Muli Part 22

992 10 0
                                    

Part 22

ilang sandali pa ay nakarating na din ako sa floor, agad akong lumapit noon kay Sir Ryan, at inasist niya agad ako sa mga gagawin ko, nakinig siya sa pagsagot ko sa tawag at tinuturuan ako nang tamang isasagot sa mga tanong at reklamo nang mga tumatawag na customers noon sa amin
"Nice job, you're a fast learner, so after the break, I'll be leaving you alone ok? Ate Alma, kindly guide our new member ok?
"OK ang sabi nito at nang sumapit na ang breaktime namin ay agad akong pumunta noon sa canteen, doon ay nakita ko si Eusha na kumakain magisa, at halatang malungkot noon
"Ok ka lang ba friend?"
ang tanong ko noon sa kanya
"Ok lang”
Para kasing may problema ka eh
"Wala to, El Nunal, wag mo muna ako pagkakausapin at wala talaga ako sa mood makipagkulitan, please?"
nagtaka ako at nagulat sa kinilos ni Eusha, para kasing iniiwasan niya ako noon, hinde pa tapos ang kinakain niya ay umalis na siya noon nang table at naglakad palayo, hinde ko siya pinigilan dahil baka mapasama lamang ang gagawin kong pagpigil sa kanya, mayamaya pa ay nagulat ako nang bigla na lang may yumakap sa akin, sa naramdaman ko sa aking likuran, alam ko na si Reynalee ito at hinde nga ako nagkamali nang marinig ko na siyang magsalita
"Hey baby, so, ano, ok lang ba?"
"Baka naman saktan ako nang Mom mo, I saw her get mad earlier, at nashock talaga ako, ok lang ba mukha mo?
"Well, earlier it's a bit stingy, here oh at tinuro niya”
ang pisngi niya noon na nasampal nang kanyang nanay, ang ginawa ko naman ay hinalikan ko ito
"Now, how does it feel?”
“Nakaasar ka”
ang sabi niya sa akin na halatang natuwa sa aking ginawa at humalik din siya sa aking pisngi, at tumabi na siya sa akin
"Is this yours?
ang tanong ni Reynalee sa akin, nakita niya kasi ang pagkaing hindi halos nabawasan ni Eusha
"No, kay Eusha yan
"Where is she?"
"She left na, malungkot nga eh, ang lalim ata nang iniisip niya
"Well, ganun din siya earlier, siguro she's so affected about what happened between her and her cousin
"I guess so... uhm Reynalee, can’t I come over to your house later afternoon?
"Why? Are you going somewhere?"
"Well, me and the lady you saw with me earlier, our supervisor will discuss something later, is that ok?
"Well, if you say so, what time will you come at my place?
"I guess two or three in the afternoon, is that ok?"
"Ok, I'll tell Mom that you'll come over later, be sure to come ok? at habang naguusap kami ni Reynalee ay nagulat ako nang may biglang umupo sa mesa namin, si Jessa
"Hey, can I join your company? ang tanong ni Jessa
"Ok lang"
"Sure"
ang sabi namin ni Jessa at kumain siya doon at nakipagkwentuhan sa amin, hanggang sa matapos na ang break namin, sabay sabay kaming pumasok noon nang elevator, sa loob ay nakayakap noon sa braso ko si Reynalee, sa kabilang side ko naman ay tahimik lamang na nakatayo si Jessa,hinde ko alam kung bakit pero ang bigat nang pakiramdam nang awra sa loob nang elevator noong mga sandaling iyon, at parang ang tagal nang pagtaas nang elevator noon, sa wakas ay bumukas din ang elevator at nagmadali kaming tatlo na lumabas.Sabay kami ni Jessa na pumunta sa station namin, iba kasi ang kwarto nakastation noon si Reynalee
"Kayo na ba nang morena na yun? ang tanong sa akin ni Jessa
"Siguro
"Ha? Bat siguro?
"Ang sabi niya BF na niya daw ako, sumakay na lang ako
"Ganun?"
"Yun ang sabi niya eh
"Pumayag ka naman ba?"
"Parang ganun na din...
"I see.. “
at naghiwalay na kami noon ni Jessa, nakita ko na parang hinde niya nagustuhan ang nalaman sinagot ko sa kanya. Ilang oras din ang lumipas at natapos na din ang shift namin, nakita ko si Jessa na palabas na noon kaya naman sinubukan ko siyang tawagin kaya lang ay hinde niya ako pinansin, inisip ko noon na hinde niya lang ako narinig noon kaya naman hinabol ko siya at hinawakan sa balikat
"Jessa sandali
"Bakit? Ano ba yun?”
ang mataray na sabi niya sa akin
"Kung wala kang sasabihin, aalis na ako “
hinde pa ako nakakapagsalita noon ay bigla akong tinawag ng isang agent
"EL Nunal, pinapapunta ka ni Mam Cha sa may office niya"
"Sige susunod na ako tinangal bigla ni Jessa ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat
"Sige na, pumunta ka na doon, baka mapagalitan ka pa
"Jessa galit ka ba sa akin?"
lumingon lang siya sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad, hinde ko na siya noon hinabol, halata naman kasi na galit siya sa akin, kaya naman pumunta na lamang ako sa opisina ni Charice, pagpasok ko ay nakita ko siya noon na nagaayos nang sarili
"Cha? May iuutos ka ba?
"Pakidala tong mga folders then pakidala na din yung bag ko"
kinuha ko ang bag niya at ang mga folders na nakalagay sa mesa niya at lumabas na kami nang opisina niya, pagdating namin sa elevator ay nakita ko doon sa loob si Eusha na pauwi na din, pumasok kami ni Charice sa loob, biglang kinausap ni Charice si Eusha
"So, how's your day Miss Eusha?
"Ok naman po Miss Charice"
"I see, hinde ka ba nahirapan sa mga calls?
"Miss Kaye assisted me on what to do and how to answer the call, di ko nga po inexpect na may marerecieve po agad ako na irate caller"
"Nasagot mo naman ang concern?
"Pinatransfer niya po yung call niya sa higher daw po sa akin, kaya po trinansfer ko"
"Did you asked the customer what are the concerns the he ba o she?
"She po"
"Did you asked her about her concern?
"Ayaw pong sabihin sa akin eh
"I see, sinubukan mo bang kunin?"
"Hinde na, kasi sabi nang katabi ko transfer ko na lang daw eh"
"Iha, mali yun, sino yung katabi mo na yun, mali yun, dapat kinuha mo muna ang concern, atleast 3 or 4 tries, if that customer still insist to talk to a supervisor, that's the time you should transfer the call
"Ok po, next time, po I won't do... it... agai.."
at bigla na lamang hinimatay si Eusha
Napansin ko na unti unting minulat ni Eusha ang mata niya
"Ok ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?"
"Wala naman... nasaan ako?"
"Sa Clinic nang kompany natin
"Ano bang nangyari?
"Nawalan ka bigla nang malay, anong nangyari sa iyo?
biglang dumating noon si Charice sa clinic kasama ang ang nurse na nagcheck kay Eusha
"Well wala naman siyang kahit anong sakit, kulang lang siya sa pahinga, iha nakatulog ka na ba?"
"Hindi pa po... nung pumasok ako dito hinde pa po ako nakakapagpahinga kahit idlip po hinde..."
"Ayun, kaya pala, next time, wag mong gagawin yun, kailangan din nang pahinga nang katawan nyo lalo na at ganito ang sked nang pasok niyo, magpahinga ka paguwi mo ok, inumin mo to, vitamins to at ferus sulfate, low blood ka din kasi eh”
tahimik lang na ininum ni Eusha ang gamot at ilang minuto pa ay pinalabas na siya nang clinic
"El Nunal, why won't you go with her, let's talk tommorow na lang ok?
ang sabi ni Charice
"Ok lang po ako Mam Charice"
ang sabi ni Eusha
"Iha, magpasama ka na, mamaya mahimatay ka naman, atleast your friend's with you di ba?
"Oo nga Eusha, samahan na kita"
hinde na sumagot noon si Eusha at umalis na kami, sinamahan ko siya hanggang sa makarating kami sa may sakayan papunta sa kanila sa may Jenny's
"Sige na El Nunal, kaya ko na
Samahan na kita
"Wag na
"Eusha, wag ka nang matigas ang ulo, sinabe nang sasamahan kita eh
"Di ba sabi kong kaya ko na?! ang pasigaw niyang sabi sa akin, pinagtinginan kami noon nang mga taong dumadaan
"Sorry... sorry... please... kaya ko na... kaya ko nang umuwi... sige na, umuwi ka na”
at naglakad si Eusha palayo, pero hinde ako pumayag at hinawakan ko ang kamay niya
"Ano ba EL Nunal..."
"Eusha, sasamahan na kita, tara na”
at pumara ako noon nang jeep at sinakay ko siya noon, hinde ko binitawan ang pagkakapit sa kanyang malalambot na kamay
"Bitawan mo na kamay ko... masakit na eh"
bigla ko itong binitawan at kinausap siya
"Ano ba kasi ang problema? Ito naman oh, parang hinde naman tayo magkaibigan nyan eh, sige na, ano ba yun? Alam kong hinde lang yun dahil sa nagaway kayo nang pinsan mo eh, ano ba talaga ang nangyari?
bigla na lamang niyang dinantay ang kanyang ulo sa aking balikat at doon ay umiyak siya, medyo nahiya ako dahil pinagtitinginan kami noon nang mga tao, siguro ang iniisip nila ay pinaiyak ko si Eusha kaya naman kinausap ko siya
"Eusha, wag ka nang umiyak, pinagtitinginan na tayo nang tao oh...”
bigla siyang tumigil sa pagiyak at biglang napangiti
"Ikaw kasi eh, pinaiyak mo ko eh"
ang sabi niya habang natatawa, kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa at pinunasan ang luha niya
"Wag ka na umiyak, tignan mo oh, ang panget mo na"
"Mas panget ka"
natawa ako noon at nagulat ako nang biglang pumara si Eusha at hinila niya ako pababa, at hinila niya ako sa may 7 11 at doon ay nagusap kami
"Ano ba kasi problema mo?
\
\ "Yun sa pinsan ko nga, naistress lang talaga ako nang sobra, ngayon lang kasi kami ulit nagaway nang ganito eh”
Ulit?”
"Oo, ang totoo kasi niyan, nagaway kami dahil sa ex niya na laging pumupunta ulit doon, tapos, nagpapauto na naman tong pinsan ko, sinaway ko siya tapos nagalit siya sa akin, ayun nagaway kami, naglayas siya, hinde ko alam kung nasaan siya, iniwanan niya kasi yung CP niya eh, kasalanan ko kasi eh, bakit ko pa kasi inaway yung luka luka na yun, pero di ba, tama naman na sabihan ko siya nang ganun kasi lolokohin lang ulit siya nang lalake na yun eh"
"Alam mo kasi Eusha, hinde naman maloloko ang isang tao kung hinde magpapaloko eh, hinde naman din masama yang ginagawa mo na pagpigil sa kanya, pero, baka naman kasi sumobra ka naman ata sa boundary
"Anong ibig mong sabihin?

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon