Part 29
Hinde naman...
Hinimas ko noon ang kanyang ulo, nang makatulog na siya ay natulog na din ako noon, kinabukasan ay maaga akong umalis nang bahay nila Eusha, hinde ko na siya ginising noon at tahimik na lamang na umalis nang bahay.
Medyo nakaidlip din ako sa biyahe at paggising ko ay malapit na ako sa bahay namin, medyo nagugutom ako noon kaya naman bumaba ako sa may malapit na bilihan nang pagkain at di ko inaasahan na makikita ko si Rika
�Oi! Musta na!�
Ang bati nito sa akin
�saan ka galing?�
Ang tanong ko noon sa kanya
�May pinuntahan lang, siya nga pala, punta ka mamaya ha?�
�May pasok pa ako eh�
�Adjaw, ito naman oh, sige na wag ka na kaya pumasok?
Hinde pwede, pagumabsent ako kailangan ko pa nang med cert para lang makapasok ako ulit
Ang arte naman nang kumpanya mo
Ganoon talaga dun, isa pa, hanggang 3 absent lang ang pwede, pag nakatatlo na, automatic, tanggal ka na
Nakakailang absent ka na ba?
Wala pa
Wala pa pala eh, umabsent ka na
Hinde pwede, isa pa, sahod ko din kaya mamaya, kaya kailangan pumasok
Anong oras ba uwi mo?
Ala singko nang umaga Ah... kelan ka ba pwede?
Siguro, next week, sa Linggo, meron ba?
"Edi ikaw magaya sa kanila, ano bang number mo, type mo nga dito at inabot ni Rika
ang phone niya
Text kita mamaya ha, saan ka ba pupunta?"
"Bibili sana nang pagkain tapos uuwi
na Saan ka ba nakatira ngayon?
"Diyan lang sa malapit
Saan?
at tinuro ko sa kanya ang gas station na malapit sa amin
Ahh... doon ka pala, teka, sandali, wag ka na kaya bumili, sa amin ka na lang kumain
Weh?
Ayaw mo ba?
"Sige ba
at sumama na ako kay Rika upang makikain, pagdating sa bahay nila ay nagulat ang nanay ni Rika
"Oh, El Nunal, napasyal ka dito?
"Ma! Makikikain daw si El Nunal dito
Sige lang, Irene, kumuha ka pa nga nang plato
ang sabi nang nanay ni Rika sa babaeng nakatalikod, pagharap nito ay natawa ako, kasi, halos iisa lang ang tabas nang mukha ni Rika at nang kapatid niya
"Rika, yan na ba si El Nunal? ang tanong nito sa kapatid
"Gwapo na noh? ang sabi bigla nito sa akin at natawa ako
"Hmm?! Saan banda?"ang sagot ko sa kanya
"Rika di ba, gumwapo ka nga tangek!
"Di ba ikaw yung... laging nambabatok sa akin dati nung bata pa kami
at nagulat ako nang bigla ulit ako nitong batukan
"Ayan! Namiss mo pala eh
at nagtawanan kami, si Irene kasi noon ang tagapagtanggol ni Rika, lalo na sa akin na noon ay dakilang mangaasar
"Saan ka ngayon?"
ang tanong sa akin nang nanay ni Rika habang kumakain kami
"Sa Call center po, sa Makati"
Wow spokening dollars na! ang sabi ni Irene
Ate, ang gulo mo pa nga hane?
"Bakit? Angal ka ba ha?
"Hoy tumigil nga kayong dalawang magkapatid, magsisimula na naman kayo ha
ang saway nang nanay ni Rika sa kanila
"Naku El Nunal, kung umasta tong dalawa kong babae, akala mo hinde pa mga dalaga"
"Ma, si Ate lang yun ha!" ang sabi ni Rika
"Pati kaya ikaw!" ang sabi ni Irene
"Di ba't sabi ko sa inyo eh bawal na ang mga Boypren niyo dito pag gabi? isang malakas na boses ang narinig ko mula sa likod ko, at naramdaman ko na hinwakan nito ang balikat ko, nakita ko ang lapad nang kamay niya, at paglingon ko sa likod, isang malaking matandang lalake ang nakatayo sa likod ko
"Kaninong bisita to?
bigla ako noon kinabahan, nakakatakot kasi ang boses at laki nang lalaki na yun
"Pa! Si El Nunal yan tangek
ang biglang sabi ni Rika at tinignan ako nang lalakeng iyon
Aba'y anak nang pusang gala! Ikaw nga El Nunal! Aba, di kita nakilala kung di ko nakita ang nunal mong malaki ah, walangya, tignan mo nga naman nagagawa nang matinong damit ano?! Kumusta ka na
"Ok lang po, sandali kayo po ba yan Kuya Berting?"
"Ako nga, hinde mo na ba ako kilala?
"Hinde ko na po kayo nakilala, may balbas po kasi kayo at bigote
"Ah ganoon ba, naligaw ka dito? Nililigawan mo ba si Rika?
"Papa may BF na yan anak mo sira sira ka
talaga ang sabi nang nanay ni Rika
"Ay sus! Kapapanget naman nung barabas na yun, laking lamang naman nito oh, may nunal pa
at nagtawanan kaming lahat sa sinabi noon ng Papa ni Rika, matapos naming kumain ay inaya muna ako ni Rika sa labas para magpahinga
"Pagpasensyahan mo na yung papa kong malakas mantrip ha, natakot ka ba?
Noong una, akala ko kasi kung sino, di ba may kuya ka?
"Kasama nang BF ko sa barko"
"Ahh... kaya pala wala dito
El Nunal, sabihin mo nga sa akin... may tatanong ako ha
"Ano yun?
"Hinalikan mo ba ko nung hinatid mo ko dito sa amin?
"Ha?
natawa ako tinanong ni Rika sa akin
"Hinde ah
"Ahh... salamat naman, kasi, parang naalala ko, may humalik daw sa akin eh, siguro tinamaan lang talaga ako sa ininum natin kina Rosette"
"Wala ka bang naalala noon?
"Saan?
Noong hinatid kita dito
Wala nga masyado eh, yung pakiramdam lang may humalik sa akin yun lang, eh mukha naman babading bading ka kaya malabong ikaw nga yun, o may nangyari nang ganun
hinila ko siya nang konti papalapit sa akin at binulong may binulong ako sa kanya, at bigla siyang ngumiti Seryoso?!ang sabi sa akin ni Rika at bigla siyang humalakhak
Oo nga, nagulat nga ako eh
Ginawa ko talaga yun? Shet, di ko maalala
"Nagulat nga din ako eh
"Wala ka naman pinagsabihan sa kanila no?
"Wala ah, wag kang magalala hinde ko naman ugaling ipagyabang o magkwento nang mga ganun eh
nagulat ako nang hinawakan ni Rika ang mukha ko at hinalikan ako, ilang segundo din na naglapat ang aming mga labi
"Yan, ito,maalala ko na ginawa ko to
hinde ako nakapagsalita at nakatingin lang sa kanya
"Sige na umalis ka na, may pasok ka pa di ba?
"Ay oo nga pala, sige...
EL Nunal... wag kang maingay ha"
"Rika, seryoso ka ba? ang tanong ko sa kanya
"Ewan, siguro
ang sabi niya sa akin habang nakangiti, at pumasok na siya nang bahay nila, ako naman ay naglakad na pauwi, napapailing na lang ako sa nangyari, hinde ko alam kung nantritrip ba si Rika o seryoso, kaya lang, batay sa sagot niya, parang nakikipaglaro lang siya sa akin, isang laro na alam ko na sa huli eh wala din naman akong mapapala, pero sinasakyan ko na lang, isa pa, hinde naman ako ang luge sa bagay na yun. Paguwi ko sa bahay ay naligo agad ako, pagkatapos ay nanunood muna nang TV, wala noon ang ate ko sa bahay, hinde ko namalayan na nakatulog na pala ako noon. May narinig na lamang akong isang malakas na tunog
~ Nokia Tune may tumatawag pala sa akin, mabuti na lamang at may tumawag at nagising ako, kasi naman, magaalas nwebe na noon, pagkakuha ko nang cellphone ko si Charice ang tumatawag
"Oh, Cha, napatawag ka bakit?
"Kita nga tayo"
"Saan?
"Alam mo ba yung El Pirata?
Saan yan?
Sa may Eastwood, hintayin kita ha?
"Sige sige, magbibihis na ako
Ingat ka sa biyahe ha?
Sige
at binaba na niya ang tawag, ako naman ay nagsimula nang magasikaso, mas ok na din na umalis ako nang maaga, gusto ko din kasi tignan kung makukuha ko na ang aking sahod. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na agad ako, sa jeep, habang nakasilip ako sa bintana ay nakita ko si Rika na may kasamang grupo nang mga lalake at babae na parang papunta sa bahay namin, mukhang susunduin pa ako nang mga yun, mabuti na lamang at nakaalis na ako, at ilang sandali pa ay nakatanggap ako nang text mula kay Rika
Huy, ang aga mo naman nawala sa inyo, sabi nang ate mo umalis ka na daw Tinawagan ako nang opisina eh, pinapapunta ako nang maaga Sayang, sige, ingat ka natuwa ako dahil hinde ako nahatak nang mga yun sa inuman, hinde kasi ako sigurado sa sarili ko kung makakatangi ako sa kanila sa oras na ayain nila ako na maginom, kaya naman mabuti na at nakaiwas ako noon sa kanila. Nakarating na din ako noon sa Eastwood, at hinahanap ko ang sinasabi ni Charice noon na El Pirata, nagtanong ako noon sa mga naglalakad na tao kung nasaan yung El Pirata at agad naman nila itong naituro sa akin,
at doon, nakita ko si Charice na nakaupo, nakatulala at meron hawak na isang bote nang San Mig Light, agad ko siyang nilapitan, sa lalim nang iniisip niya ay hinde niya ako namalayang lumapit, at nang pisilin ko ang ilong niya ay nagulat siya
"Oi! Nandito ka na pala Sabi mo kasi pumunta ako dito, bakit, anong meron? "Samahan mo ko maginom muna tayo Ha? Cha, teka, anong oras na ba? 10:30, maaga pa naman eh, isa pa, day off ko naman ngayon Ako meron pang pasok Ay, di mo ba day off ngayon?"
"Hinde pa, bukas pa day off ko lingo Ahh, sige kahit samahan mo na lang ako Ano bang problema? hinde siya nagsasalita, at ngumiti lang sa akin, napansin ko, nakaubos na pala siya nang isang bucket nang San Mig Light "Ok ka pa ba Cha? Ok pa ako, ano ka ba? Sige na, samahan mo naman ako uminom nagulat ako nang may ilagay pa na isang bucket ang waiter sa table namin
"Ayan oh, may alak pa, tara, sige na El Nunal wala na akong nagawa pa kung hinde makipaginuman noon kay Charice, mayamaya pa, habang umiinom kami ay may biglang nagsalita sa parang stage na maliit na nakapwesto sa harapan "Guys, good evening, hope you're enjoying your night here, and to make things more better, we have a special guest here tonight please welcome, Bamboo "Good evening guys, Magandang Gabi laking gulat ko nang makita ko si Bamboo, isa sa mga idol ko na singer, at bigla siyang kumanta at lahat nang tao doon, ay nagpalakpakan, at isa sa mga kanta na nagustuhan ko noon ay ang kinanta niyang kanta na paborito ko, Muli
~ katulad mo, Walang kasing-lakas ng tama mo.
Salamat sa iyo aking guro't gabay.
Dahil sa iyo, ang buhay ko'y nagka-saysay.
Sa malas kong ito, minsan sinwerte din ako.
Nang makilala ang taong tulad mo.
Pasensya na, sana maintindihan mo.
Gusto lang kitang makasamang... muli
Sa likod ng skwela, sa tindahan ni Nanang.
Daloy ng pag-ibig do'n kong unang natikman.
Sa 'daming alaala, sana tandaan ninyo.
Ang problema ng isa, problema ng grupo.
Pasensya na, sana maintindihan mo.
Gusto lang kitang makasamang... muli.
Para sa lahat ng minahal ko ng tunay.
Andito't lumisan, sa puso ko'y buhay pa rin kayo.
Buhay kayo, sa puso ko'y buhay pa rin kayo
at nang matapos ang kanta ay nagpalakpan ulit ang mga tao
"Alam mo din pala ang kanta na yun? ang sabi sa akin ni Charice
"Oo naman bakit? Paborito mo din ba? "Oo, kinanta ko yan sa hayop na lalake na yun dati eh hinde ako nagsalita matapos kong marinig iyon, naramdaman ko kasi na maglalabas na nang saloobin si Charice, ilang sandali pa ay nagsimula na siyang magkwento
"El Nunal, hinde ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin to, pinipilit ko siyang kalimutan, pero hinde ko talaga magawa, hinde pa din ako makahinde sa kanya, kahit sa mga magulang nya, ang tanga tanga ko talaga nilapitan ko siya noon at niyakap "
Ok lang yan Charice... ok lang yan
El Nunal, hinde ok... hinde ok eh, pati ikaw, damay sa problema ko, bakit ba kasi nakilala pa kita bakit, nahihirapan lang ako lalo"
nagulat ako sa sinabi ni Charice noon, pero hinde na muna ako nagsalita, hinayaan ko lang siya na umiyak, at nang tumahan siya ay muli na naman siyang uminom, halatang lasing na si Charice dahil kung ano ano nang ang kinukwento sa akin, at para siyang baliw na tawa nang tawa, tapos biglang mananahimik at tatawa na naman, at sa wakas ay naubos na din ang iniinom naming alak, sa totoo lang, halos ako lang ata ang umubos nang alak dahil binilisan ko talaga ang pagubos nang alak para makadami ako nang bote at hinde na makainom pa si Charice "Cha, tara na, hatid na kita
"Marunong ka ba magdrive? "Hi..hinde eh..Sige, ako magdridrive "Wag na Cha, magtaxi na lang tayo, baka kasi maaksidente pa tayo pag nagmaneho ka eh "Ok lang yun, gusto ko na din kasing mamatay, nahihirapan na ako, nasaskatan na ako masyado sa nangyayari, parang ayaw ko na nga eh, ayaw ko na, suko na ako... ako na ang pinakatangang tao sa mundo, as in, sobra "Wag ka naman magsalita nang ganyan Cha
nagulat ako nang bigla siyang matumba at napaluhod, nilapitan ko agad siya maging nang mga nakakita sa kanya "Ok lang ba siya?" ang tanong sa akin nang guard na lumapit, nagulat ako nang makita ko din doon si Sir Ryan na agad siyang inalalayang tumayo "Bakla, ano bang nangyayari sa iyo, nagpakalasing ka naman, kanina pa ba to umiinom? Ata Sir Ryan, nakakadalawang bucket na eh Sira ulo ka talagang babae ka
Oi, ang nagiisa kong kaibigan, buti at nakita mo ako... iiwanan mo na din ba ako tulad nang iba?
Hoy bakla, umayos ka, madaming tao dito oh, EL Nunal, kunin mo nga yung bag niya, at ihatid na natin to sa bahay nila at nang makuha ko na ang bag ay dinala ni Sir Ryan si Charice sa sasakyan niya at umalis na kami papunta sa bahay ni Charice
![](https://img.wattpad.com/cover/207077880-288-k775683.jpg)