Muli Part 6

1.1K 11 0
                                    

Part 6

"Good Morning guys, I'll be your trainer, My name is Charice ******* *****, nice to meet you"
Halos malaglag ang panga ko sa nalaman ko, ano bang klaseng babae to, siya na nga ang interviewer, siya pa ang trainer ko, hindi ko alam kung sadyang nagkataon lang ba talaga, pero ang alam ko, masaya ako, hindi ko kasi akalain na siya mismo ang magtuturo sa amin, at wala kaming masabi sa ganda nang pagtuturo niya sa amin, masaya, hindi boring at talagang lahat ay nakatutok sa pagtuturo niya, hindi siya gumagamit nang malalalim at mahihirap na salitang intindihin at diretso agad siya sa punto magturo at walang paliguyligoy pa, at ang masaya nito, meron kaming libreng pizza nang dumating ang break namin, hindi din siya nakakailang kausapin, madali siyang i-aproach lalo na pag ngumiti na siya, kaya naman napapaisip ako nang mga sandaling iyon, bakit noon kailangan niya nang taong makakausap o makakasama nang umiiyak siya ay wala man lang lumapit sa mga emplayadong nakita ko noon.
Lumabas siya nang mga sandaling iyon, since madami pa namang oras na natitira sa aming break ay lumabas na muna ako nang building para magsigarilyo. Hindi ko pala nadala ang aking lighter nang sandaling iyon, kaya naman naghanap ako nang nagsisigarilyo para makisindi at hindi ko naman lubos akalain na si Charice ay nasa labas din pala at nagsisigarilyo, nagdadalawang isip ako na lapitan siya pero nang makita niya ako at sumenyas sa akin ay wala na din akong nagawa kundi lumapit.
"So, nagsisigarilyo ka din pala"
"Oo, pampalipas oras lang"
napansin ko na iba ang sinisigarilyo ni Charice, una sa lahat, ang bango nang amoy nito hindi tulad nang pangkaraniwang sigarilyo, pangalawa ay ang kulay nang papel nito, at medyo manipis din ito sa pangkaraniwang sigarilyo.
"Yes?"
ang tanong niya sa akin, napansin niya siguro na nakatitig ako sa hawak niyang sigarilyo, kaya siguro bigla na lamang niya akong inabutan nang isang piraso nito.
"Would you like to try?"
"Ok lang ba?"
"Sure, take one, mukhang gusto mo kasing tikman eh."
"Ahehe, pasensya na Cha ha, kasi ngayon lang ako nakakita nang ganyang klase nang sigarilyo, bukod sa maliit, ang bango pa"
"I see, kaya pala para kang batang nakatitig sa kapit ko"
"Cha, peram nga din nang lighter, yun lang talaga ang gagawin ko, kaya ako lumapit"
"Ah, sure at kinuha niya ang lighter niya sa dala niyang purse bag, napansin ko na maganda ang pagkakayari nang lagayan nang lighter ni Charice, parang pinasadya niya pa talaga ito, at ang nakakatuwa pa nito ay siya pa mismo ang nagsindi nang sigarilyo ko. Nang simulan ko na itong hithitin ay iba ang naramdaman ko, tila ang usok na ito ay may lasa, walang sabit at higit sa lahat, ang bango niya talaga, di ko naiwasang itanong sa kanya kung anong sigarilyo ito at magkano.
"Cha, saan mo ba binili to? Ang bango na ang swabe pa sa lalamunan"
"Dyan lang sa malapit na mall, bakit?"
"Gusto ko lang kasi itry, masarap eh"
"Meron pang ibang flavor na mapagpipilian doon, ako kasi, trip ko yung amoy nitong peach eh"
"Ahh, ganun pala, magkano ba to?"
"200 ata, or 300, nalimutan ko eh"
at nagulat ako presyo na sinabi niya, ilang pakete na din ang mabibili ko sa presyong sinabi niya, grabe siya kung gumastos para lang sa sigarilyo, siguro, sadyang mataas lang talaga ang sweldo niya at kaya niyang bilhin ang luho na gusto niya. Tinamaan tuloy ako nang hiya nang mga sandaling iyon at humingi nang pasensya
"Cha, ang mahal naman pala nito, sana pala di mo na ako binigyan, nakakahiya naman"
"Ano ka ba, ok lang yun noh, can I ask you a favor?"
"Ano yun Cha?"
"Later, tulungan mo kong dalhin yung mga papers na nasa training room sa office ko, medyo mabigat kasi eh, ok lang ba?"
"Sure, yun lang pala eh"
"May gagawin ka din ba after nang training?"
"Wala naman po ay wala naman Cha, bakit?"
"Well, I need someone to carry some equipments and papers later, pero hinde dito sa building natin, meron akong imemeet na client, kung ok lang naman eh magpapasama ako sa iyo"
"Sige, ok lang po"
"May po ka na naman, hintayin mo na lang ako mamaya sa may waiting room ok, meron pa kasi akong aasikasuhin after the training eh ok?"
"Sige, Cha"
at nauna na siyang pumasok sa akin nang building namin, ako naman ay inubos na muna ang sigarilyong binigay sa akin ni Charice, matapos noon ay pumasok na din ako, at sa pagpasok ko ay bigla kong nasalubong si Eusha, at meron siyang mga kasamang babae at lalake, parang yung mga kasama niya siguro ito sa training, tinawag niya ako at pinakilala sa mga kasama niya
"Oi guys, si El Nunal nga pala, friend ko"
"Hello" ang sabi ko sa kanila at kumaway sila sa akin
"Uwian na kayo?"
"Oo, ikaw anong oras tapos nang training nyo?"
"Mamaya pa, 2 hours pa ata bago matapos ang training namin, saan kayo pupunta?"
"Doon lang Eastwood, birthday kasi nito oh"
at tinuro ni Eusha ang isang cute na babaeng may maikling buhok, morena at masasabi ko nang sakto lang ang katawan, hinde siya payat, hinde din mataba, at hindi din ganun kalakihan ang dibdib pero ang kapansin pansin sa kanya ang cute niyang dimples at ang ngiti niya.
"Sige, ingat kayo ha, Eusha wag masyadong magpapakalasing ha?"
"Uyy!!! Concern si Koya!!!"
ang kantyaw nang mga kasama ni Eusha sa kanya
"Mga sira! Tara na nga!"
ang sabi nito na parang natatawang nahihiya, ako naman ay umaykat na nang hagdan at pumasok sa training room. Pagdating ko doon ay nagtataka ako dahil wala pa din si Charice, siguro ay may inasikaso pa siya kaya siguro wala pa din siya, pero nagtaka na kami nang halos kalahating oras na ang lumipas ay wala pa din siya, medyo naiinip na kami noon, kaya naman nilibang namin ang aming mga sarili, yung iba ay muling tinignan ang lahat nang tinuro sa amin ni Charice, ang iba naman ay nanuod nang mga movies sa kanilang cellphones, yung iba naman ay nakinig sa cellphone nila, at ako.
Panay ang tingin ko sa mga kasama ko training, ngayon ko lang napansin na madami din pala akong magagandang kasama, meron mga payat, sexy,chubby at matataba, meron ding mga gwapong lalake at mukhang manyakis, binilang ko kung ilan kami lahat at nagulat ako na labing isa lang pala kami, at lima lamang kaming lalake at anim na babae, kaya lang isa pa sa napansin ko, ako lang pala ang mukhang pulube, iwan sa porma at iwan sa ginagamit na cellphone, halos lahat kasi nang mga kasama ko sa training room ay magaganda ang cellphone, meron pa nga sa kanila ay gamit agad ang pinakabagong labas na cellphone, kaya naman nahihiya akong ilabas ang cellphone ko, hinde dahil sa luma na ito, kundi dahil sira ang lagayan nito, nakakatuwa nga at kahit na sira na ang keypad at ang casing nito ay nagagamit ko pa din ito, hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga cellphone pero siyempre, nakakahiya naman kung makikita nila ang lagay nang aking cellphone, nasira kasi ito nang minsang ibato ito nang ate ko sa sobrang asar niya noon.
Wala pa naman ako kakilala noon sa mga kasama ko, mukha kasing mahirap sila pakisamahan, halos lahat kung magusap ay ingles at napakaarte pa at medyo nakakabadtrip pakisamahan kasi halos lahat ay nagpipilit maging sosyal at angat sa iba, pero hinde naman pala lahat ay ganun, nagulat ako nang may kumalabit sa akin
"Hello, ako nga pala si Leslie, El Nunal right?"
"Yes, anong masasabi mo sa mga kasama natin?"
ang pabulong niyang tanong sa akin, napangiti lang ako, siguro ay parehas kami nang iniisip tungkol sa mga kasama namin, maging siya ay napangiti na lang din sa akin
"Bakit kaya wala pa si Mam Charice no?"
"Hinde ko nga din alam eh, siguro eh may ginagawa pa"
"Siguro nga"
tumayo siya at umupo sa tabi ko, maganda si Leslie, makinis ang mukha at makinis din ang kutis, maputi, hinde naman ganon kapayat, ang problema nga lang ay hinde siya pinagpala nang dibdib, hinde ganoon kalaki ang kanyang dibdib pero bagay naman sa kanya, isa pa, may katangkaran din ang babaeng ito, at kahit wala siyang dibdib ay maganda naman ang mukha, buhok at tindig niya, bumagay pa ang suot niyang sweater na turtle neck at skinny jeans na suot niya.
"Patabi ha?"
"Sige lang, wala naman nakaupo diyan eh"
"Madali lang pala ang training natin no?"
"Siguro, pero baka umpisa lang, kasi dati, yung sa mga pinanggalingan kong training, sa una lang talaga ang madali, tapos, pagdating sa huli, pahirapan na, sigurado mababawasan pa tayo nito eh"
"Oh? Ganun ba yun?"
"Bakit, first time mo ba magwork sa call center?"
"Oo eh, buti nga nakapasa ako sa interview, sino naginterview sa iyo, si Mam Charice din ba?"
"Oo, ikaw din ba?"
"Oo, ang bait niya nga eh, tapos, hinde siya nakakailang na kausap, ang gaan nga nang loob ko sa kanya eh, prang nakikipagkwentuhan lang ako sa kanya, the next thing I know eh pasado na ako sa interview, pero sabi niya nga sa akin, the real test begins daw sa training, kaya ayusin ko daw"
"Kasi minsan talaga, sa training, di ba may mga test, pag hindi ka pumasa sa mga quiz tapos mababa ang makuha mong evaluation sa phone simulation, matatanggal ka sa training at mateterminate na ang kontrata mo"

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon