Part 26
"Yeah... I guess
"Anong araw ba yun... hmm... wait... oh Wednesday
"Anong plans mo for that day?
"Well, isa sa mga kaibigan ko ililibre daw ako nang inom eh, nakapagfile na naman ako nang change of day nang restday ko eh, tama naman di ba Cha?
Two weeks before, magsubmit ka na nang request
"Oo, pero hinde ibig sabihin noon eh maaprove agad yun, kasi depende yan sa queing nang mga calls eh, paano kung that day, madami ang calls on que, so marereject ang request mo
"Ay... ganun... ang daya naman...
"It's ok, let me help you with that, I'll see what I can do, by the way..."
may kinuha siya sa loob nang shoulder bag niya, isang box puting, nagulat ako nang iaabot niya ito sa akin ito
"Ano to Cha?
"Well... take a look
nang binuksan ko ito ay napaluwa ang mata ko sa laman nang kahon, isang cellphone, at di lang basta basta cellphone, nang mga taon na iyon, isa ito sa mamahalin na phone, Nokia N95, agad ko siyang tinanong
"Cha? Is this for real?
"Mukha ba akong nagbibiro?
"Cha, sorry, pero, hinde ko matatangap to... sorry..."
"Bakit naman? Sige na kunin mo na... besides, I just bought a new phone, since you don't have a phone, and I'm not using that old one, edi better na ibigay ko na lang sa iyo diba?"
"Bakit sa akin? Sa katulong niyo? Sa kaibigan mo?
"Well, I do know that they already have thier own mobile phone, ayaw mo ba? Sige, kung ayaw mo itatago ko na lang"
"Cha... bakit ba ang bait bait mo sa akin?
"It's my way of saying thaks, alam mo, you helped me a lot this past few days, ni hinde ko alam kung bakit, pero ang gaan agad nang loob ko sa iyo, and it makes me wonder why as well, I guess you're a good person, that's why I can't help but to have an interest in you... "nagulat ako bigla sa sinabi sa akin ni Charice, nagulat ako dahil interesado siya sa isang hamak na tulad ko, masyadong malayo ang agwat nang estado namin, kaya naman nagulat ako kung bakit bigla niya nasabi iyon, napansin niya na parang nagulat ako kaya naman bigla siyang nagpaliwanag
El Nunal, don't get the wrong idea ok... I just giving you this phone as a token of my appreciation, please... forget what I just said earlier... don't get the wrong idea ok?
at napansin ko na biglang namula ang mga pisngi ni Charice at sa isip isip ko ay napapamura ako sa ganda niya nang mga oras na iyon,hinde ko lam kung bakit, pero bigla kong hinawakan ang mga kamay niya, pero bigla niya itong inalis
"Sorry... Sorry... I need to go...
ang sabi niya at nagmadali siyang tumayo at agad na sumakay nang sasakyan niya
"Cha... I'm sorry..."
ang sabi ko sa kanya sa may bintana nang sasakyan niya
Ok lang... I need to go..."
"Nagagalit ka ba... na hinawakan ko ang kamay mo?"
tumingin siya sa akin at na para bang may gusto siyang sabihin pero hinde na masabi
"Cha, pasensya na, kung naging masyado akong...
”Ok lang... sorry din... nabigla lang ako... bigla kasi akong kinabahan... sorry... wag mo nang isipin yun..”
ngumiti ako at pinisil ko ang ilong niya nang mahina
"Ang cute mo palang magblush”
at nagsimula na akong maglakad palayo, bigla niya akong tinawag
"El Nunal..."
lumingon ako noon sa kanya at hinintay ang sasabihin niya sa akin,pero wala naman siyang sinabi na kahit ano, bigla siyang lumabas nang sasakyan niya at lumapit sa akin, at laking gulat ko nang hinalikan niya ako noon sa aking pisngi
“Ingat”
ang sabi niya sa akin at bumalik na siya nang sasakyan niya at nagdrive paalis, ako naman ay nakatayo, nabigla at hinde makapaniwala, hinimas ko ang pisinging hinalikan ni Charice, at napuno ang isip ko nang napakadaming katanungan, sa biyahe, pinagmamasdan ko ang cellphone na binigay sa akin ni Charice, paulit ulit ko na nakikita sa aking isipan ang ginawa niya sa akin, at napapangiti ako sa tuwing maalala ko iyon. Paguwi ko sa bahay ay agad nakita nang ate ko ang cellphone na hawak ko
"Saan galing yan? Binile mo? ang tanong niya sa akin, inabot ko sa ate ko ang cellphone na hawak ko at umupo, nakangiti lang ako noon, at walang sinasabi
"Anong nangyayari sa iyo bunso?
ang tanong nang ate ko na napansin na para bang napakasaya ko
"Wala ate... masaya lang ako"
"Bakit?
"Sasahod na kasi ako eh
"Ahh... teka inutang mo lang ba tong cellphone? Mahal to ah?
"Hinde, basta... matutulog na muna ako ate
at pumasok ako nang kwarto at nagbihis, napansin ko ang papel na binigay sa akin ni Lyka, iniisip ko kung makikipagkita pa ba ako o hinde na, pinatong ko muna ito sa may ibabaw nang lagayan nang aking damit at natulog na.
"Bunso, gising na, alas otso na
ginising ako nang ate ko noon, at inabot sa akin ang phone ko, nagulat ako at may simcard na ito, binilhan na pala ito nang ate ko
"May pamasahe ka na ba?"
ang tanong nang ate ko, nagtataka ako dahil parang walang toyo ang ate ko
"Meron pa naman ate, kumain na ba kayo?
"Oo, sinave ko na din dyan yung number na nasa papel, tinapon ko na kasi eh"
at naligo na ako, paglabas ko ay nakita ko ang ate ko na naghahain nang pagkain
"Kumain ka na muna bago ka umalis"
kumain ako noon at pagkatapos ay umalis na ako nang bahay, tinext ko noon si Lyka
"Oi"
"Sino po sila?"
"El Nunal to
"Kuya ikaw pala, punta ka ha
"pagiisipan ko pa
"Sige na Kuya, sinabi ko na kay Mama na sa Sunday na lang ako maghahanda eh para naman makakakain ka na din, sige na Kuya, ginawa ko pa yun para sa iyo tapos hinde ka naman pupunta, sige na kuya, punta ka na"
"Ay, ganun ba
napakamot ako bigla sa ulo, nakakahiya naman kung tatangihan ko pa ang babaeng ito, nilipat niya ang celebration nang birthday niya nang Linggo para sa akin, kaya naman
"Sige sige, sunduin mo ko ha"
"Ok kuya"
matapos kong magtext ay tinago ko nang cellphone ko at sumakay na nang jeep. Habang nasa biyahe ay hinde ko pa din talaga maiwasang mapangiti sa tuwing naalala ko si Charice, pagdating ko sa trabaho, halos lahat ata nang masalubong ko ay binabati ko, maaga akong nakarating doon, kaya naman tumambay muna ako sa may canteen, at doon ay inabutan ko si Jessa na kumakain, nilapitan ko siya at binate
"Oi Jessa, aga mo ah
"Ikaw pala, kain ka"
"Sige, busog ako eh"
napansin ko na parang biglang nagmadali si Jessa na kumain, at nang matapos na siyang kumain ay nagpaalam siya sa akin
"Alis muna ako ha, may pupuntahan pa kasi ako eh
"O sige, ingat ka ang nakangiti ko pang sabi sa kanya, medyo malayo na siya noon at nasa may elevator na siya noon at hinihintay na lamang niya itong bumukas, pero bigla siyang naglakad pabalik at bigla niya akong kinausap
"El Nunal..."
"Oh bakit?
"Pwede bang samahan mo ko, maaga pa naman eh, diyan lang sa malapit
"Ok"
at sinamahan ko siya sa isang parang "tiangihan" na malapit, madaming binibentang damit at kung anong anik anik doon, para kasing may event noon, yung bazaar na sinasabi nila
"Bagay kaya sa akin to?"
ang tanong ni Jessa sa akin, hawak hawak niya ang isang damit na kulay dilaw, yung parang bestida ang itsura kaya lang maganda, parang pang party
"Lahat naman nang isuot mo, babagay sa iyo eh, maganda ka kasi magdala nang damit
"Chos! Nambola ka pa, ano nga? Bagay ba?"
"Bagay nga
"Kaya lang di ko trip yung kulay eh, Ate meron ba kayong ibang kulay nito? ang tanong niya sa tindera at binigyan siya nang kulay pula nito
"Eto na lang po ate, kunin ko na
"Saan mo ba gagamitin yan?"
"Wala lang, pambahay
"Wow, pambahay lang yun?
"Bakit? Bawal?"
at habang naguusap kami ni Jessa ay may biglang pumalo sa akin
"Huy!"
"Oi Eusha, namimili ka din?
"Oo, mumura nang bentang damit eh ang gaganda pa, Jessa nakabili ka na ba?"
"Oo, meron na ako, ayun o yung binabalot ni ate
"Ahh, ako puro short at lang muna binili ko, hanggang oras ba ito?"
"Di ko rin alam eh
"El Nunal tanong mo nga kung anong oras sila
nagsasara at tinanong ko sa tindera ang oras nang pagsasara nila
"Alas kwatro daw sila nagsasara, tapos alas nuwebe ng gabi sila nagbubukas"
"Aabutan pa pala natin to “
at sabay sabay na kaming bumalik, si Jessa at si Eusha ay abalang nagkwekwentuhan samantalang ako ay naglalakad lamang at nagmamasid masid sa paligid, pinagmamasdan ko kasi ang mga dekorasyon na kinakabit nang mga tao noon doon, at mga damit na binibenta, nakakita din ako nang mga sapatos, kumot, unan at kung ano ano pang binibenta, at sa pagmamasid ko ay biglang natuon ang mata ko sa isang babaeng may kulay buhok nang mais ang buhok
"Oi mauna na kayo ha, may titignan lang ako”
at nuna na silang maglakad, ako naman ay pumunta sa isang malapit na tindahan kung saan tanaw ko ang nakita kong babae, at hinde nga ako nagkamali, si Charice nga ang nandoon, tumitingin siya sa tindahan nang mga figurin ,dahan dahan akong lumapit sa kanya at tumayo sa likod niya
"Kuya, wala na po ba kayong kerubin? "
Ay ate ganda wala na po eh, bukas po balik kayo
Nagyon ko kasi kailangan, projecy kasi nang anak ko eh
"May anak na kayo ate ganda, hinde halata ah "Si manong nambola pa"
"Ganito na lang ate ganda, balik kayo dito nang mga 7 nang umaga, ganon kasi ang oras nang deliver sa amin eh
Sige po kuya dadaanan na lang naming ang bigla kong singit sa usapan nila, humarap bigla si Charice at nagulat nang makita ako
"Nandito ka pala
"Asawa mo ba siya ate?
ang tanong nang lalake kay Charice
"Hinde po, kaibigan ko
"Ahh, sige po, basta bukas daan po kayo dito ha?
"Ok po at sabay na kaming naglakad pabalik
"Para ba yun sa anak mo?" tanong ko sa kanya
"Oo, kasi kailangan daw nila sa school, project nila, daanan mo nga yun bukas
"Sige, hinde ka ba sasama?
"May aasikasuhin pa kasi ako eh, tapos, punta ka na lang sa bahay, iabot mo na lang kay Yaya Ida yun "
Cha, pwede bang malaman kung bakit mo ko hinalikan kanina?
isang tanong na bigla na lamang lumabas sa aking bibig, di kasi ako mapakali noon at gusto ko malaman kung bakit niya yun ginawa
"Bakit mo naman tinatanong?" ang nakangiting tanong niya sa akin
"Wala lang... gusto ko lang malaman
"Bakit ba hinahalikan ang isang tao?
"Pagmahal mo sila... karaniwan ganun...
natigilan ako bigla at tumingin sa kanya
"Mahal mo ko?!"
ang tanong ko sa kanya na may halong tuwa, at isang matamis na ngit ang sinagot niya sa akin
"Seryoso? Di nga? ang muli kong tanong sa kanya, ang buong pagkatao ko noon ay nabalot nang saya, hinde ko lubos akalain na ang taong gusto ko ay may gusto din pala sa akin
"Bakit ayaw mong maniwala?"
"Hinde sa ganun... kasi... paano ba to... ano...
at di ko napigilan at niyakap ko siya nang sobrang higpit
"Oi ano ka ba El Nunal nakakahiya" ang sabi ni Charice habang yakap yakap ko siya
"Hayaan mo sila, gusto kong makita nang tao na yakap ko ang taong hinde ko lubos akalain na mahal ako
"Baliw
ang sabi niya sa akin at gumanti na din siya nang yakap sa akin
"Sige na tama na ang yakapan na to, bumalik na tayo
ang sabi ni Charice habang natatawa at nagkalas ang aming pagyayakapan, nagulat kami nang may bigla na lamang nagsalita sa likuran naming
"Well... welll... well, what did I just saw there earlier?"
Tahimik kaming nakaupo noon habang hinihintay namin ang inorder namin na kape, at nakatingin si Sir Ryan kay Charice
"Bakla, sigurado ka ba sa ginagawa mo?"
ang tanong nito kay Charice
"Wala naman masama sa ginagawa ko diba?"
"Alam ko, pero, bakla ano ka ba? Ano na naman ang sasabihin nang mga nasa kabila sa iyo, alam mo naman lahat nang kilos mo doon eh talaga naman pinagkwekwentuhan
"Ano naman ang pakielam ko sa kanila
"Ikaw talaga, luka luka ka din eh, alam mong bawal ang pagkakaroon nang relasyon sa pagitan nang boss at employee di ba?"
"Bakit sila?
"Iba kasi ang sitwasyon mo Cha, bakla naman eh, alam mo naman pinagiinitan ka nang karamihan doon eh
"Hayaan mo nga sila, ako nang bahala
"Eh paano to? Paano kung ito ang pagtitirahin nang mga yun?
Sige nga"
"Hinde naman nila malalaman kung walang magsasalita eh, isa pa ikaw lang naman ang nakakita sa amin di ba?
"Malay ko, di ko naman kita lahat nang tao doon kanina noh
"Wala naman siguro, at kung sakaling may makakita man, ano naman ngayon, hayaan mo na"
"Basta hinde ako nagkulang nang payo sa iyo kaibigan ha, problema yan, Cha
at dumating na ang inorder naming kape
"Ikaw El Nunal, wag ka masyadong maglalapit kay Charice pag nandoon kayo ha, ok?
"Ok po Sir Ryan
at sabay sabay na kaming bumalik noon, gusto ko man noon hawakan ang kamay ni Charice ay hinde ko magawa dahil sa mga narinig ko kanina, nalimutan ko na bawal nga pala ang pagkakaroon nang relasyon nang boss at nang empleyado, nagtitinginan lang kami ni Charice noon at napapangiti kaming dalawa. Pagsapit nang breaktime namin, papunta ako noon nang canteen ng bigla kong masalubong si Charice
"El Nunal, ano nga pala number mo?
"Ay wait, hinde ko din kabisado eh, kunin ko lang Mam Cha sa locker"
"Kunin mo na lang number ko" at sinulat niya ang number niya sa palad ko
" Text mo ko later ha, pagnaihatid mo na yung pinapadala ko ha? Nasabihan ko na kanina si Yaya Ida Aalis ka ba?
"Hinde, may meeting lang kami nang mga clients natin, may bago atang product na i dadag sa atin, kaya baka mamaya pa ako makauwi, mahaba kasi talaga magdiscuss yung mga members eh
"Sige ako nang bahala sa pinapadala mo
"Ingat ka ha
at hinimas lang niya ang aking balikat at umalis na, ako naman ay nagtungo na sa canteen para kumain, hinde ko nakita si Jessa o si Eusha doon, nanibago ako dahil lagi ko silang naabutan doon, siguro ay namimili na naman sila. Habang kumakain ay bigla akong nilapitan ni Sir Ryan at kinausap
"El Nunal, tandaan mo yung sinabi ko earlier ok?
tumango ako at iniwanan na niya ako, medyo nalulungkot ako dahil hinde ko pwedeng lapitan masyado si Charice kapag nasa trabaho kami, pero ok na din yun kahit papano, isa pa, hinde naman kami magkalayo, nasa iisang lugar lang naman kami, kaya naman pinasaya ko na lang aking sarili, inisip ko na naman ang halik at yakap ni Charice
itutuloy....