Muli Part 30

1K 14 0
                                    

Part 30


Kanina ka pa ba doon? ang tanong sa akin ni Sir Ryan, si Charice ay himbing na noon sa pagtulog
"Oo Sir Ryan, tinawagan niya kasi ako, gusto niya daw nang kasama May trabaho pa kasi ako eh, ikaw, naku, malalate ka nito sigurado, amoy na amoy alak ka pa, gusto mo bang masisante agad sa trabaho bata ka? hinde ako noon makapagdahilan, halata kasi sa boses ni Sir Ryan na naasar siya, nakarating din kami sa bahay ni Charice noon, at pinabuhat sa akin ni Sir Ryan si Charice Ay sos ginoo day, anong nangyare kay Ate Charice?
"Hay Ida, yang amo mo, uminom nang alak, eh di naman manginginom yan eh, ayan, tulog, mabuti na lamang at nakita namin yan, bukas nang umaga sabihin mo, kunin niya na lang sa parking lot nang kumpanya namin yung sasakyan ha? "Sige po ser at umalis na agad kami ni Sir Ryan, nagpaalam lang pala sandali si Sir Ryan na aalis at may pupuntahan, may biglang inabot sa akin si Ryan, isang pabango
"Magspray ka nang mabuti nang hinde ka maamoy, kumain ka din nang kendi o tsokolate ha, nang hinde mangamoy yang bibig mo, tatandaan mo bawal pumasok sa loob nang nakainom, ngayon ko lang ito palalampasin El Nunal ha, pero sa susunod, bibigyan na kita nang warning ok? hinde na ako nagsalita pa at pagdating namin sa kumpanya ay agad akong nagtungo sa canteen at bumili nang kendi, at naupo muna sandali dahil doon ako biglang tinamaan, nagulat ako nang bigla akong kalabitin ni Jessa Ok ka lang ba?
ang tanong niya sa akin, bigla niya akong pinalo sa balikat Huy tangi amoy alak ka ah, baka mapagalitan ka nyan Amoy pa din ba? "Bakit ka naman kasi naginom? "Wala, naaya lang kasi "Magpalit ka kaya nang damiT
"Wala naman akong dalang damit eh nagulat ako nang may iabot siyang polo sa akin "Eto, sayo na muna to, kay Daddy kasi yan, pinapabili ni Mommy, bayaran mo na lang ako bukas kasi wala akong dalang pera eh, bibili ulit ako nang bago bigla ko siyang niyakap noon at medyo nabigla din ako sa ginawa ko Sorry, salamat ha Sige, maghilamos ka sa may banyo"
at umalis na si Jessa, napansin ko na magaalas dose singkwenta na, kaya naman agad akong pumunta nang banyo, at nagsumulang maghilamos at magmumog, mabuti na lamang at may dala ako noong sepilyo at toothpaste kaya nakapagsipilyo ako noon, at nang matapos na akong maglinis nang sarili ay nagmamadali akong sumakay nag elevator at nagtungo agad sa station ko at tumanggap nang call. Breaktime namin noon, nasa may banyo ako noon at pilit kong sinusuka ang alak na nainom ko nang hinde na ako mahilo pa, medyo masama na din kasi ang pakiramdam ko noon, nang makasuka na ako ay medyo nabawasan bigat nang pakiramdam ko, hinde din kasi noon kumain nang hapunan kaya ganun ang nanging epekto sa akin nang alak, pumunta ako sa canteen at bumili nang inumin para mabawasan ang nararamdaman kong uhaw
"Ok ka lang ba? ang tanong sa akin ni Sir Ryan na nasa likod ko pala noon Ok lang sir
"Favor naman, pagkatapos nang shift mo, puntahan mo si Cha ha? Pakicheck kung ok lang siya ha? "Sige po Sir Ryan, pasensya na po ha
"Ok lang, naasar lang kasi ako sa kabigan ko na yan eh, hinde ko ba alam kung bakit hanggang ngayon di pa niya kalimutan yung lalake na yun, kaya mo ba siyang tulungan na kalimutan siya?"
"Ha?
"Tulungan mo nga yung lukaret na yun na makalimutan yung hayop niyang kinasama noon, kaya mo ba? "Hinde ko nga po alam, kung lalapitan ko pa siya eh..
Oh bakit naman?
"Kasi kanina, sabi
niya, isa lang daw ako sa problema niya
"Magpapaapekto ka ba? Kung mahal mo nga talaga ang kaibigan ko, handa kang sumugal at kayanin ang ano mang magiging problema, handa ka dapat na ipaglaban siya, isa pa, lasing lang yun kaya niya siguro nasabi yun kanina, kung wala naman tama yun, hinde naman yung magsasalita nang ganun, tignan mo kanina nagdradrama pa sa akin, basta, samahan mo lang siya ha? tumango ako noon, bigla akong inabutan ni Sir Ryan nang isang Biogesic "Inumin mo yan, mawawala sakit nang ulo mo dyan
"Salamat Sir"
at umalis na si Sir Ryan, at ininom ko na ang binigay niyang gamot, at bumalik na sa trabaho, matapos ang shift namin ay agad na akong nagtungo sa may HR Office para iclaim noon ang sahod ko, hinde ko pa tinignan kung magkano ang laman, kumuha lang ako basta noon nang pamasahe at umalis na sa kumpanya at nagmadali na ako pagpunta kina Charice, sa biyahe, medyo naging maayos na ang pakiramdam ko, medyo nahihilo na lang ako noon. Ilang minuto pa at nakarating na ako sa kanila, at tumawag ko noon sa labas "Yaya Ida? Yaya Ida? Tao po?
walang sumasagot sa akin o nagbubukas nang gate noon, mabuti na lamang at may doorbell ang bahay ni Charice.Pinindot ko noon ang doorbell sa bahay ni Charice, mabuti na lamang at gising pa si Yaya Ida noon
"Ser ano po yun?
"Titignan ko lang sana kung ok lang si Charice"
"Ay ser, ok na po siya, nakatulog na po siya
"Yaya Ida, sino yan? isang malakas na boses ang narinig ko noon mula sa loob nang bahay El Nunal... come in...sabi ni Charice na laking gulat ko nang makita ko, nakasuot siya nang puting night gown, at medyo manipis ang tela nito, at lumapit siya papunta sa akin
"Sige na Yaya Ida, pumasok ka na sa loob, ako nang bahala sa kanya at umalis na noon ang katulong niya "Akala ko tulog ka na"
"Kakagising ko lang, medyo nahihilo pa nga ako eh, halika sa loob at hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok nang bahay. Akala ko noon ay sa sala kami pupunta kaya naman uupo na sana ako, pero bago pa ako maakaupo noon sa upuan ay hinila ako ni Charice
"Hinde dyan, doon tayo sa kwarto" bigla akong kinabahan at biglang tumibok ang puso ko nang sobrang bilis, hinde ko alam kung tama ba ang narinig ko o nagiimahinasyon ko lamang, kaya naman muli ko siyang tinanong
" Saan ba tayo pupunta Cha? "
" Sa kwarto ko sa taas, tara
at hinde nga ako nanaginip, totoo nga ang narinig ko, sa kwarto niya kami pupunta. Matapos ang ilang hakbang ay nakarating din kami sa kwarto niya,pagpasok namin ay sinalubong ako nang hinde ganoon kaliwanag na kwarto, isang maliit na lampara lang kasi ang nakasindi sa loob nang kwarto niya, at doon ay binitawan na niya ang kamay ko, at dahan dahan siyang naglakad at umupo sa kama niya, malaki ito, maganda, at napakadami niyang unan noon, lahat, mukhang mamahalin, napansin ko din ang iba pa niyang pictures noon bata pa siya, nakadikit sa may cardboard na may magagandang desinyo nang beads at sea shells
"Ang ganda naman nang kwarto mo Maganda ba?
"Oo. kaso, bat madilim?
"Kasi hinde ako makatulog pagmaliwanag masyado, nasanay na akong nakakatulog sa medyo may kadilimang lugar ang sabi niya, paglingon ko sa kanya ay nakatingin siya sa akin na para bang inaakit niya ako, samahan mo pa nang mga ngiting nagpapahiwatig na parang gusto nitong madampian nang halik, sinubukan ko muna noon na ituon ang aking pansin sa ibang bagay, at pinuna ko muna ang mga pictures na nakadikit noon
"Saan to Cha?
Sa Batangas, noong bakasyon nang anak ko, inaya kasi kami noon nang kamag anak namin diyan na magbakasyon
Ahh... doon mo din ba nakuha tong mga to?
Alin? at naramdaman ko na lumapit siya sa akin at tumabi siya sa akin at tinuro ang mga kabibeng malilit at mga shells na
\ nakadikit Ito bang mga to, Oo, kinuha pa yan ni Bethina idikit daw naming "Ahh, teka, ok ka na ba?
"Oo naman, nakasuka na kasi ako eh, kaya eto, medyo ok na ako"
at biglang nagsalubong ang aming mga mata, agad itong naputol nang biglang may nagtext sa akin at medyo may kalakasan ang message alert nito, muli siyang umupo sa kama at ako naman ay chineck kung sino ito, isang numerong hinde nakarecord sa aking cellphone
"EL Nunal, nasaan ka na?
Ok na ba?" rereplyan ko sana ito kaya lamang ay wala na akong load, kaya naman itinago ko muna ito sa aking bag
"El Nunal, halika, tabihan mo nga ako ang sabi niya sa akin at umupo na ako sa tabi niya "Buti at nadaan ka dito, ikaw, ok ka lang ba? Hinde ka ba napagalitan?"
"Si Sir Ryan pinagsabihan lang ako, wag na daw ako uulit nang ganoon at bawal daw kasi ang pumasok doon nang nakainom Sabagay may point naman siya, salamat sa inyo ha, at hinatid nyo ko dito "Ok lang Cha, wala yun habang kausap ko siya, hinde ko maiwasang mapatingin sa kanyang cleavage noon at sa hita niyang sobrang kinis, at ang ambianc mismo nang kwarto, dahil din siguro sa ilaw, ay para bang nakakabuhay nang libido, at kung paano pa niya ako tignan, sadya namang nakakaakit, napatingin ako sa mga labi niya na noon ay mamulamula at para bang tinatawag ako, naramdaman ko noon na hinawakan ni Charice ang aking kamay
"El Nunal at unti unti ay naglalapit ang aming mga labi, ngunit nang malapit nang magdampi ang aming mga labi ay bigla kong pinisil ang dalawang pisngi niya
Gumising ka Cha ang sabi ko habang nakangiti at binitawan ko ang pisngi na biglang namula gawa sa pagkurot ko dito, bigla niya akong pinalo sa balikat Aray ko naman, ang sakit noon ha!
"Para magising ka, lasing ka pa din ata eh bigla siyang ngumiti at nagulat ako nang niyakap niya ako "Alam mo, hinde ko alam kung sino ba ang tanga sa atin, ikaw ba o ako
"Ha? Bakit?
"Wala, akin na lang yun, mahal mo na ba talaga ako?
Bakit mo naman natanong yan? "Wala lang, natanong lang, masama ba?
Hinde..
"Hinde naman pala eh, so, ano, mahal mo na ba ako?
"Oo naman bigla siyang bumitiw sa pagkakayakap noon at pinisilpisil ang ilong ko
"Kelan nga pala ang birthday mo, 26 ba? "Next week na pala, anong plano mo sa birthday mo? May pupuntahan ka ba? "Wala naman, siguro, gagala na lang ako, buti nga at rest day ko noon eh "Anong araw ba yun?"
"Miyerkules ata, bakit? "Wala lang, gusto mo bang kumain, nagluluto si Yaya Ida nang agahan para kay Bethina eh, may practice kasi sila nang maaga, paang dance show ata "Mahilig palang sumayaw ang anak mo noh?"
Mana sa ina eh
"Tara Cha, kumain na muna tayo, pwede bang makitulog na din?
"Sige pwede naman
"Wala bang magagalit sa iyo nyan? "Wala na akong pake sa mga yun, hayaan mo silang magalit at hinila ako ni Charice at bumaba kami papunta sa kusina

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon