Part 7
"Ay ganun, kailangan pala talaga makinig ako nang mabuti sa mga turo ni Mam Charice"
"Basta, isulat mo lang yung mga importanteng sinasabi ni Mam Charice"
"Maiba tayo, tagasan ka ba?"
"Rizal, Binangonan, ikaw?"
"Sa may Cubao lang, malayo ba yung Binangonan dito?
"Medyo, tatlong sakay mula dito, ikaw?"
"Dalawa, pero pwede naman akong maglakad pagbaba ko sa jeep, kaya lang delikado kasi sa lugar namin paggabi, alam mo naman sa Cubao, madaming snatcher at holdaper, kahapon nga lang, meron naagawan nang bag sa amin, umagang umaga yun ha"
"Garbe na kasi ang mga kriminal ngayon, wala nang takot, masyado nang halang mga bituka, wala na kasing death sentence sa atin eh, kaya hinde na natatakot ang mga yun na gumawa nang kung ano anong kalokohan"
"Si Mommy nga, parang ayaw ako payagan noon una na pumasok sa ganitong work, kasi, madaling araw ang pasok, delikado masyado, kaya maaga akong umaalis sa amin at maaga akong dumadating dito, nagpapalipas na lang ako nang oras sa mall, naggagala, tapos bumabalik ako dito"
"Teka, hinde ka ba inaantok, anong oras ka natutulog?"
"Pagdating mismo sa bahay, natutulog agad ako, tapos ayun, nagpapagising na lang ako pag-aalis na ako, kaya nga minsan, hinde na ako nakakakain sa bahay eh, pero ok lang, kasi, dito naman ako kumakain"
"Pero ok lang sa iyo na paulit ulit lang ang kinakain mo?"
"Ok lang naman, di naman ako nagsasawa sa kinakain ko, isa pa, more on liquid naman ako eh, either ice tea, juice o tubig, di naman kasi ako ganon kalakas kumain eh"
"Halata nga, ang sexy mo eh"
"Weh? Di nga?"
"Kahit sino naman tanungin mo dito, yun ang sasabihin sa iyo, tapos, maganda ka pa"
"Weh? Nambobola ka na eh"
"Di ko ugaling mambola nang tao, kung anong nakikita ko, yun ang sinasabi ko, kung sabihin ko na panget ka, panget ka talaga, kung mataba ka, mataba ka talaga, may pagkaprangka ako minsan eh, at may pagkamanlalait din, pero, hindi naman ako basta basta nanlalait, sinasabi ko lang ang nasa isip ko pag talagang kailangan na"
"Ako, hindi ko ata kaya yun, pero, may pagkamanlalait din ako kung minsan, pero yung kinakaasaran ko lang naman ang nilalait ko, pagbati tayo, hinde kita lalaitin, make sense naman di ba?"
"Ahahaha, tutal, atleast ikaw, may karapatan manlait, di tulad ko, wala, pero, ang sa akin lang eh nagsasabi lang ako nang honest opinion"
"Hahaha ganun?"
at habang naguusap kami ay biglang dumating si Charice nang training room, kaya lang, nakakapagtaka kasi hinde katulad kanina na masaya at maganda ang mood ay bigla na lang isang malungkot na Charice ang aming nakita, at halatang umiyak siya dahil bukod sa namumugto ang kanyang mga mata ay namumula din ang kanyang ilong.
Hindi siya nagsasalita nang mga sandaling iyon pero may pinaabot siyang mga papel, nakaprint dito ang mga impormasyon tungkol sa produktong hahawakan namin, nanatili siyang tahimik nang ilang minuto, mayamaya pa
"Guys, you can go now, don't be late tomorrow ok? Get ready for a quiz as well"
at lumabas na kaming lahat sa training room, ngunit nang palabas na ako ay tinawag ako ni Charice
"EL Nunal... Yes, Mam Cha?"
"Help me bring these papers to my office please"
ang sabi niya habang tinuturo ang madaming papel at folders na magkakapatong sa may gilid kung saan siya nakaupo. Medyo may karamihan ang pinadala niya sa akin, pero hinde naman ganun kabigatan, nang makarating kami sa kanyang opisina ay napansin ko agad ang napakadaming alak na nakadisplay sa isang kabinet sa may gilid nang mesa niya
"Put it there under my table, then, wait me in the canteen, if you want, you can order some food or anything you want, just tell them to put it on my tab"
nilagay ko ang dala ko kung saan niya pinapalagay ito, sa may mesa ay napansin ko ang isang picture nang isang batang babae na halos kamukha ni Charice, parang batang siya nga kung iisipin, mula sa mata ilong, bibig, hugis nang mukha, kulay nang balat at ngiti ay kaparehas na kaparehas ni Charice, kaya naman hinde ko naiwasang itanong sa kanya
"Mam Cha, kapatid mo ba to? Kamukang kamuka mo eh, parang pinabatang ikaw"
tuminging siya sa akin at ngumiti, kinuha niya ang picture frame at hinawakan ito, nagulat ako nang bigla na lamang niyang sabihin na ..
"She's my daughter"
hindi ako makapaniwala, sa itsura niyang iyon, nanay na siya, kung titignan mo talaga siya, mula ulo hanggang paa ay hinde mo aakalain na isa na pala siyang nanay, nakita niya ang aking reaksyon at napangiti
"Bakit? You don't believe that she's my daughter?"
"Anak mo talaga yan Mam Cha? Grabe... hinde halata sa inyo"
"Grabe ka naman sa pambobola"
"Mam Cha, walang biro, hindi talaga halata na you already have a husband and a child"
"Correction, wala akong asawa, single mom ako"
isa na namang bagay na mahirap paniwalaan, pero, medyo kumbinsido ako dahil wala nga akong nakitang kahit anong wedding ring sa palasingsingan niya, pumasok bigla sa isip ko, maaga palang lumandi si Charice at bigla akong natawa nang sabihin niya mismo na ..
"Siguro, iniisip mo maaga akong lumandi no?"
hinde ako nakasagot noon at kipit na tawa lang ang tangi kong naitugon sa tanong niya at bigla siyang natawa
"Sige na, just wait me there ok? May ipapasa lang akong mga files then, we can go now, El Nunal, ok lang talaga ha?"
tumango lang ako at nagtungo na sa canteen.
Medyo inabutan na ako nang gutom noon, kaya naman naisipan kong bumili kahit manlang biscuit dahil wala na akong pera noon, sapat na lang pamasahe pauwi, mabuti na lang at naalala ko na sinabi ni Charice na icharge na lang sa kanya ang makukuha kong pagkain, kaya naman, bumili na ako nang pagkain, at nang sinabi ko sa tindera doon na si Charice ang magbabayad nang kinuha ko ay parang ayaw pang maniwala, tila may tinext pa siya tapos tska niya inabot sa akin yung kinuha ko, napansin ko na hanggang sa makalayo ako ay sinusundan ako nang tingin nang tindera, hindi ko alam kung bakit kaya naman na pakibit balikat na lamang ako at naghanap nang mauupuan.
"Hey El Nunal, join me"
isang boses ang narinig ko sa aking gilid at nakita ko si Sir Ryan na kumakain magisa, at dahil inaya niya ako ay umupo na ako tabi niya.
"So, how's the training?" ang tanong niya sa akin
"Well, ok naman po Sir Ryan"
"Well, have you forgoten what I told you last time?"
"Ano yun sir?"
"Yan, yang kaka - Sir mo at kaka - po sa akin, enough with the formality, call me Ryan or Mr.Ryan, pero I prefer Ryan na lang, para walang ilangan di ba? Isipin mo na lang parang buddy buddy tayo, pero, siyempre, keep in mind that I'm still your superior and you must obey and follow what I am saying ok? Husyan mo sa exam ha, I'm expecting you to be part of my team, so kumusta naman si Cha?"
"Ayun,po, ay... ayun,kanina parang umiyak"
"Ha? What do you mean na parang umiyak?"
"Kasi... pagdating niya sa training room namin eh, namumula yung ilong at mata niya"
"Oh, I see"
"Ryan, pwede magtanong?"
"Anything? Wag lang utang ok?"
"Hindi, hindi... may anak na ba talaga si Mam Cha?"
"Yes, nakita mo ba sa office niya?"
"Opo.. ilang taon na ba po siya?"
"Sa tingin mo, ilang taon na siya?"
"Siguro, mga, 21 or 23, tama ba?"
"Hay naku El Nunal, pagnarinig yan ni Charice, matutuwa na naman yung lukaret na yun, and speaking of the devil"
nakita ko si Charice na papunta na sa inuupuan namin at nakangiti.
"Hoy bru, may sinasabi tong isang to oh"
umupo siya sa tabi ko at tinignan ako bigla na nakataas ang kilay.
"At ano naman yun?"
"May tinatanong siya" ang sabi ni Sir Ryan habang nakangisi.
"Yes, El Nunal, ano yung gusto mong itanong?"
"Mam Cha, wala po... wala po"
"Sige na El Nunal, sabihin mo na" at tinanong ni Charice si Sir Ryan
"Ano ba yun bru?"
"Tinanong niya kasi sa akin kung ilang taon ka na daw, alam mo ba ang sinabi niya?" bigla niya akong kinalabit
"Ilang taon na ba ako sa tingin mo?" ang tanong ni Charice sa akin habang nakapangalumbaba
"Ano po.. 21 or 23"
"I love you na!"
ang sabi ni Charice at nagulat ako dahil parang tuwang tuwa siya sa sinabi ko, bigla naman siyang sinabunutan nang pabiro ni Sir Ryan
"Natuwa ka naman bakla! Ang dami mo nang naloloko sa itsura mo"
"Ganun talaga pag maganda, isa pa, siya na mismo ang nagsabi niyan"
"Hay nako, meron pa akong nalaman" at sinabunutan ulit siya ni Sir Ryan
"Aray ha! Masakit na yun, ano ba yun?"
"Umiiyak ka naman daw sabi nito, nakita ka nilang namamaga pa ang mata, nakakahiya ka bru ha, sabi ko naman sa iyo, kalimutan mo na yang lalakeng yan at wala kang mahihita doon, isa pa, hayaan mo na siya doon, ang liit naman nang ano noon eh, masyado kang inlove sa gago na yun"
"Huy, wag ka naman maingay, ito naman, eh ano bang magagawa ko, alam mo naman kung gaano ko yun kamahal eh, tska hinde maliit yung ano nya ha"
"Hitad ka talagang bakla ka, ewan ko sa iyo ha, sinasabi ko lang, baka naman mag-iiyak ka na naman, ay ewan, ilang beses ka nang ginagago noong lalake na yun eh, pakawalan mo na, ang ganda ganda mo teh, masakit man aminin, pangalawa ka sa ganda ko"
"Ganun? Kasi naman, ayan oh, naiiyak na naman ako"
"Ay ewan ko sa iyo, bahala ka, sige na, babalik na ako sa floor, baka masita na naman ako ni Miriam Santiago, Cha, ingat ka kay Mr.Sy ha, alam mo naman na grabe kung makahipo sa iyo iyon, wagas na wagas"
"Kaya nga nagpapasama ako dito eh"
"You mean isasama mo yan sa lakad mo, huy Cha, baka kung ano na naman ang isipin nung mga kumag na yun sa floor ha"
"Hayaan mo sila, di naman sila makakasagot sa akin pagkinompronta ko na eh"
"Ikaw na! Sige na"
at nang umalis na si Sir Ryan ay inaya na din ako ni Charice na umalis, dumaan muna kami sa may tindera, inabutan niya ito nang isang libo, eh ang nakuha ko lang naman ay wala pang singkwenta pesos, nagulat ako nang sinabi sa akin ni Charice
"El Nunal, balikan mo na lang yung sukli ko here ok? Nina, he will get the change later ok?
"Yes Mam Cha"
at nagtataka talaga na iba ang tingin sa akin nang tindera na iyon, si Nina, parang hindi siya makapaniwala na kasama ako ni Charice, maging ang ibang emplayado na nasasalubong namin, nagtataka ako, matapos siyang batiin ay tinitignan ako, maging ang janitor ay grabe siya kung batiin, parang akala mo eh supervisor siya, paglabas namin nang building ay pinasunod niya ako sa may parking lot, ang daming nakaparadang sasakyan, at lahat eh magaganda, at malamang ay isa sa mga sasakyan na nakaparada doon ay pagaari ni Charice, may nilabas siyang maliit na itim na bagay sa purse niya, at nang parang pinindot niya ito ay may narinig akong tunog, at pinuntahan namin ang nakaparadang honda civic
"Dito ka na sa may tabi ko umupo ha"
"Sige po Mam Cha"
"El Nunal, for the last time, don't call me Mam Cha and remove the Po's everytime na kakausapin mo ko ok? Cha, yun lang ok?"
"Sige, susubukan ko... Cha" bigla siyang napangiti at natawa sa akin
"Ganun ba talaga kahirap yung pinapagawa ko, think of me na lang kasi as a friend, para hindi ka na mailang, isa pa, magiging family din naman tayo sa work eh, at gusto ko yung walang ilangan, kaya ngayon pa lang, sinasabi ko sa iyo, talk to me like a normal employee ok?"
"Sige... sige... susubukan ko." at nagsimula na siyang magdrive, habang nasa biyahe kami, hindi ko maiwasan na tumingin sa kanya, sino ba naman hinde mapapatingin sa ganda niya, at mas maganda pala siya nang malapitan, ang tanging problema lang talaga sa kanya eh hindi ganoon kalakihan ang kanyang hinaharap, pero, meron kahit papano, hinde mo naman masasabing flat chested siya, normal sized boobs, yun ang meron siya. Nagulat ako nang hindi ko napansing nakatingin na pala siya sa akin
"Why are you spacing out El Nunal?"
"Wa..wala... wala..."
"Napansin ko kasi, parang kanina ka pa nakatulala eh"
hinde ko lang talaga masabi sa kanya na natutulala talaga ako dahil ang ganda niyang pagmasdan, ilang minuto pa ang lumipas, medyo natrapik na kami noon, rush hour na kasi noon, tila alasais na ata yun o ala syete, habang pinagamasdan ko siya, makikita mo talaga sa mata nang tao kung masaya siya o malungkot, at pansin na pansin ko na ang mata niya punong puno nang kalungkutan at pilit lamang niya itong tinatago sa kanyang mga ngiti. At habang pinagmamasdan ko na naman siya, bigla na naman siyang lumingon sa akin, at bigla niya akong tinanong ..
"El Nunal, gusto mo ba?"
"Cha.. sigurado ka na ba?"
"Oo naman, isa pa, ako naman ang nagaya dito eh, just enjoy yourself"
"Pwede na ko na bang tanggalin Cha, medyo nangangalay na ako eh"
"Ano ka ba, parang hindi ka naman lalake nyan, patunayan mo sa akin na lalake ka, sige pa, konti na lang"
"Cha, ok lang ba, ilalabas ko na?"
"Wag na muna "
"Di ko na talaga kaya, ilalabas kona ha?"
"Sige na nga, ilabas mo na, bilis"
at naglakad na ako palabas nang Mcdo at sa labas ko dinala ang dala dala kong tray na may lamang pagkain, at inumin, nangangalay na kasi noon, pinapatanggal ko na yung binabalanse ko na isang baso pero pinagtritripan pa ako ni Charice noon, wala pa naman kaming makitang bakanteng upuan noon sa loob kaya naman sa labas na kami pumwesto
"Nakakatawa ka naman, ang hina naman nang mga braso mo, ang daling mangalay"
"May binabalanse kasi akong baso, kaya medyo nahihirapan ako sa pagbubuhat"
"Sus! mga rason mo, mahina ka lang talaga"
at muli ko na naman siyang nakitang nakangiti, pero pansin talaga na malungkot siya at pilit lamang niya na pinapasaya ang sarili niya