Part 28
Hinde pa, meron pa akong pupuntahan na meeting pagkatapos eh, pwede mo ba akong samahan?
nagisip ako noon kung anong irereply ko noon kay Charice, hinde ko alam kung sino ang sasamahan ko, ang kaibigan ko ba o ang babaeng mahal ko, si Eusha kasi ay may sakit at nagiisa lang, si Charice naman pagod na at may pupuntahan pang meeting, hinde muna ako noon nagreply, hanggang sa makarating na ako sa bahay ni Charice
"Tao po ang sigaw ko sa labas at agad naman lumapit sa akin ang yaya ni Bethina
"Kayo po ba yung sinasabi ni Ate Charice?
"Oo, eto oh, dahan dahan ha, baka mabasag, pakidala na lang daw sa school ni Bethina"
"Sige po, salamat"
matapos noon ay umalis na ako, at naghintay nang masasakyan, hinde ko alam kung ano ang sasakyan ko, ang papunta bang kumpanya namin o papunta kay Eusha, nakakita ako nang Lakatak Boy at bumili muna nang sigarilyo, at nang maubos ko na ang aking sigarilyo ay kinuha ko ang aking
cellphone sa aking bulsa at nagtext Tahimik akong makaupo, nakikinig sa kantang pinapatugtog noon sa radyo
~ I found God on the corner of 1st and Amistad
Where the West was all but won
All alone, smoking his last cigarette
I said, "Where you been?" He said, "Ask anything"
Where were you when everything was falling apart?
All my days were spent by the telephone that never rang
And all I needed was a call that never came
To the corner of 1st and Amistad
Lost and insecure, you found me, you found me
Lying on the floor surrounded, surrounded
Why'd you have to wait? Where were you? Where were you?
Just a little late, you found me, you found me
But in the end everyone ends up alone
Losing her, the only one who's ever known
Who I am, who I'm not and who I wanna be
No way to know how long she will be next to me
Lost and insecure, you found me, you found me
Lying on the floor surrounded, surrounded
Why'd you have to wait? Where were you? Where were you?
Just a little late, you found me, you found me
ang kanta nang The Fray, You Found Me pala iyon, gusto ko pa sanang tapusin ang kanta kaya lang ay dumating na ako sa babaan
"Malapit na ako, ok ka lang ba?
ang text ko noon, mayamaya pa ay may tumawag sa akin
"Hello, ano, kumusta ka na?"
"Ok lang... nasaan ka na?
"Malapit na ako, magpahinga ka na muna ha?"
"Sige, medyo nahihilo na nga ako eh
"Matulog ka na kaya muna
Hinatayin na kita
Sige, pero mahiga ka na lang muna diyan ok?
"Sige... ingat
at binaba na ni Eusha ang tawag, sabay may natanggap akong text galing kay Charice
SIge ok lang, kung meron kang gagawin, gawin mo muna, uuwi na lang muna ako pagkatapos nang last meeting na pupuntahan ko, ingat ka sa biyahe ha
ang text ni Charice, mabuti na lamang at hinde siya nagalit sa akin noon, pero pakiramdam ko ay nagtampo siya, kaya naman tinawagan ko siya
"Cha, hello?
"Oh? Bat ka tumawag
"Wala lang... gusto ko lang marinig ang boses mo
"Ano, nakarating ka na ba sa kaibigan mo?
"Hinde pa nga eh, pasensya na ha, magisa lang kasi siya sa bahay eh, mamaya kung mapaano pa yun
"Ok lang ano kaba, ang swerte niya nga at may kaibigan siyang tulad mo eh"
"Hinde ka ba nagtatampo?
"Ano ka ba? Para ka naman sira nyan, bat mo naman naisip na magtatampo ako sa iyo?"
"Kasi... hinde kita nasamahan, mas pinili ko siya na samahan"
"Alam mo El Nunal, matanda na ako para maginarte pa sa simpleng bagay tulad niyan no, besides, alam ko naman ang kalagayan niya eh
"Di ka talaga nagtatampo ha?"
"Hinde nga, sige na, at babalik na ako sa meeting, wag mo muna ako tawagan, mga hapon ka na tumawag ha?
"Sige... Cha... "Oh?
"Mahal mo ba ako?
"El Nunal sira ka talaga"
"Hinde nga, mahal mo ba ako?
"Oo na... ayan, sige na, bye
"Cha, Cha!
"Oh?"
"Love you!
at narinig ko siyang natawa sa sinabi ko
"Love you too, sige na ha, bye na, wag ka na muna tatawag ha?
"Sige, sige, good luck
"Sana nga,sige na bye napanatag na ang aking kalooban nang mga sandaling iyon, hinde nga siya nagalit, mabuti na lang at naintindihan niya na nagaalala talaga ako kay Eusha kaya mas minabuti ko na puntahan na lang siya kaysa sa samahan siya, naghanap ako nang bukas na botika at bumili nang gamot at pagkain para kay Eusha, at matapos noon ay sumakay na ako papunta sa bahay ni Eusha, pagdating ko doon ay inabutan ko siyang nakaupo sa may hagdan, nakasuot siya noon nang sandong puti at dilaw na maikling short
"Huy, bat nakaupo ka dyan?
"Hinihintay kita eh
tinabihan ko siya at sumanday na naman siya sa akin, napansin niya ang dala kong plastik bag
"Ano yan?
"Gamot at pagkain"
hinawakan ko ang noo niya, at tulad nga nang hinala ko, nilalagnat na nga siya
"May sinat ka na ah, humiga ka nang doon, tara, kaya mo bang tumayo nang maayos"
"Kaya ko naman"
at nang tatayo na siya ay bigla siyang nawala sa balanse at biglang natumba, mabuti na lamang at nasalo ko siya noon, hinde ko sadyang nahawakan noon ang isang suso niya, agad ko itong inalis "Sorry, hinde ko sadya "Ok lang... ako naman may kasalanan eh at naglakad na kami papasok at inalalayan ko siyang humiga
"Ano ba yang binili mo na pagkain?
"Crab and corn soup, lutuin ko lang ha at habang nagluluto ako, napansin ko na nakatingin sa akin si Eusha
"Bakit?
May ipapabili ka ba?"
"Wala"
"Bakit mo ko tinitignan?"
"Wala lang... iniisip ko lang kasi... katulad mo din kaya si Josh?
"Wooo Josh na naman!
ang biro ko sa kanya, at napangiti lang siya noon, at bumalik ako sa pagluluto
"Ano bang balak mo sa lalaki na yun?
"Di ko alam... mukha naman siyang mabait..
"Edi magpaligaw ka na kasi sa kanya
hinde siya sumagot noon, nagulat ako nang bigla na lamang akong yakapin ni Eusha, ang higpit noon nang yakap sa akin ni Eusha, nararamdaman ko na ang boobs niya na nadidiin sa aking likod, wala siyang sinasabi at nakayakap lang noon sa akin habang nakatalikod ako
"Eusha... bakit... anong problema?
Wag ka munang humarap, ganyan ka lang muna, hayaan mo muna akong yakapin ka... kahit ngayon lang, ako na muna ang yayakap sa iyo
ang sabi niya sa akin, ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya, pinatay ko na ang kalan noon dahil luto na ang sopas na ginawa ko para sa kanya
"Eusha, kain ka na muna"
"Subuan mo ko ha?
"Ano ka bata?"
"Sige na... please?
at lalo pa niyang diniinan ang yakap niya sa a akin
"Sige na sige na, para ka namang bata niyan
Bakit, mas matanda ka naman sa akin ah
"O siya sige na bunso, balik ka na sa may sofa at susubuan ka na ni Kuya
ang sabi ko sa kanya at bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin at bumalik sa sofa, at doon ay pinakain ko siya
"Para naman ang taas taas nang lagnat mo, kailangan talaga talaga may tagasubo? ang biro ko sa kanya
"Sige, minsan lang naman to eh
"Kaya nga oh, grabe, may cook ka na may tagasubo ka pa
ngumiti lang siya noon sa akin, at nang maubos na niya ang sopas na kinuha ko ay pinainom ko na siya nang gamot
"Ihh... ayaw ko nung ferus, ang sama nang lasa ang baho pa
Tiisin mo lang ikaw naman paano ka gagaling niyan?
Oh eto na oh, isusubo ko na sa iyo baka di mo pa kaya eh
at sinubo ko sa kanya ang gamot at ako pa ang nagpainom sa kanya
"Grabe, feel na feel mo talaga ang pagaalaga ko sa iyo ah
humiga siya pagkatapos
"El Nunal
"Oh?
"Tabihan mo nga ako
"Adik! Mamaya abutan pa ako nang tiyahin nyo na katabi kita, mararatrat ka na naman noon
Hinde yun darating, kasama ni Jules yun sa Aklan ngayon
"Kahit na"
"Sige na, please please
"Ano ka ba, wag ka nang makulet at magpahinga ka na
"Tabi ka muna sa akin
nakulitan na ako sa kanya noon kaya naman tinabihan ko na siya noon, hinila niya ang braso ko at doon siya humiga
"At ginawa pa talaga unan ang braso ko
"El Nunal... salamat ha... at inalagaan mo ako ngayon
"Ay sus nagdrama pa ang lukaret na to
"Seryoso, salamat..
"May sakit ka nga talaga
Bakit?"
"Kasi kung hinde naman masama ang pakiramdam mo, makikipagaway ka pa sa akin eh
hinawakan niya bigla noon ang aking pisngi, at sinalat niya ito papunta sa aking labi
"El Nunal..."
at dahan dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha Unti unti ay lumalapit ang mukha namin sa isa't isa, bawat segundong lumilipas ay ilang sentimetro ang nababawas sa agwat nang layo nang aming mukha, hinde ko alam kung ano ang binabalak noon ni Eusha, naramdaman ko na lamang na dumampi ang mainit niyang labi noon sa aking noo at matapos noon ay ngumiti siya
"Sana naman, alagaan ka din ni Mam Cha
natigilan ako sa sinabi ni Eusha
"Don't need to hide it... I saw the two of you, hugging each other, at nakita ko kung gaano ka kasaya
Ikaw lang ba ang nakakita?
"Oo wala na akong kasama noong iba, aayain sana kitang kumain noon, kaso, ayun nakita ko kayo ni Mam Cha na magkayakap, kaya hinde ko na kayo nilapitan...
"Wag mong ipagsasabi kahit kanino ang nakita mo ha
"Wag kang magalala, naman ako magsasalita eh, isa pa, malalam at malalaman din naman yan eh, kahit hinde ako magsalita
"Sabagay
"Nakakaingit si Mam Cha...
"Bakit naman?
"Ewan ko, naiingit ako sa kanya
"Toyo ka pa nga, alam mo itulog mo na lang panga yan
Papasok ka ba mamaya?
"Kung hinde ako lalagnatin nang sobra, baka pumasok ako, hinde ako nakapagpaalam eh
Wag ka na kaya pumasok, magpahinga ka na muna, kailangan mo lang naman med cert di ba pagpapasok ka na, katunayan lang na may sakit ka
"Pwede bang, dito ka muna hanggang gabi?
"Paano ako magbibihis?
"May mga polo pa dyan yung ex ni Jules, hiramin mo na lang muna
at yumakap siya sa akin at inilalim ang ulo niya sa may baba ko
"Sa akin ka muna, alam kong matagal mo na naman akong hinde mapapansin, kaya kahit ngayon lang, ako na muna ang alagaan mo
nagugulat ako sa sinasabi ni Eusha, hinde ko alam kung dala lang ba nang sinat niya yun, seryoso siya sa mga sinasabi nya
"Eusha..
"Hmm? Nagtatampo ka ba sa akin?"