Muli Part 35

1K 13 0
                                    

Part 35


"Ahh, teka, sino sino ba nandoon? "Mga kaklase at kaibigan ko "Ahh, madami na kayong nainom? "Sila medyo, ako hinde pa naman umiinom eh "We? "Oo nga kuya promise amoyin mo pa ako At nilapit niy
a ang mukha at dumiin sa akin ang kanyang dibdib na may kalakihan na ngayon,matapos ay tinapat niya sa aking bandang labi upang maamoy ko ito at totoo nga ang sinasabi niya, wala manlang akong naamoy na alak sa kanya "Ano kuya, naniniwala ka na ba?" "Oo ang bango mo nga eh "Kakaligo ko lang eh"
ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa bahay ni Lyka, at pagpasok namin nang bahay ay may narinig kaming isang malakas na tunog, nabasag na pingan, nagulat ako sa lakas nang tunog nang nabasag na plato, pero mas nagulat ako nang makita ko kung sino ang nakabagsak nang plato "Ikaw? ang sabi naming dalawa, at bigla niyang sinabi El Nunal... di ko inaasahang magkikita tayo ngayon dito
Tahimik kaming nagsisigarilyo noon sa labas, sa ilalim nang puno nang kamatsile, mahangin kasi nang hapon na iyon, at hinde ganoon ka init, hinde kami nagsasalita, at nagkakatinginan lamang, hanggang sa isa sa amin ang nagsalita, tinanong ko siya noon
"Kumusta ka na? Ok lang "Ahh. at hinde na muna kami ulit nagsalita,parehas kaming nakakatitig sa kalangitan noon, maaliwalas at maganda ang mga ulap,mayamaya pa ay siya naman ang nagtanong "Ikaw... kumusta ka na? "Eto, ok naman, kahit papaano ilang minuto ulit kaming nanahimik noon, parehas kasi kaming parang nagkailangan nang mga sandaling iyon, huminga ako nang malalim at nagsimula nang magsalita ulit
"Kumusta naman ang nagsi -Singapore ngayon? "Paano mo nalaman? Naikwento ba ni Lyka sa iyo? "Oo kanina lang, ang laki nang pinagbago nang step sister mo no? Oo nga eh, dati, patay na bata lang
siya, tapos ngayon, tignan mo dalagang dalaga na napansin na nagsimula na siyang ngumiti habang nagkwekwento Alam mo Janette, mas maganda ka pag ngumingiti ka para bang nagulat siya at napansin ko ang pagngiti niya noon, tila ba nahiya siya at muling yumuko "Salamat..." lumapit ako sa kinakatayuan niya at umupo sa tabi niya
"Magkwento ka naman, ang tagal din nating hinde nagkita ah ngumiti lang siya noon sa akin at tila ba nililibang ang sarili niya sa paglalaro nang mga dahong nalalag sa paahan niya, mayamaya pa ay nagsalita na siya "Eto, ngayon lang ulit nakauwi nang Pinas, bakasyon kasi ngayon sa pinagtratrabahuhan ko, kaya, eto, umuwi na muna ako dito "Hanggang kelan ka dito? Siguro, mga dalawang linggo, tapos babalik na ulit ako sa Singapore Ano bang work mo doon? "Office clerk sa isang mall doon "Ahh, mabuti naman at nakakuha ka nang trabaho agad doon, may nagkwento kasi sa akin, na mahirap daw maghanap nang trabaho doon eh
"Sa totoo lang, mahirap nga talaga, halos isang buwan din akong naging pakain sa bahay nang kaibigan ko doon eh, tapos, mabuti na lang, pinasok niya ako sa kaibigan niya doon, kaya ayun, nagkatrabaho na ako hanggang sa tuloy tuloy na Ahh, ang swerte mo naman at may kaibigan ka doon umupo na din siya at para bang naging komportable na siya na kausapin ako
"Ikaw, kumusta ka na? Ganoon pa din ba trabaho mo? "Oo, pero, sa ibang kumpanya na kinalabit niya ako noon at tumingin ako sa kanya Bakit? ang tanong ko sa kanya Galit... ka ba... sa akin? ngumiti ako sa kanya "Ikaw, sa tingin mo? Oo... kahit sino naman, magagalit sa ginawa ko eh To tell you the truth, hinde nabanaag ko sa kanyang mukha ang pagkagulat at para bang ayaw niyang maniwala noon sa aking sinabi at natawa ako bigla "Bakit ganyan ang mukha mo? "Hinde ka talaga galit?
ang tanong niya sa akin, bigla kong pinatong ang kamay ko sa ulo niya at kinuyos ang buhok niya "Bakit naman ako magagalit sa iyo? Ano naman ang dahilan at naisip mo na galit ako? All this time, ako nga ang nagiisip kung galit ka sa akin Ganoon?at bigla kaming nagtawanan at matapos naming tumawa ay niyakap niya ako bigla Namiss kita..hinimas ko ang likod niya at sumagot
"Ikaw din, namiss din kita.. at bumitaw na siya sa pagkakayakap, napansin ko ang mga mata niya na nangingilid ang luha"Alam mo, ang saya ko, ang saya saya ko talaga... grabe, naiiyak tuloy ako "Wag ka na umiyak, masaya ka pala bakit ka umiiyak? "Tears of Joy, adik to "Mas adik ka at nagtawanan ulit kami, at nagsimula na siyang magkwento tungkol sa mga ginawa niya sa Singapore, matapos noon ay bigla kong tinanong sa kanya ang isang bagay na noon pa man ay gusto ko na din itanong, tanong para sa kanya at para kay Jamaica
"Kumusta na nga pala, si... Jamaica? "Ok naman siya ngayon, actually she's doing good in Japan, alam mo ba, sikat na singer na siya sa Japan, pero hinde yung tipong sikat na lumalabas sa TV, mabenta na siya sa mga events, kinukuha siya para kumanta, masaya naman siya ngayon na naninirahan kasama ang nanay niya at bagong tatay niya, pati din.. si.. at tinignan niya ako, siguro ay inoobserbahan niya kung ano ang magiging reaksyon ko habang kinukwento niya iyon sa akin, at natigilan siya nang sasabihin niya na ang pangalan ni "PJ, tama ba?"Oo... may anak na nga sila eh "Oh? Lalake o Babae? "Lalake, mabuti na lang at kay Ate Jam nagmana ang features nang mukha ng bata
"Ganun? Edi gwapo pala yung bata paglaki noh, nagmana pala sa nanay niya eh" "Alam mo ba, hinde ko talaga inaasahan na makikita kita dito, in all place sa Pilipinas, sa bahay pa kita mismo nang
kapatid ko makikita, may sinasabi sa akin si Ate Jamaica, few days ago bago ako bumiyahe papunta dito sa Pinas, sabi niya, kung pwede ka daw ba niya makausap kahit sa phone lang daw, nasa akin ang number ni Ate, binigay niya sa akin, kukunin mo ba? Gusto niya kasing malaman kung galit ka daw sa kanya, alam niya daw kasi, na walang kapatawaran ang ginawa niya sa iyo, hanggang ngayon ay inuusig pa din daw siya nang kunsensya niya.. ano, gusto mo ba siyang makausap?"
"Alam mo Janette, siguro, wag na lang Ganun ba..ang malungkot niyang sabi sa akin hinawakan ko ang kamay niya noon" Wag kang magalala, hinde ko kinuha ang numero niya dahil sa galit ako o ayaw ko sa kanya, no, ayaw ko lang na magkaroon pa kami nang kontak, kasi, baka, makagulo lang ako sa buhay niya, pero, tell this to her, na ako, ay hinde galit sa kanya, at masaya kung nasaan siya ngayon... gusto ko pa nga siya pasalamatan, dahil, kung hinde dahil sa kanya, hinde ako matututong maging matatag, hinde ko siya tinuturing na, masama o walang kwentang tao, dahil nang minsan kami pa ay masaya naman ako sa piling niya... wala naman akong hinangad noon, kundi ang maging maligaya siya, ang maging masaya, at alam kong nagawa ko na iyon, sapat na na marinig ko na, ok naman pala siya at masaya... pakisabi pasensya na at hinde ko pa kayang makipagusap sa kanya, siguro, darating din ang panahon na kakayanin ko din makipagkita pa sa kanya mismo pinisil niya ang ilong ko noon, at ngumiti habang tumutulo ang kanyang luha "Ikaw talaga, di ka pa din talaga nagbabago... ikaw talaga, nakakatuwa ka talaga kahit kalian pinunasan ko ang luha ni Janette noon
"Wag ka nang umiyak, mas bagay sa iyo ang nakangiti, sige ka, papanget ka nyan "Yang mga banat mong yan din, di na din nagbago, magisip ka naman nang ibang linya, pudpod na yan eh ang sabi niya habang natatawa "Ikaw ba, galit din sa akin? "Hah? Bakit naman? "Kasi, di ba, hinde na ako nagparamdam sa iyo bigla, matapos nung araw na yun pinisil ko bigla ang dalawa niyang pisngi noon
"Aray aray aray ang sabi niya noon at binitawan ko ang pisngi niya "Ang cute mo pa din, hanggang ngayon, hinde ako nagagalit, nagtataka lang ako at nagtatampo, kasi naman, bigla mo na lang ako iniwan, para akong ginahasang dalaga na sinamantala nang lalakeng tulad mo at bigla niya akong hinampas Huy! Ang kapal mo naman! Ikaw pa ba lugi noon? at natatawa siya, inayos ko ang buhok niya noon sa mukha at tinanong Bakit mo nga ba ako iniwanan nang walang paalam? Bigla ka na lang nawala, nagagalit ka ba noon sa akin at.
"El Nunal... wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko noon, isa pa, ginusto ko yun, dahil mahal kita noon, kaya ako umalis noon, kasi... ayaw ko na lumalim pa ang magiging relasyon nating kung nagkataon, nakakahiya naman kasi diba? Magiging girlfriend mo ako noon, eh pinsan ko ang una mo, anong iisipin nila sa atin? Sa iyo? At isa pa... natakot din ako... baka kasi maging panakip butas lang ako noon... at baka magaway din kami ni Ate Jamaica noon... kaya, minabuti ko na lumayo na lang.. "Ngayon, alam ko na, sabagay, kahit ako, maasar ako, bakit shinota nang kaibigan ko ang kapatid ko, tapos pagkabreak mababalitaan ko na pinsan ko naman ang shota niya"Di ba? Naintindihan mo naman ako noon diba? "Oo, ok na ako, matagal na akong nakamove on, sobrang tagal na "
tumayo ako noon at hinawakan ang kamay niya"Tara, sali na tayo sa kanila, tama na tong pageemote natin"at tinulungan ko siyang tumayo, at naglakad na kami papunta sa loob nang bahay para makigulo sa mga bata. Tinext ko si Charice noon na nandoon na ako sa party na pinuntahan ko, at makalipas pa ang ilang oras ay nagsipaguwian na ang ibang bisita ni Lyka, at ang tanging natira na lamang noon ay ako, si Lyka, si Janette, dalawang lalakeng kaibigan ni Lyka, at dalawang babae. Pagpasok namin nang bahay ni Janette ay lumapit ang isa sa mga kaklase niya "Kuya, pwede makipagkilala?
Sinalubong ako noon nang dalagitang ito na kung pagmamasdan mo ang dalagitang ito ay hinde mo pagkakamalan na labing walong taong gulang lamang ito, sa galaw, pananalita at hubog nang katawan, lalo na ang dibdib niya na may kalakihan, ay aakalain mo na kaidaran mo ko lamang siya, at kung paano siya tumingin ay sadya namang nakakapangakit at halata sa kanya na sanay siyang makipaglaro, makipaglaro nang apoy, inabot niya ang aking kamay at nagpakilala siya sa akin "Hello, by the way it's Jemma but you can call me Jem inabot ko ang kanyang kamay at nagpakilala
"I'm El Nunal, nice to meet you ngumiti siya sa akin noon na para bang may pinapahiwatig siya sa akin, samahan mo pa nang pagkakagat niya nang kanyang labi, bigla naman nagsalita noon si Janette "Iha, naku, wag kang papadala sa lalakeng ito at masyado ka pang bata, masisira lang ang buhay mo sa lalakeng to sabay tawa ni Janette, ngunit nagulat ako nang bigla itong sagutin nang dalagita "Well, if that's the case, I guess I need to find out, and besides, I'm too eager to see that big thing inside that... you know "
at ngumiti siya sa akin at nagtawanan kaming lahat maging si Janette Hoy Jem! Nagsisimula ka naman ha! Sasabunutan ko kilay mo eh!ang biglang sabi ni Lyka na noon ay may dalang dalawang plato na may lamang pagkain "Lay naman! Ano bang nasa isip mo?! I'm just interested on his feet!!! Ang laki kasi nang sapatos niya so it means malaki ang paa niya kayo talaga napaka green minded nyo!"
ang sabi ni Lyka at nagtawanan lalo kami, inabot ni Lyka sa amin ni Janette ang plato at binatukan niya si Jem nang pabiro "Luka luka ka talaga at matapos naming kumain noon ni Janette ay inaya na kami ni Lyka noon sa labas nang bahay nila, sa may terrace kasi kami noon magiinom, umupo ako noon sa tabi ni Janette, at nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Jem, mayamaya pa ay nilabas na ni Lyka ang alak, napansin ko na kakaiba ang mga letrang nakasulat dito, kaya naman hinde ko naiwasang magtanong kay Lyka
"Lyka anong alak yan? Hinde ko alam eh, tanong mo kay Ate Janette, siya may dala nito eh Rum yan, na medyo may sweet blend, tikman nyo at magugustuhan nyo yan at nang buksan na ito ni Lyka ay ako ang unang pinagay niya, sa amoy nito ay malalaman mo na matapang ang alak na ito, pero nang tikman ko ito ay swabe naman ang dalo nito sa aking lalamunan, at nalasahan ko nga na matamis nga ang alak, kaya lang, pagdating nang alak sa aking tiyan ay nakaramdam ako nang kakaibang init "Masarap nga ang sabi ko kay Janette
"Siyempre, bibili naman ako nang hinde masarap, kaya lang ang mahal niyan eh, usually binibili lang daw yan for special occasions since birthday naman nang kapatid kong ito eh, ok lang, isa pa minsan lang naman sa isang taon ang celebration nang birthday niya diba? "Sabagay at nagsimula na kaming maginuman, halos lahat kami noon ay nagkwekwentuhan, nagpapalitan nang mga ediya, kuro-kuro, mga kalokohan na pinaggagagawa noon at kung ano ano pa na pwedeng pagusapan, habang nagkwekwentuhan sila, nagpaalam na muna ako noon na magsigarilyo, ako lang kasi noon at si Janette ang napansin ko na nagsisigarilyo, muli akong pumunta sa may puno noon nang Kamatsile at nagmuni - muni,tahimik kong pinagmamasdan ang kalangitan na noon ay may magkahalong kulay na orange at violet
"Ang ganda ng langit noh? isang boses ang bigla kong narinig sa aking likod, si Janette "Penge nga ako at inabutan ko siya noon nang sigarilyo Bat hinde ka na lang doon magsigarilyo, hinde naman sila magrereklamo eh "Wala lang, gusto ko lang dito, magaan kasi sa pakiramdam eh Sabagay, pasindi
nga din, sorry ha, wala kasi akong dalang lighter eh Ok lang at inabot ko sa kanya ang sigarilyo ko at sinindihan nya noon ang sigarilyo niya "Ano bang iniisip mo? ang bigla niyang tanong sa akin habang humihithit ako noon nang sigarilyo, at ng ibuga ko ang usok ay sinagot ko siya noon na medyo natutuwang nalulungkot
"Naalala ko lang bigla, ganyan din tayo noon diba? Ikaw ako at si.. "Ate Jamaica? Ako nga din, yan din ang naalala ko, ang saya natin noon noh? Oo nga eh, nakakamiss lang, yung kulitan natin, parang katulad lang sa kanila I know right, naalala ko din yung ka kesohan nyo ni Ate Jamaica, natatawang naasar lang ako sa inyo noon eh "Eh siyempre, ganun naman talaga ginagawa nang magkasintahan diba?
"Alam ko... isa pa, noon, naiingit na din ako noon kay Ate Jam eh hinde ako nagsalita noon nakita ko na nakatingin sa akin noon si Janette "El Nunal... ano kaya.. Biglang naputol ang sasabihin ni Janette noon, at sumanday sa puno, at muling nagsigarilyo, napaisip ako noon kung ano ang sasabihin niya, napansin ko bigla na bahagya niyang binuksan ang dalawang butones nang suot niyang blusa, at medyo kita na noon ang suot suot niyang panloob, tumingin siya sa akin at ngumiti "Ang init no?"
ang sabi niya sa akin, ako man noon ay naiinitan, doble pa ang naranasan ko nang nasisilip - silip ko ang kanyang cleavage.Napahithit na lang ako nang sobra sa aking sigarilyo noon El Nunal, pwede bang magtanong? ang tanong sa akin ni Janette, pansin ko noon na seryoso siya at para bang ang lalim nang kanyang iniisip "El Nunal, ok lang bang makipagrelasyon sa taong alam mong may asawa na? nagulat ako bigla sa sinabi niya, at bigla siyang napailing at tumawa "What am I saying, alam naman nang lahat na masama ang pangangabit, di ba? bigla nalamang may pumatak na luha noon sa kanyang mga mata
"Hinde ko alam, kung anong pumasok sa isip ko noon, at pumatol ako bigla sa may asawa sa Singapore, siguro, dahil kailangan ko talaga noon nang trabaho, naloko kasi ako noon nang agency na pinasukan ko, ang inapplyan ko, office staff, nagulat na lang ako nang dalhin ako sa kasa, sa bahay aliwan, muntikan pa ako noon magahasa, bute na lang at nakatakas ako, nagmistula pa nga akong palaboy noon, ang hirap, hinde ko halos akalain na kakain ako dati nang pagkaing di ko alam kung saan galing, kung panis na ba o hinde, wala naman ako noon kontak kay Ate Jamaica, kaya walang makatulong sa akin, yung imbahada natin doon, wala ding silbi, palibasa kapit sila nang sindikato,kaya wala silang magawa kundi maging sunod-sunuran sa mga gago na yun, nakakilala ako noon nang isa pang pinoy, kinupkop niya ako, inalagaan, binigyan nang matitirhan, hanggang sa isang araw, inaya niya ako na maging kasintahan, ako naman, gipit, at walang makapitan nang mga oras na iyon, kaya naman pumayag na ako, tinulungan niya din ako makahanap nang trabaho, kaya lang, bigla ko na lang nalaman isang araw na kasal na pala siya dito sa Pilipinas, hinde ko alam ang gagawin, binalak ko siyang hiwalayan, kaya lang tinakot niya ako, sinabi niya sa akin na sa oras na iwanan ko siya, isusumbong niya ako at ipapadeport, at hinde na ako kailan man makakaalis nang bansa, at ipapakulong niya pa ako, alam mo naman ang nangyayari sa mga nakukulong sa Singapore di ba? Ang trato nila sa mga Pilipino doon pag nasa kulungan, hayop, parang hinde tao, akala mo, hinde tao ang pinapahirapan nila, sinasaktan, natakot ako, kaya napilitan akong maging madrasta niya, kaya lang naman ako nakauwi ay dahil, kasama ko siyang umuwi dito sa Pilipinas, sumama siya sa akin pagbalik ko sa Pilipinas... El Nunal, masisisi mo ba ako, kung kumakabit ako sa lalaking iyon?"
at muli siyang humithit nang sigarilyo habang patuloy ang kanyang pagiyak noon, wala akong masabi, hinde ko alam na ganoong klaseng hirap pala ang pinagdadaanan niya, wala akong maipayo
o magawa manlang nang mga sandaling iyon, nang maubos na niyaang sigarilyo ay lumapit siya sa akin at niyakap niya ako noon"Alam kong mali to, pero, hinde ko alam kung bakit, pero, para bang, gusto ko na lang na manatili sa ganoong posisyon, napakadumi kong babae, napakadumi ko na... at tuluyan na siyang umiyak noon, ang tanging nagawa ko na lamang noon ay yakapin siya at haplusin ang kanyang likod noon, wala na akong sinabi pa o kahit anong payong binigay, wala akong kahit na anong maitutulong kung hinde ang makinig na lamang sa kanyang hinaing. Ilang sandali pa ay tumahan na siya, at biglang tumawa

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon