagulat lang yun, kasi naman, bakit ba kita katabi paggising ko?"
"Aba ewan ko sa iyo, adik ka ba, di ba nasa sahig nga ako ikaw nasa kutson, paggising ko nasa tabi na kita."
"Hahaha saan ka na?"
"Malapit na sa amin, ako naman ang yari nito paguwi, sabi ko sa ate ko uuwi din ako pagkatapos nang interview, oi sige maya na lang at wala na ako battery, lo bat na"
"Ok sige" at tinago ko muna ang aking phone at ilang sandali pa ay nakarating na din ako sa babaan papunta sa amin. Paguwi ko nang bahay ay nakita ko ang ate ko na nakasimangot.
"Sana ka galing?" ang tanong sa akin nang ate ko.
"Sa interview"
"Hanggang alas diyes nang umaga, interview, wag mo nga ako lokohin, isa pa amoy alak ka na naman, baka naman hinde ka talaga pumunta sa interview at nag-inom ka lang, aba, bunso, wala na akong perang maibibigay sa iyo alam mo naman ang nagyayari sa akin ngayon hindi ba?"
Nang mga sandaling iyon kasi, merong krisis na pinagdadaanan ang pamilya nang ate ko, ang asawa niya na noon ay nagpapadala nang pera sa amin ay hindi nagbibigay pa nang sapat na sustento dahil meron na siyang ibang babae sa ibang bansa, may kabit, at dahil sa kakulangan sa pera, napilitan akong magtrabaho upang tulungan ang ate ako at mapakain na din ang aking mga pamangkin, nang mga oras na iyon, ako ang naging bread winner sa bahay, ako lamang ang kumikilos noon para magkapera, nagpapadala man ang aking ina mula sa ibang bansa ay hindi ito sapat upang matustusan ang aming pang-araw araw na pangangailangan, samahan mo pa nang sunod sunod na utang na ginawa noon nang ate ko dahil hindi niya naman lubos akalain na bigla siyang tatarantaduhin nang asawa niya, di ko rin siya masisi kung bakit simula sa pagiging masiyahin at maintindihing ate ay naging bugnutin at masungit na siya.
"Ate, pumunta nga ako sa interview at pumasa ako, wag kang mag-alala at sa sabado eh magsisimula na akong magtrabaho, training lang naman muna ang gagawin ko eh, tapos noon diretso na sa work"
"May bayad ba naman ang araw nang pagpasok mo, mamaya nagsasayang lang tayo nang pera pampamasahe mo wala naman palang mangyayare"
"Ate, wag ka na kasi magalala"
"Eh letse paanong hindi ako magaalala eh tignan mo, anong oras ka na umuwi, tapos amoy alak ka pa, paano kita paniniwalaan niyan?"
sakto naman na may tumawag sa akin, mula sa kumpanyang pinapasukan ko.
"Yes, ok, is that all I need to bring, ok, thank you"
"Sino yun?"
tanong nang ate ko.
"Sa opisina ko, pinagpapadala ako nang notebook at lapis at 2x2 na picture"
"Gastos na naman... hay nako, kung yung pinang-inom mo eh tinabi mo edi sana meron kang pangpicture ngayon"
"Ate, hindi ako gumastos sa pag-iinom, kumain ako, namasahe, at meron pa naman akong natirang pera eh hindi na ako hihingi sa iyo nang pang picture"
pero ang totoo noon ay di na sapat ang pera ko para gamitin pa sa pagpapalitrato, pero sinabi ko lang yun para hindi na magsalita pa nang kung ano ano ang ate pero sadyang may sapi ata siya at patuloy pa rin akong binubungangaan kaya naman ako eh naligo na lamang, nagbihis, nagbaon nang damit at umalis sa amin, pinili ko munang umalis at makitulog sa bahay nang mga kaibigan ko, at doon muna nagpalipas nang oras, isa sa mga kasama ko nang mga sandaling iyon ay si Sisiw (palayaw niya), medyo komportable kasi ang aking pakiramdam sa kanila, pwede pa akong magsigarilyo at makinood nang telebisyon noon sa kanila, pero hinde lang naman yun ang madalas kong ipunta doon, nagpapaalis lang din lang ako nang sama nang loob nang mga oras na iyon, medyo nagtatampo kasi ako at naasar sa ate ko, kasi, ginagawa ko naman ang makakaya ko pero parang hindi niya ito nakikita, kaya naman sa mga kaibigan ko na lamang inilalabas ang aking mga problema, ayaw ko na din kasi kahit papano dagdagan ang problema nang ate ko.
Sumapit ang araw nang Sabado, araw nang una kong pagpasok sa trabaho, hindi na ako kumain pa dahil hindi ko din naman gusto ang ulam at wala din ako sa mood para kumain, isa pa, nagkaaway na naman kasi kami nang ate ko noon, kinuha ko ang pamasaheng nilagay niya sa may lamesa, maliit lamang ito pero ayos lang, dahil nakahiram naman ako noon nang pera sa mga kaibigan ko, naawa din kasi sila sa situation ko nang mga sandaling iyon. Pagdating ko sa trabaho ay nakita ko si Eusha sa may canteen,at kinawayan niya ako.
"Anong nangyari sa iyo, bat hinde ka nagtetext?"
"Pasensya na ha, wala akong load eh, kahit nga ngayon wala akong load eh, kumusta training mo?"
"Ok naman, madali lang pala, ikaw mamaya ka pa noh?"
"Oo, sana nga madali lang din ang magiging training namin eh, sino kaya ang trainor namin, sa inyo ba sino?"
"Si Mr.Garcia din, siya yung team leader namin eh, baka ganun din sa inyo, team leader din ang magtratraining sa inyo."
"Sana nga, pero, sa kanila, pwedeng maging trainer at TL no?"
"Hindi daw lahat, kasi si Mr.Garcia eh meron naman inassign na parang sub team leader sa team niya sandali habang nagtratraining kami, sigruo ganun din gagawin sa inyo, malay mo diba?"
"Oi Eusha tara na, nandyan na si sir"
ang sabi nang isang babaeng dumaan, kasamahan siguro iyon ni Eusha
"O sige mauna ka na, mamaya pa ako, napaaga pala ang pagdating ko"
"What time ka ba?"
"Mamaya pang 2am, ikaw ba anong oras kayo nang simula?"
"8pm, sige, kita na lang tayo mamaya."
"Sige"
at umalis na si Eusha, iniwanan niya ako nang pagkain, at kinain ko naman iyon kasi bigla akong ginutom nang mga oras na iyon, at pagtingin ko sa wrist watch nang katabi ko ay alas dose imedya pa lang, isang oras at kalahati pa ako maghihintay, kaya naman matapos kong kumain ay pumunta muna ako sa labas nang building at doon sa labas nagsigarilyo, naglakad lakad muna ako, sa East Wood, ang lugar na ito kasi ay buhay na buhay nang mga ganoon oras, at ang maganda pa nito, meron ka talagang makikitang mga artistang nakatambay doon at umiinom or nagrerelax.
Maganda ang paligid ang tanawin at karamihan din nang mga babaeng nandoon, magaganda, iba iba pa ang lahi, koreana, amerikana, brazilyana at meron ding mga hapon. Ang daming mga taong ang gaganda nang bihis, nang porma, at nang mga kapit na cellphone, halatang mayayaman. Nakakarelax lang na maglakad lakad at mag sightseeing sa lugar na puno nang magagandang bagay, madami din kainan, inuman o bar, at ang pinakagusto ko ang fountain na makikita mo doon, ang ganda niya, isama mo pa ang parang tulay na dadaanan mo para makarating doon sa pinaka fountain mismo.
Naglakad ako papunta doon at meron akong nakitang isang pamilyar na babae, si Charice, she was there alone and smoking sitting next to the fountain. Ang ganda niya talaga, lalo na nang humangin at hinihipan nang hangin ang kanyang buhok ay sumasabay ito sa ihip, at ang mukha niyang sadya naman talagang kabighabighani, ang mga matang mapungay at labi niyang mapula, pero, parang malungkot siya noon, inisip ko na siguro ay mabuti pang iwanan ko siyang magisa pero nagulat ako nang bigla niya akong tawagin.
"El nunal? Is that you?"
humarap ako ako dahan dahan sa kanya, pagharap ko ay malapit na siya sa akin, tinapik niya ang aking balikat at binigyan ako nang isang cute at heat warming na ngiti.
"Anong ginagawa mo dito?" ang tanong niya sa akin.
"Wala lang po , naglalakad lakad lang, wala pa naman yung trainer po namin doon eh."
"I see, so maaga ka palang dumating, kumain ka na ba?"
"Opo"
"Wag naman akong i - po, pakiramdam ko tuloy ang tanda tanda ko na, wag mo na akong i-po po ha?"
"Cge Mam"
"Cha"
"Cha?"
"Tawagin mo kong Cha, ok? Short for Charice"
" Ok, Cha, hindi ako gutom, kumain na kasi ako eh, ikaw Cha kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga eh, tara kain tayo sa may Ssbaro"
"Ssbaro? Ano yun?"
"Tara, kain tayo, samahan mo ko, libre na kita"
at naglakad kami papunta sa sinasabi niyang Ssbaro at nakita ko na isa pa itong fast food restaurant na nagseserve nang pizza.
"Ano bang gusto mo?" ang tanong niya sa akin
"Ano ba... sige cheese pizza na lang"
"Yun lang ba? Order ka pa"
"Ok na ako dun, kumain na naman ako eh" nilapitan kami nang waiter at umorder na siya, at habang naghihintay kami ay bigla niya akong tinanong.
"Ilang taon ka na, if i'm not mistaken, 21 o 22?"
"22 na Cha, actually this year, 23 na ako."
"I see, bata mo pa pala.
"Kaw ba Cha, ilang taon ka na ba?"
"Secret!"
"Ang daya mo naman, sige na, ilang taon ka na ba?"
"Well, i'm already 27, going 28 this year as well, anong month ka ba pinanganak?"
"October."
"I see, so scorpio ka noh?"
"Oo, ikaw?"
"Well Aquarius ako, uy, salamat nga pala sa panyo noong nakaraan ha?"
"Ok lang yun, salamat din"
"Bakit?" ang nakangiti niyang tanong sa akin"
"Wala lang... basta salamat"
at nang dumating ang order namin, nagulat ako kasi, meron itong dalang dalawang box nang pizza at meron din spaghetti. Masarap ang pizza na binili namin, pero siyempre, may kamahalan ito.
Matapos namin kumain ay pinadala niya sa akin yung dalawang box nang pizza at inaya na niya akong bumalik sa aming office. Nagtataka ako dahil ang akala ko eh doon kami pupunta sa may workin floor kung saan malapit ang office niya pero, pinasunod niya ako sa isang training room at pagpasok namin sa loob ay pinalagay niya sa akin ang pizza na dala ko sa may bakanteng upuan doon at nagulat ako nang bigla niyang sinabi ..