Muli Part 9

1K 14 0
                                    

Part 9

"Sige na, besides, tinulungan mo naman ako eh, a lot, so take that money, or else magagalit ako sa iyo"
"Malaki pa ang sukli mo doon ah, nasa Nine hundred pa iyon eh"
"So?"
"Cha, ano kasi .."
"El Nunal, sino bang supervisor sa atin?"
"I..ikaw .."
"So sino ang masusunod?"
"Kaya lang kasi..."
"Sino ang masusunod?"
"Ikaw..."
"So inuutusan kitang kunin mo yung sukli ko sa canteen at umuwi ka na, sige na" at naglakad na ako papunta sa canteen, at kinuha ang sukli tindera, hindi na si Nina ang inabutan ko doon, matandang babae na.
Nang makuha ang pera ay napapangiti na lamang ako, nalibre na ako sa pagkain at mamahaling kape, nagkapera pa ako bigla, sa totoo lang, kailangan ko talaga nang pera nang mga sandaling iyon, wala na kasi akong pamasahe noon at wala naman ako mautangan na sa mga kaibigan, halos lahat kasi nang nilapitan ko eh kung hinde sa susunod pang linggo ang pera eh nagamit na nila. Nang tinignan ko ang aking cellphone ay madami dami na din pala akong natanggap na mensahe galing sa ate ko, kay Eusha at sa iba kong kaibigan, karamihan ay group message, at ang meron lang kwenta ay ang sa ate ko at kay Eusha, inuna ko nang chineck ang mensahe nang ate ko at tulad nang dati, nabwiset lang ako kasi kung ano ano namang mga sinasabi nang ate ko at pinapauwe na ako, kaya naman mas binigyang pansin ko na lamang ang mensahe ni Eusha
Message 1
"Nakauwi ka na? Ako nakauwi na, buti na lang at may kasamahan akong malapit lang din dito umuuwi"
Message 2
"Oi, mamaya sama ka daw sa gimmick namin, gusto ka makilala ni birthday girl,sasama din si Jules sa atin"
Message 3
"Oi,El Nunal, mamansin ka naman, wala ka bang load? Pulube ka talaga"
"Message 4
"Oi meet tayo mamaya sa may canteen, 11pm start nang training namin, ikaw 2 pa naman diba? Punta ka nang maaga, kain tayo, libre kita"
napangiti ako sa mga mensahe ni Eusha, pero nang sasagutin ko na ang text niya sa akin eh wala na pala akong load noon, isa pa, low bat na din ako at tinamaan na din ako nang antok kaya nagdesisyon na lang ako umuwi nang makatulog, mabuti na lang at may nasakyan akong jeep na maluwag, maging sa MRT ay maluwag din, at ang masaya nang araw na iyon ay hinde ganoon kahaba ang pila nang tao sa sakayan nang FX at nasolo ko pa ang unahang upuan sa FX kasi hindi na nagpaupo pa ang driver sa inuupuan ko kaya naman payapa akong nakatulog.
Nagising ako at saktong nasa babaan na ako sa amin, paguwi ko, inabutan ko ang ate ko na nakaupo sa isang sulok, at tila umiyak na naman, hinde ko na siya kinausap noon, alam ko kasi na magkakaaway lang kami kaya naman minabute ko na lamang na humiga, naramdaman ko na lamang na kinakalabit ako nang ate ko
"Bunso, may pera ka na ba pamasahe? Nakautang ka ba?" hinugot ko ang dalawang daan sa aking bulsa at inabot ito sa kanya
"Kanino ka nakautang?"
"Kay Nom at lumabas na siya sa kwarto, nagtaka ako at hindi kami nagkasagutan o hindi manlang niya ako inaway, siguro, dahil nakapagbigay ako noon sa kanya nang pera, ganun naman talaga minsan, pagmeron kang naibigay na kapaki-pakinabang sa taong alam mong asar sa iyo eh hindi kanila aawayin, mas mabuti na din ang nangyari, isa pa, ayaw kong masira ang magandang araw ko na iyon.
"Alas nuwebe na pala" ang sabi ko sa sarili ko nang makita ko ang oras sa aking cellphone, meron ding mga mensahe ito galing kay Eusha
Message 1
"EL nunal, punta ka nang maaga ha?"
Message 2
"Huy, mamansin ka, wala ka bang load, napakapulube mo naman, basta hihintayin kita sa canteen ok?"
Bumangon na ako at naligo, tinignan ko kung meron pagkain sa mesa, pritong itlog at hotdog, napansin ko na wala doon ang ate ko at ang isa kong pamangkin na lalake, tanging ang pamangkin kong babae ang nakita ko doon
"Taba si Mommy mo?"
"Lumabas po Tito, kasama si Kuya"
"Saan daw pupunta?"
"Kay Papa Dok po"
"Ahh... anong oras pa umalis?"
"Kanina pa tito, tito, akin na lang yung hot dog"
"Kainin mo na lahat, hindi naman gutom si Tito eh, pakisabi na lang kay Mommy mo umalis na ako ha, lock mo na yung pinto, wag magpapasok nang kung sino sino ha?"
at umalis na ako at sumakay na nang jeep, at dahil gabi na ay madali akong nakarating sa sakayan nang MRT, at habang nakapila ako para bumili nang card para makasakay sa tren ay may biglang nagtakip nang mga mata ko, hindi ko kilala kung sino iyon, hindi ko alam ang amoy nang pabango niya, sinalat ko ang kamay nito pero hindi ko talaga siya makilala, nakumpirma ko na lamang kung sino siya nang magsalita na ang taong iyon.
"Sino ako? Je.."
at bago pa ako makapagsalita ay nagulat ako nang bigla na lang akong may maramdamang malambot na dumiin sa aking likuran at natumba ako
"Aray..." ang sabi nito habang nakagan sa akin, si Jessa nga, at nakadiin sa aking likuran ang kanyang mga boobs, naramdaman ko na tumayo na siya kaya naman tumayo na din ako
"Sorry, na out of balance ako sa takong ko eh" nang humarap ako sa kanya ay namnga ako sa nakita kong kagandahan niya nang gabing iyon, nakasuot siya nang blouse at skinny jeans, nakasuot din siya nang may heels na sandals at ang ganda nang pagkakatirintas nang buhok niya, maganda talaga siyang babae, kaya nga lang medyo may pagkalampa, napansin ko na may gasgas ang siko niya at medyo may alikabok ang damit at pantalon niya, tinulungan ko na siyang magpagpag nang sarili niya, simpleng tsansing na din kahit papano, siya din ay pinagpagan ako
"Sorry ha, hindi ko sadya, gusto lang naman kitang supresahin eh"
"Ok lang, pero teka, bat ka nandito?"
"Remember what I told you earlier, umaalis ako nang maaga sa bahay at naggagalagala muna ako sa mga mall pampalipas oras, may pagkaulyanin ka pala"
"Oo nga pala noh, pupunta ka na din ba nang work?"
"Oo, tinamad na ako gumala eh, and besides, meron na akong kakwentuhan, nakita kita eh, ikaw, ang aga mo ah?"
"Ah... kasi may pupuntahan din ako sa work eh, kaibigan ko"
"Pwede makijoin?"
"Ok lang, kaya lang may pagkalukaret yun ha"
"Ok lang, lukaret din naman ako eh"
"Halata nga"
at nang makabili na kami nang tiket ay sumakay na kami nang tren, sa loob nang tren ay magkatabi kaming nakaupo, habang nakaupo siya napansin ko na isa sa mga butones na suot ni Jessa ay natangal at tanaw na tanaw ko ang bulubundukin na nakatago sa loob nito, nalaman ko tuloy ang kulay nang bra na suot niya, pasimple akong sumusulyap sa siwang nang kanyang blouse, napansin ko bigla na hinde lang pala ako ang nakakakita nang tanawin na iyon, maging ang lalake sa gilid ko na nakatayo ay nakatingin din pala, kaya naman garapan kong sinabi kay Jessa
"Jessa, yung blouse mo, naloose yung isang butones oh"
"Ha?"
at nang makita niya iyon ay agad niya itong sinara, natawa ako nang napakamot bigla ang lalake at lumipat nang ibang pwesto, natatawa ako sa sarili ko, naisip ko bigla na ang damot ko pala, gusto ko, ako lang ang nakakakita nang ganun sa babae at pag may nakapansin nang iba ay sinasara ko ang tanawing ito.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa babaan at sumakay na kami nang jeep papunta sa trabaho, pagdating namin ni Jessa doon ay nakita ko si Charice na naglalakad palabas pero hindi sa direksyon namin, at tila umiiyak na naman siya, gusto ko sana siyang puntahan pero naalala ko na inaasahan nga pala ako ni Eusha na magkikita kami sa canteen, pagdating namin doon ay nakita ko nga si Eusha kasama ang kaibigan niyang may birthday kahapon, nagulat si Eusha na may kasama ako sa pagpunta doon
"Sino yan?" ang unang tanong ni Eusha sa akin at tinitigan ito ni Eusha mula ulo hanggan paa
"Langya ka talaga, ano bang meron yang nunal mong yan, at lagi kang nasasabit sa mga magagandang babaeng tulad nito, ate anong pangalan mo?"

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon