Muli Part 15

1K 14 0
                                    

Part 15


Hinde, hinde ko naman tinignan eh, bakit?"
"Wala, aalis ka na ba?"
"Oo, ubusin ko lang tong sigarilyo ko, tapos aalis na din ako"
"Hintayin mo na ako, maliligo lang ako, sabay na tayo, papunta ka na namang ortigas diba?"
"Oo, tapos uuwi na muna ako, papalit lang siguro nang damit tapos tulog nang konte tapos alis na"
"Sige sige, nood ka na lang muna nang palabas diyan"
hinintay ko siyang matapos maligo, medyo nagtataka lang ako kasi tila magiisang oras na siyang naliligo, iniisip ko tuloy, baka naman sinasamba niya pa ang diyos nang tubig at kung ano ano pang orasyon ang ginagawa niya bago maligo.Mayamaya pa ay lumabas na din siya sa banyo, nagulat ako dahil lumabas siya nang nakatapis lang, hinde ako nakapagsalita noon dahil namangha ako sa kinis nang kutis niya, grabe, parang porselana sa kinis, pumunta siya sa may kusina para magsipilyo
"Ang tagal mo namang maligo, sumasamba ka pa ba sa diyos nang tubig bago magbuhos?"
ang tanong ko sa kanya
"Ha?"
" Matagal ba ako sa banyo? Nasanay na kasi akong nagbabad muna sa tubig bago ako maligo eh"
"Adik, nakatulog ka ba sa loob?"
"Muntikan na, ang sarap kayang magbabad sa tubig, maligamgam kasi tubig sa shower ni Papa eh"
"Ahh, ganun ba? Ano yan pasadya?"
"Oo, nakita mo naman si Papa medyo may edad na at pagsinusumpong yung rayuma niya, nagbabad din siya doon"
nagulat ako nang bigla na lang siyang sumigaw at natumba, dalidali akong tumakbo palapit sa kanya, nakita ko nagdudugo ang paa niya
"Anong nangyari?"
"Ang sakit... meron pa atang natirang bubog kanina, ang sakit..."
"Sandali lang.."
Binuhat ko siya papunta sa sofa, palibasa ay bagong ligo, ang bangobango niya, at hinde siya ganoon kabigat, inupo ko siya sa may sofa at hinawakan ang paa niyang may sugat
"May tsani ba dito ang Papa mo?"
"Tignan mo sa may banyo, alam ko kanina meron akong nakita doon, pagwala, tignan mo na lang sa may kwarto ni Papa sa may bilog na lagayan"
pagpasok ko nang banyo ay nakita ko agad ang tsani, kumuha na din ako nang tisyu at pagbalik ko doon ay sinimulan ko na munang punasan ang dugo sa paa niya, mataposs noon ay sinipat kong mabuti ang paa niya
"Ang hirap naman hanapin nang bubog sa paa mo, ang puti eh
ang pabiro kong sabi sa kanya pero hinde siya natatawa, at tila namumutla pa siya, kaya naman hinanap ko na nang mas maigi ang bubog at sa kabutihang palad at nakita ko din ito, napanipis nit pero mahaba, kaya siguro nagdugo nang ganoon ang paa niya, napansin ko na namumutla pa din siya kaya naman kumuha ako nang tubig at pinainom ito sa kanya
"Ayos ka lang ba?"
"Ok... ok na ako... sa..lamat.."
"Huy! Parang aligaga ka dyan, namumutla ka pa"
"Kasi... sa totoo lang... takot ako sa dugo eh... kaya nga ako nagnursing para labanan yung takot pero, hinde ko pa din kaya... nakagraduate na ako lahat lahat, naginginig pa din ako at namumutla dahil sa dugo"
"Ahh.. ganun ba... wala na naman eh, ano, wala na bang masakit, wala na bang ibang nabubog sa paa mo?"
dahan dahan siyang tumayo at iniapak ang paa niya
"Wala na naman... salamat ha.. mabuti na lang nandito ka kung nagkataon baka namatay na ako "ang grabe mo naman, OA mo naman di ka naman mamatay sa ganun eh, adik to"
"Eh siyempre di ba mauubusan ako nang dugo"
"Adik to parang hinde nurse"
"Ahh basta... salamat ha"
bigla na lamang nagiba ang araw sa loob nang bahay, parang bigla na lamang uminit at bumigat, bigla kong napansin na tila untiunting lumalapit si Jessa sa akin, at hinde ko din alam kung anong nangyari at kusa na din gumagalaw ang aking katawan palapit kay Jessa, patuloy ang paglalapit nang aming mga mukha hanngang sa untiunti nang nagkakalapit ang aming mga labi, kakaiba ang dagundong nang aking puso at ramdam na ramdam ko ang pagbilis nang tibok nang aking puslo habang pinagmamasdan ko ang kabuuhan ni Jessa, ilang sandali na lamang sa aking pakiramdam ay sasabog ang aking puso, at tila nanabik ang mga labi kong ito sa malarosas na kulay na labi ni Jessa ngunit nang ilang sentimetro na lamang ang layo nang mga labi namin sa isa't isa ay bigla na lamang may tumawag sa akin, at parang isang bula, nawala ang kakaibang aura na bumalot sa amin, bigla siyang napaatras at namula, at hinde siya bigla makatingin nang diretso sa akin
"Ano.. El Nunal... ano... si..sige.. mauna ka na... mukhang.. hinde na naman ako... makakagala eh... masakit pa din ang sugat sa paa ko... sige.. kita na lang tayo, mamay... "
"Sige.. ano.. una na ako... ha?"
"Ano... El Nunal... "Bakit Jessa?"
"Salamat ha..."
at pumasok na siya nang kwarto niya at ako naman ay lumabas na nang pinto at sinagot ang tawag, si Eusha
"Oh hello? Napatawag ka?"
"Ahh kasi hinde ka sumasagot sa text ko, pati yung text ni Mam Charice hinde mo sinasagot, adik to, wala ka bang load o tinatamad ka lang magtext"
"Wala akong load, ubos na, at wala naman akong narerecieve na mga text eh, isa pa lang, ano bang number ni Mam Charice?"
"Abam hinde ko alam, hininge kasi sa akin ni Mr.Garcia yung number mo at hinihinge daw ni Mam Charice kaya binigay ko number mo sa kanya tapos hinde ka daw sumasagot sa text sabi ni Mr.Garcia"
"Sige sige, papaload na ako, pasira ka pa nga talaga sa buhay kahit kelan"
"Ha? Bakit?"
"Wala, ang ganda lang talaga lagi nang tyming nang tawag mo, sige na"
"Oi teka sandali, si Reynalee nga pala nagpapasama sa mall, samahan mo kaya? Since may nangyari na sa inyo di ba? Siguro naman ok lang yun noh?"
"Adik hinde pa naman kami eh, isa pa, hinde pa ako nakakauwi sa amin"
"Ha? Bakit?"
"Basta,kwento ko na lang sa iyo mamaya, basta, pakisabi mo nalang kay Reynalee hinde ako pwede ngayon, next time na lang kamo ha?"
"Bahala ka, ikaw na magsabi"
"Please, sige na ikaw na"
"Ah bahala ka bya na"
at pinutol na niya ang tawag, ako naman ay sumakay na papunta sa Ortigas, sa biyahe ay tinignan ko na ang mensahe na natanggap ko at mukhang kay Charice nga galing
~ Message 1 Kindly report to my office 9:00pm, please text back if you recieved this message ~
kaya naman nagreply ako sa number na ito, napansin ko ang oras, magaalasingko na pala nang hapon at pauwi pa lamang ako, napaisip ako bigla, hinde dahil sa papagalitan ako at ganoong oras na ako uuwi, iniisip ko si Jessa, hinde naman masama kung magkakaroon kami nang relasyon at isa pa, masaya naman ako pagkasama siya, kaya lamang ay meron akong problema, si Reynalee, sa ugali niyang iyon, malamang ay malaman ni Jessa na may nangyari na sa amin, napangiti na lamang ako at natulog, paggising ko ay malapit na ako sa amin, kaya naman naghanda na ako, chineck ko lahat
nang dala ko kung walang nawala, nagulat ako nang hinde ko makita ang aking cellphone, hinanap ko talaga ito sa dala kong bag, sa aking bulsa, wala talaga, maging ang pitaka ko ay nawala, bigla akong kinausap nang nasa harapan ko
"Kuya nawalan ka ba nang gamit?"
"Wallet ko at cellphone, bakit miss"
"Kasi kanina may dalawang lalaking sumakay tapos tumabi sa iyo, eh sobrang tulog ka, ayun, madali nilang nakuha yun, hinde naman ako makapagsalita kasi mamaya saksakin ako nang mga yun, ewan ko ba dun sa driver, parang walang pakielam"
"Ganun ba, hayaan mo na, mabuti na lang at hinde ko doon nilagay ang pera ko sa walet ko, bente lang ata laman noon, kaya lang cellphone ko, sayang yung sim card"
"Sim card lang talaga pinanghinayangan eh no?
at natawa nag babaeng kausap ko noon
"Ate salamat, ano nga po pala pangalan nyo?"
"Rika"
"Ha? Sandali... Rika?"
"Oo, kaklase mo nung grade six elementary, langya ka, kung di pa kita kinausap di mo ko makikilala"
"Di nga talaga kita nakilala... Ikaw ba talaga yan?"
"Ay hinde, parte lang ako nang panaginip mo, sige matulog ka pa baka kasi kulang pa eh, malay mo panaginip lang din na nakawan ka sa jeep hahaha"
napangite ako sa sinabi niya, pero sa totoo lang talaga ay hinde ko siya nakilala, bukod sa ang laki nang ginanda niya, eh nagmukha na siyang babae, natatandaan ko pa kasi, ang itsura eh negra na tomboy kung kumilos, isa pa nga siya sa mga nakakasuntukan ko dati noong elementary ako bago ako umalis sa eskwelahan na parehas namin noon pinapasukan noong grade six ako, sa ibang school kasi ako grumaduate, lumipat ka pa kasi eh, kinailangan.
"Pasensya na ha, pagod lang kasi talaga ako eh, kaya siguro hinde kita nakilala"

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon