Muli Part 3

1.3K 12 0
                                    

Part 3

"Thanks Ryan"
"Ok, take care" at nilapitan ako ni Eusha na nakangiti at tuwang tuwa.
"Tara uwi na tayo, kelan start nang training mo?"
"Sa Sabado pa, ikaw?"
"Sa Friday na agad... magkaiba pala tayo nang account"
"Pero isang floor lang naman tayo diba?"
"Tutal, tara, inum tayo"
ang aya ni Eusha sa akin, since wala pa naman akong pasok noon ay pumayag na ako.
"Saan ba tayo iinum?"
"Sa bahay, samahan mo ko."
"Ha? Sa inyo?"
"Oo, sige na wag kang huminde, sisipain kita"
napangiti na lamang ako at sumama sa kanya, medyo nakakatakot ang lugar nila, madalim, wala halos tao, pero madaling araw naman kasi iyon, kaya lang hindi mawawalan doon nang mga tambay na minsan ay hindi mo din alam kung ano ang takbo nang utak, at mas inalala ko pa na all this time, eh ganun pala ang halos palaging dinadaanan noon ni Eusha, mabuti na lamang ay hindi siya natyetyempuhan nang masasamang loob sa doon.
Pagdating namin sa kanila ay napansin ko na maayos naman ang bahay, up and down ito, parang dalawang bahay na pinagpatong, at merong bakal na gate na parang rehas, aware na siguro ang may ari nang bahay sa posibleng mangyari kung hindi sila magiingat, hindi naman sa panlalait pero yung tinutuluyan ni Eusha ang napansin kong pinakamatinong itsura nang bahay sa street na iyon, lahat naman ay gawa sa simento at yero, pero sila lang ang kapansin pansin ang ganda nang pagkakagawa nang bahay.
"Wag kang maingay, baka magising si Nanay Sungit, wag kang magsalita na parang malayo lang kausap mo ha?"
ang bilin niya sa akin at natawa naman ako kasi siya eh ang lakas lakas nang boses.
"Tamtam sino yan?!"
ang isang boses ang narinig namin sa bandang itaas naming.
"Sino na naman yang kasama mo?! Ikaw talaga! Baka magalit na naman sa atin si Mama eh!"
"Hinde yan! Ano ka ba? Ay El Nunal, si Jules nga pala, pinsan ko, insan si El Nunal yung friend ko"
"Ah... siya ba yung..."
at bigla na lang niya hinila ang buhok nang pinsan niya, nakakapagtaka kasi parang hindi sila magpinsan, ang layo nang itsura nila sa isa't isa, pero maganda silang dalawa, medyo chinita nga lang si Jules at may katangkaran.
"Wag kang maingay, ikaw talaga!"
ang sabi ni Eusha habang tinatakpan ang bibig ng pinsan niya, tumango siya nang tumango at binitawan na siya ni Eusha, pero nang parang may sasabihin ulet si Jules ay muli niyang nirestling ang pinsan niya, natatawa ako sa ginagawa nila, kung titignan mo sila, bilang lalake, eh sadyang nakakatuwang nakakalibog, kasi umaangat ang kanilang mga suot na damit, tapos ang suot pa noon ni Jules ay pekpek short kaya nakaipit ang isang paa ni Eusha sa binti ni Jules at pumapalag siya kaya naman nasisilip ako ang kanyang suot na panty, kulay dilaw pa nga ito, maging ang string nang panty ni Eusha ay nakikita ko na din, tumigil lamang sila nang may marinig silang kalampag.
"Tigilan na nga natin ito, nagising at si Nanay Sungit, baka umakyat pa siya, mayari tayo"
ang sabi ni Eusha at pinakawalan niya ang kanyang pinsan at bigla nitong piningot ang ilong ni Eusha.
"Etong sa iyo, ang daya mo"
"Anay anay anay anay, ngongo na ngongo na pakawanan no na ngo"
ang sabi ni Eusha na parang ngongo habang pisil pisil ni Jules ang ilong nito.
Nakakaaliw lang silang pagmasdan, para silang mga bata kung umasta pero dalagang dalaga na ang katawan, binitawan ni Jules ang ilong ni Eusha na namumula na ang ilong at lumapit sa akin si Jules at nakipagkamay.
"Jules nga pala, bakit hindi ka pumunta noong birthday ko dati? Inaasahan pa naman kita noon, sabi ni insan eh malakas ka daw maginom"
"Hindi naman, wag kang maniwala sa lukaret na pinsan mo"
"Hoy wag ka ngang magsinungaling, malaki ang bahay alak niyan insan, mas malakas pa ata sa iyo yan eh.
"Weh? Di nga?"
ang sabi ni Jules na may boses pagaangas.
"Sandali ha"
ang sabi nito at pumunta sa isang bahagi nang bahay nila na may takip na kurtina.
Napansin ko na sakto lang ang sukat nang bahay nilang magpinsan, ang higaan nila ay nasa sala lamang, kutson, dalawang electricfan, dalawang laptop, isang flat screen na tv pero maliit lang pero
ang maganda nito ay nakadikit sa may pader nila,at sa ilalim nang kinalalagyan nang tv nila ay dalawang dura box, lagayan nang damit, pero ang bahaging may takip nang kurtina ang gusto kong makita. Habang nagmamasid masid ako ay pumasok din si Eusha sa may kurtinang bahagi nang bahay nila.
"Dyan ka lang El Nunal ha? Sisipain kita pagsumunod ka dito, magbibihis ako"
natawa ako kasi di na naman niya dapat pang sabihin kung ano ang gagawin niya, pero dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako nang ideya, maaring ito ay kwarto nila, o kaya naman banyo, since wala nga akong napansing banyo.
Nagulat ako nang bigla na lang hawiin ng pinsan niya ang kurtina at nakita ko si Eusha na nagbibihis, nakapanty lamang siya nang mga sandaling iyon, at walang bra, pero nakatalikod naman siya kaya tanging likod lamang niya ang aking nakita (sayang!) at hinde niya ata napansin ang kalokohang ginawa nang pinsan niya at natawa ako at tumalikod bigla habang nakangisi ang kanyang pinsan na may dalang isang litro nang Emperador at lumapit sa akin.
"Ok ba?"
ang sabi nang pinsan niya na tatawa tawa at nakita ko na parang nataranta si Eusha nang makita niyang nakahawi ang bahagi kung saan siya nagbibihis.
"Jules, siraulo ka talaga!"
ang sabi nitong natatawa.
"Wala naman nakita eh! Di ba?"
ang tanong sa akin ni Jules na tatawa-tawa, hindi ako nakasagot noon at napailing na lang habang nakangisi, hinahanap ko ang gagamitin naming shot glass, pero napansin ko na wala siyang dala.
"Ano, Jules, sandali, nasaan yung shot glass?"
"Anong shot glass? Baso tayo, Eusha, magdala ka nga nang tatlong cup yung lagayan natin nang kape"
"Ha? Bakit?"
tanong ni Eusha at sumilip sa may siwang nang kurtina.
"Yun ang gagamitin natin"
"Gago ka ba? May pasok ka pa kinabukasan ah?"
"Gagi wala, day off ko bukas di ba?"
"Wooh, ang sabihin mo eh di ka nanaman papasok, ikaw talaga, Hoy Jules, mamaya mapagalitan ako nang Nanay mo ha? Ako pa masisi sa kalokohan mo dito sa Manynila"
di ko naiwasang magtanong sa kanya.
"Nanay? Teka, sino yung nasa baba?"
"Ahh, si Mama Mena, kapatid ni Nanay ko, well tiya ko sa madaling salita, Mama lang ang tawag ko kasi dati nung nasa Aklan pa kami ni Eusha eh yan ang nagalaga sa akin, ang umampon, kaya Mama na ang tawag ko sa kanya"
"ahh... so nanay ni Eusha?"
"Hindi, kapatid lang din nang nanay ni Eusha yang si Mama Mena, mabait yan, pero masungit lang talaga sa mga dumadalaw sa amin na lalake, kasi ayaw niyang magaya daw kami sa dalawa niyang kapatid, paano kasi nanay ko at nanay ni Eusha, eh parehas, ika nga nila, maagang lumandi, pero pinakasalan naman sila nang mga tatay naming"
"Jules, wag ka nga masyadong madaldal, ikaw talaga, mamaya kung anong isipin ni El Nunal sa atin eh"
"Eh ano naman, mukhang ok naman siya eh, nunal niya lang sa mukha ang hindi ok, teka buhay ba yan?"
ang tanong niya sa akin at tinangka niya hawakan ang aking nunal, hindi ko basta basta pinapakapitan ang aking nunal kaya naman agad ko itong tinakpan.
"Ay, shy type? Ahahaha, pero buhay ba yan?"
"Oo ata, kasi, noong bata pa ako, maliit lang to eh, gatuldok lang ang laki"
"Ahh... ganun ba, Eusha .... "
at biglang nagsalita nang kakaibang salita si Jules at nagsimula silang magusap nang ganun.
"Eusha Owa ako naka sayud kay tatay prehas ke El Nunal tingin mo?"
"Owa ako naka sayud dai ko natanung ke tatay"
napakamot ako sa ulo kasi hinde ko sila maintindihan at sabay silang tumingin sa akin kaya naman bigla silang nagtagalog.
"Sabi ni Jules eh hindi niya alam kung yung nunal din daw nang tatay niya ay katulad nang sa iyo"
"Ahh... teka anong bang salita yang ginagamit nyo?"
"Akeanon, salita sa probinsya namin, alam mo lahat nang kaibigan namin natatawa nga eh pagbigla akong magsasalita nang ganun"
"Ngayon ko lang naman narinig na magsalita ka nang ganun eh"
ang sabi ko kay Eusha at lumabas na siya sa may kurtina dala ang tatlong maliit na cup na kulay pute at may dala din siyang pitsel na may lamang juice, at nakita ko na din ang side na gusto kong makita, nandoon pala ang kusina nila, may reff, ricecooker at nandoon din ang parang lagayan nila nang mga damit na pambahay, at siguro ang nakita kong parang kwartong maliit na may takip lamang din na
kurtina ay ang banyo nila. Umupo din sa tabi ko si Eusha, nakasuot lamang silang dalawa nang maikling short (pekpek short) si Eusha ay nakatshirt samantalang si Jules ay parang sando.
"Simulan na to, teka, yung pulutan?"
ang tanong ni Jules, tumayo siya at kinuha ito, bigla naman akong kinalabit ni Eusha.
"Oi, pasensyahan mo na si Jules ha, ganyan lang talaga yan, feeling close kaagad sa mga bisita, pero mabait naman yan"
"Ano ka ba, ok lang yun, nakakatuwa nga siya eh"
"Medyo totomboy tomboy kasi yung gagi na yun eh, pero babae talaga yun mukha lang lalake"
"Hoy! Ikaw ang lalake, nakita mo naman kanina diba El Nunal, para siyang wrestler pwede nang pang WWE tong babae na to eh"
"Wala ba kayong kapatid na lalake?"
"Ako wala, dalawa lang kami nang ate ko, pero si Eusha, apat silang babae isang lalakwe"
"Lalakwe?"
"Lalaking naging babae, nabading, paano kasi, nung bata pa yung bunso nila eh kung ano anong kalokohan ang tinuturo nang mga magkakapatid na yan eh, ayan natuluyan"
"Eh ano naman masama kung naging bading yun, si tatay nga wala nang nagawa eh, isa pa, wala naman dating sa amin yun eh, nakakatuwa nga, prang limang maria na kami di ba?"
"Eh kasi mga lukaluka nga kayo"
"Parang ikaw lang hahaha"
natuwa ako sa sobrang closeness nang dalawang ito, parang akala mo, magkapatid lang sila, nagsasama sa isang bahay at magkasundong magkasundo.
Mayamaya pa ay nilapag na ni Jules ang pulutan namin, Sisig,tokwa't baboy, at sinalinan na ni Jules ang baso namin ni Eusha at kung kayo ang nasa kalagayan ko nang mga oras na iyon, kayo din siguro ay mapapasabing ..
"Ano yan patayan?"
napangiti si Jules sa amin.
"Akala ko ba malakas to insan, eh nagrereklamo na oh"
at nakita ko kung paano niya ito shotin at nagulat ako, halatang manginginom ang lukaluka, pagshot nang halos isang cup na katumbas na ata nang 4 na shot nang normal na tagay, eh wala manlang reaksyon ang mukha niya.
Medyo napaisip ako noon, na parang hinahamon niya ang aking kakayahan na uminom kaya naman walang kaabugabug ay shinot ko din ito, pero, hinde katulad niya na walang reaksyon, napapikit ako
at parang kinilig, sa unang pagkakataon ay kinilig ako bigla sa paginom nang alak, hindi ko kinaya at uminom ako nang juice para tuluyang maibaba ang alak, pakiramdam ko kasi ay ilalabas ito nang aking tyan at tawa nang tawa ang dalawa.
"Kamusta ka eon? Kea pa?"
ang sabi nila sa akin, salitang Akeanon na naman pero medyo naintindihan ko naman ang sinabi nila, kinakamusta nila ako kung kumusta ako at kung kaya ko pa, ngumiti ako at sumubo na din nang pulutan, grabe, hindi ko akalain na makakarmdam ako nang ganun.
"Babaan mo na kasi Jules, hindi naman yan sanay nang ganun kadami eh.
"Ok lang ako... ok lang ako..."
ang sabi ko kay Eusha kahit alam ko sa sarili ko eh hindi ko kaya, ayaw ko lang kasi mapahiya, isa pa, naturingan akong manginginom, isang shot lang, susuko na ako, hinde yun maari, nang mga oras na iyon ay inisip ko na kailangan kong ipaglaban ang bandera nang mga lalaking manginginom kaya naman, ganun pa din ang aming iniinom, ganoon pa din kataas, pero, aaminin ko, tinamaan agad ako noon, tila sa loob ata nang 30 minuto ay halos maubos na namin ang alak, at anak nang tokwa, parang hindi lasing ang dalawang kainuman ko samantalang ako eh nahihilo na at mabigat na ang pakiramdam.
"Gusto ko maeamig nga beer, pang banlaw, ano? Kaeya?"
"Musyon eon! Musyon eon! ikaw El nunal?"
napangiti ako sa kanila, akala ko wala pa silang tama, meron na din pala, hindi lang halata sa itsura, pero nang magsalita sila ay nakakatuwa at ang nakakaaliw pa ay kinakausap nila ako nang salita nila sa probinsya eh hindi ko naman sila maintindihan.
"Ano? Beer tayo yung malamig, meron pa ba dyan?"
ang tanong ni Jules at tumayo at pumunta ulit sa kabilang side nang kurtina, napansin ko si Eusha na nakatingin sa akin.
"Ano yun?"
ang tanong ko sa kanya at sinagot niya ako nang kakaibang lengwahe.
"Ikaw kaumangon... Ikaw kaumangon"
"Ha?"
ang sabi ko sa kanya at ngumiti siya.
"Baliw ka daw sabi ni Eusha, hahaha"
"Ganun?"
at natawa ako, mayamaya ay biglang gumapang palapit sa akin si Eusha.
"Magamit ko it cr..."
ang sabi niya at bigla na lamang ako nakaramdam nang mainit na bagay sa pagitan nang aking binti.
"Eusha, ayad ka lang ba?"
at lumapit si Jules kay Eusha, nasukahan ako ni Eusha at shet ang inet nang suka niya, agad siyang inalalayan ni Jules papunta sa banyo at doon na siya tuluyang sumuka, samantalang ako naman ay nilinis ang sinuka nang luka luka na iyon, ang masama nito ay nasukahan niya ang aking pantalon, medyo malakas ang amoy nang suka niya, pero wala naman akong choice, wala naman akong dalang spare na pantalon nang mga sandaling iyon.
"El Nunal ito muna isuot mo oh, pasensya na ha, lukaluka talaga yang pinsan ko eh"
at inabot ni Jules sa akin ang isang short na di garter
"Kanino to?" ang tanong ko kay Jules.
"Ah.. sa ex ko, naiwan niya yan dito, di na binalikan, gagawin ko na nga dapat basahan yan eh, eh kaso, masyado namang maganda yan diba?"
napansin ko nga na maganda yung short, at sa itsura nito, parang isang basketbolista ang may ari nito .
"Kung gusto mo sa iyo na lang yan? Wala na naman gagamit niyan eh"
ang sabi ni Jules at muli niyang chineck si Eusha, pumasok siya sa may kabilang banda na may takip na kurtina, pero nagtaka ako nang nagmamadali siyang lumabas at kinuha ang cellphone niya, at paglabas niya ulit at nakangisi na naman siya.
"Halika El nunal tignan mo"
pagtingin ko sa cellphone niya ay natawa ako sa aking nakita, si Eusha ay nakayakap sa kanilang inidoro na tila sumusuka pa.
"Ok lang ba siya?"
"Oo, kaya niya pa yan, hayaan mo lang siya dun sandali, pagnakasuka na iyon, magiging ok na iyon, ikaw magpalit ka na kaya"
"Saan ba pwede?"
"Doon na lang sa may kwarto"
kaya naman pumunta na ako doon para magpalit nang short, pagpasok ko, sinalubong ako nang mga nakasabit na bra at panty, ang babango, amoy Downy, pero ano pa bang aasahan ko, dalawang babae ang nakatira doon, napansin ko na nasa sahig ang isang isang bra kaya naman kinuha ko na ito kaya lang nang saktong hawak ko na ang bra ay nakita ako ni Eusha.
"Ano yang ginagawa mo?"
at lumapit siya sa akin at kinuha ang hawak kong bra.
"Inaamoy mo ba ang bra ko? Manyakis ka pa nga talaga"
ang sabi niya sa akin nang nakangisi.
"Hindi ah, nakita ko lang yan sa sahig"
"Oo na sige na, tara na doon"
"Totoo nga sinasabi ko, promise."
"What ever El Nunal"
sabay na kaming lumabas at umupo ulit sa pwesto namin at nakatingin sa akin si Eusha nang nakangisi, napansin ito ni Jules at nagtanong.
"Bakit Eusha, masusuka ka na naman ba?"
ang tanung ni Jules at tumawa.
"Hindi na, wala to"
medyo natatawang naasar ako sa nangyari, pero hindi naman niya maiiwasan mag-isip nang ganon, sinalinan ulit kami ni Jules nang beer, nakapaghanda na pala siya habang nagbibihis ako
"Oh, eto, pangbanlaw natin, ano insan kaya pa?"
"Oo, kaya pa, ikaw El Nunal kaya pa?"
"Oo, kaya pa naman, teka anong oras na ba?"

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon