Muli Part 2

1.4K 11 0
                                    

Part 2

"Mas maganda ka pala pag ngumingiti ka miss, wag ka nang umiyak, ngitian mo na lang yan, mas ok pa yun kesa umiyak ka, papanget daw ang tao kapag palaging umiiyak eh"
Tumayo siya at kumuha nang foundation sa dala niyang purse bag, matapos noon ay ngumit siya sa akin at naglakad na papunta sa hallway palabas nang waiting room, natuwa naman ako kasi kahit papano ay pinansin niya ako, ang inaasahan ko kasing eksena eh hindi niya kukunin ang panyo at iirapan ako, kasi mukha kasi siyang sosyal, parang high class kumbaga, karamihan kasi na nakilala kong babae noon na medyo may kaya o mayaman ay nangiirap at nangiisnub kapag hinde ka nila type o ayaw ka nilang kausapin. Hinahabol ko nang tanaw ang babaeng yun nang bigla na lamang akong gulatin ni Eusha.
"Huy!! Sinong tinitignan mo?"
"Wala... wala... tapos ka na?"
"Ay hinde kaya nga ako nandito eh, adik ka talaga minsan kung magtanong eh, eto oh"
at inabutan niya ako nang skyflakes, sakto dahil medyo tinamaan ako noon nang gutom, buti na lamang ay naubos ko na ang sky flakes dahil ilang sandali lang ay tinawag na kami nang isang lalake at pinapunta kami sa magkaibang kwarto upang interviewhin.
Pagpasok ko sa loob nang kwarto kung saan ako iinterviewhin ay sinalubong ako nang napakalamig na hangin, sobrang lamig sa loob nang kwarto, nakakadagdag nang kaba, hindi ko alam noon kung bakit pero bigla akong dinatnan nang kaba nang mga sandaling iyon, pero nang makapasok na ako nang tuluyan ay wala akong inabutan na tao, tanging lamesa na may mga papel sa ibabaw at dalawang upuan na magkaharap ang inabutan ko. Umupo muna ako sa may upuan dahil alam ko naman na doon ako pauupuin, ilang minuto din ako naghintay at shet nilalamig na ako pati ang balls ko, kaya naman tumatayo tayo ako para hindi ako lamigin nang todo, at sa wakas dumating din ang hinihintay ko, pero, mas lalo akong kinabahan nang makita ko kung sino ang magiinterview sa akin.
"Hello, kanina ka pa ba dito? Why is your face like that? Seen any ghost?"
ang tanong niya sa akin at naglakad siya patungo sa bakanteng upuan, at sinimulan niya akong tanungin, pero bigla siyang napangiti nang napansin niya na ganun pa din ang tingin ko at itsura din siguro nang aking mukha.
"Why with a funny look? By the way, I'm Charice your interviewer, thanks earlier anyway let's start the interview so first..."
tapos ay biglang naging seryoso ang mukha niya, pero talagang hindi pa din ako makapaniwala, ang babaeng kinausap ko lang kanina ay ang tao palang magiinterview sa akin.
Nagsimula siyang magtanong sa akin kung ano ba ang dahilan kung bakit ako nag-apply sa kanilang kumpanya, magkano ang inaasahan kong sahod at kung kelan ako pwede magsimula, mas madali sa inaasahan ko, tila mas nahirapan pa ako noong nasa unang parte pa lamang ako nang aking pagaaplay sa kanilang kumpanya, ang dami dami kasing tinatanong noon sa akin, matapos noon ay
may kung ano siyang sinulat sa isang papel, ang aking resume, matapos noon ay lumabas siya sandali, at pagpasok niya ay may dala siyang papel na merong picture at tinanong niya sa akin.
"Can you describe, or make up a story by just looking at this picture, try making a story based on what you observe on it"
ang nasa larawan kasi ay isang matandang lalakeng may dalang isang maliit na maleta at tilanakayuko at may kinukuhang mansanas na may kagat sa isang daan at merong bahay na luma at sira sira, at meron din isang papel na lumilipad sa kawalan malapit sa kamay nang lalake kaya naman sinumulan kong gumawa nang kwento base sa aking nakita.
"There was once a man who lived in a small town of Shikaka Valley ( yung shikaka ay ginamit kong valley dahil ito ang nalala ko biglang salita, napanuod ko kasi ito sa Ace Ventura When Nature Calls) who decides to leave to have some fun and adventure, he's a man full of dreams and desire to discover the world beyond, he left even someone is stopping him, his friend, a girl who is in love with him for so long, but she knew that there's no way she can stop him so instead she supported him and the man promised that after his journey is over, she will be the first to know and hear all the things he have done once his journey is over. After so many years, the man finally returned on his home, and he was expecting the girl he promised to be the first to greet him but, she was nowhere to be find, and the man asked the town folks about her and he found out that she was already dead, he was shocked and devastated, if he only knew that she won't be there anymore to listen to his stories, adventures. He went to her house and he knew it was abandoned, judging by the way it looks, he then explore the house and finds a letter and a perfectly preserved apple he finds kept safe in a clear glass jar, he went out to read the letter but a strong wind suddenly starts to blow the letter was blown away, upon chasing he lost his grip to the preserved apple, he had to choose whether he chase the letter or catch the apple.
End."
At doon ko na tinapos ang aking kwento at natawa ako sa nakita kong reaksyon niya, parang natuwang naantig na nabitin, sinabi niya sa akin ang ibang pagkakamali ko pero minor errors lang naman daw at matapos niyang ibigay sa akin ang puna niya ay tinanong niya ako.
"So, what do you think the man did? Did he catch the preserved apple or chased the letter?"
isang trick question, kaya naman sinagot ko siyang muli.
"Well I guess if it was me, I rather catch the apple."
"Why is that? Why not choose the letter?"
"Well, for me, I rather keep this apple because preserving an apple in a long period of time takes a lot of effort, maybe she was always checking it up every now and then, till the her last breath, she assured that the apple will be in perfect condition so that the man she was waiting for can find it and keep it, and besides, he can chase the letter later, right?"
At nang sabihin ko yun ay bigla siyang natawa, nagulat naman ako sa naging reaksyon niya, iniisip ko noon kung meron ba akong nasabing maling words o mali ang construction nang sentence ko kaya siya natawa, bigla niyang inabot sa akin ang aking kamay.
"Congratulations, you pass the final interview, please wait outside, or rather go to the waiting area for a while, just wait for futher instructions",
at nakangiti siya habang sinasabi ito at agad akong nahumaling sa ngiti niya, ang ganda at parang may kung anong mahika ito at parang nahipnotize ako nang mga sandaling iyon.
"Mr.Elnunal... excuse me... my hand?"
ang sabi niya, hindi ko napansin na hawak ko pa din pala ang malalambot niyang kamay, halatang alagang alaga nang lotion, pero mas maganda pa nito, ay natanggap ako at lumabas akong nakangiti at masaya, masaya ang araw ko noon, bukod sa nakilala ko ang babaeng kausap ko kanina ay pumasa pa ako sa huling bahagi, kaya naman hinde mawala ang ngiti sa mga labi ko noon, tapos bigla kong naisip ..
"Kumusta naman kaya si Eusha... Ano kayang nangyari? Pumasa din kaya siya?"
Yan ang tanong ko sa sarili ko, may katagalan din akong naghintay noon, sa aking tantya ay halos 30 minuto akong naghihintay, hanggang sa makita ko siyang naglalakad sa may hallway papunta sa inuupuan ko, napansin ko na malungkot siya, at hinde maipinta ang mukha. Siguro ay bumagsak siya kaya ganun na lamang ang kanyang reaksyon,tahimik siyang lumapit sa akin at tumabi.
"Anong nangyari?"
ang tanong ko sa kanya na may pabirong tono nang boses pero hinde siya nagsasalita, nagulat ako nang idantay niya ang ulo niya sa aking balikat.
"Ayos lang yan Eusha... ano bang nangyari?"
"Bakit ganun... nakakaasar naman..."
ang sabi niya at tila humihikbihikbi, mayamaya pa ay may nilabas siya sa bulsa niya, isang maliit na papel.
"Ano to?"
"Tignan mo..."
ang sabi niya sa akin at dahan dahan ko itong binuksan, at nang mabasa ko ito ay bigla akong napangiti
"~ Congratulations! You pass the interview, kindly report to Mr.Garcia for further instruction."
"Adik ka!"
ang sabi ko sa kanya at bigla ko siyang binatukan at natawa siya.
"Ahahaha! Naniwala ka ba?"
"Oo naman, kasi alam ko bobo ka eh kaya inaasahan ko nang di ka papasa."
"Ganun? Eh mas bobo ka kaya sa akin, kaya nga ako nalungkot eh parang hinde ka pumasa, kasi dapat magyayabang ka na sa akin eh!"
"Eh tanga ka pala eh! Paano ako magyayabang eh nakita kitang parang binagsakan nang langit at lupa, paano kita aasarin nyan, sige nga? Hindi naman ako kasing sama nang iniisip mo noh!" .facebook . com/xtorya
Napansin ko bigla na pinagtitinginan na kami nang mga tao, kaya naman medyo nahiya ako, maging si Eusha pala ay napansin din yun, natawa kami ,iniisip siguro nang mga tao na nagaaway kami,tumawa kami pero hindi na namin nilakasan ang hagikgikan namin, at pabulong na nagsisihan.
"Ikaw kasi eh... ang ingay mo."
"Ikaw kaya... pero bat ganun, ako walang nakuhang ganyang papel?"
"Aba ewan ko sa iyo, baka naman bagsak ka"
"Kinamayan na nga ako nang naginterview sa akin eh, binati na nga ako, anong hinde pasa"
"Eh bat wala kang ganito?"
at habang naguusap kami ni Eusha ay tinawag siya nang isang lalake at naiwan na naman akong magisa, bigla tuloy ako napaisip, bakit wala akong papel na tulad kay Eusha at hinde pa ako tinatawag samantalang mas matagal na akong naghihintay kay Eusha, medyo napaisip ako at nagutom, kaya naman pumunta muna ako nang canteen at kumain, pagbalik ko doon ay nakita ko si Charice na nakatayo sa may hall way at parang may hinahanap, kaya naman nagmadali akong lumapit sa kanya.
"Where have you been?"
ang tanong niya sa akin na medyo may kasungitan ang boses.
"Sorry, I just ate, I haven't eaten lunch earlier"
"Oh well, come with me, is this Eusha girl your friend or something else?"
"No Mam, she's just a friend"
"I see, she's quite amusing, same as you, she was talking now to Mr.Garcia, and you will be talking to Mr.Ryan"
at matapos ang medyo mahabang lakaran ay nakarating na din kami sa work floor, nakita ko doon si Eusha na kinakausap nang isang lalakeng matangkad at medyo may katabaan, yun siguro si Mr. Garcia at tila aliw na aliw siyang kausapin si Eusha, ako naman ay hinarap sa isang lalakeng maputi, halos konti lamang ang tangkad sa akin, kimpy ang buhok.
"Mr.Ryan kindly give this guy a tour." .facebook . com/xtorya
"Is this the one you spoke about on the phone earlier?"
"Yes... he's the one, ok then, I'll leave you boys alone, I'll be doing some interviews again"
at umalis na si Charice, at hinahabol ko siya nang tingin at bigla akong tinapik nang Mr.Ryan na yun at medyo natawa ako sa sinabi niya.
"Naku, wag kang papaloko sa matandang yun! Ahahaha so anyway, I'm Mr.Ryan, if you pass the training, I will be your team leader, madali lang naman pumasa sa training since inbound tayo, alam mo naman yung inbound diba?"
"Yes sir."
"Remove the sir, enough with the formality, from now on just call me Ryan ok? So you can feel comfortable and at ease when talking to me, parang buddy buddy lang diba?"
"Opo, sir, ay Ryan pala"
"Sanayin mo lang na yan ang tawag mo sa akin, anyway, let's just jump to the point, I guess you already know what are the basics in using our soft and hard phone right? Eto na lang tandaan mo, yung mga auxes, ok? Tapos, wala naman kami problema sa mga isusuot nyong damit dito, as long as na proper, when I say proper, wag naman yung sobrang exposure, yung kulang na lang ibalandra mo ang buo mong katawan nang nakahubad, maayos na damit as in yung magandang tignan sa mata, I guess naman, hinde ka naman magsusuot nang mga ganun, by the way, straight or not?"
"What do you mean by straight or not?"
"Lalake ka ba o bakla?"
"Ay lalake po."
"I see, karamihan kasi nang mga pumapasok dito kung hindi bading eh, bading talaga, wala ka naman problema sa mga ganun di ba?"
"Wala ,ser, ay Ryan, wala naman"
"I see, so anyway, your training will be this coming Saturday, madaling araw ha, 2:00am ang start nang training nyo hanggang 10:00am ok, meron kayong training allowance na makukuha, ipapaliwanag naman lahat yan sa training nyo, ok, o siya, sige, you can go home now."

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon