Muli Part 10

1.1K 20 0
                                    

Part 10

Jessa nga pala, ikaw ba yung friend ni El Nunal?"
"Yes, ikaw ba ang bagong girlfriend ni El Nunal?"
"Ay hindi, kaibigan lang niya ako, kasama niya ako sa training"
"Ahh... ganun ba? Akala ko kasi... Hoy Reynalee, narinig mo ha, sabi sa iyo eh, hindi niya to girlfriend eh"
"Hindi naman yan yung babaeng sinasabi kong kasama niya eh"
"Ha?" ang sabi ni Eusha at tumingin sa akin.
"Sino yun?"
"Ahh.. sino ba?"
"Yung kulay mais ang buhok, tapos maliit, tapos maputi" tinignan din ako ni Jessa at tinapik ako sa balikat
"Si Mam Charice ba ang sinasabi nilang kasama mo?"
"Ahh... oo kanina kasi nagpasama sa akin si Mam Charice, may pinadala lang sa akin"
"Sa Starbucks? May pinadala?" ang sabi ni Eusha habang nakangisi at kinakalabit kalabit ako sa tagiliran
"Oo nga, kasi sinama lang ako ni Mam Charice dun sa kinuhaan namin nang gamit"
"Weh?"
ang sabi nilang tatlo at nagtawanan sila, hindi ako nakapagsalita noon at natawa na lang din, mayamaya ay biglang yumakap sa braso ko si Eusha, at muli, naramdaman ko ang dibdib niyang dumidiin sa dito, napansin ko din ang cute na suot ni Eusha noon, turtle neck na may suot na blazzer at nakasuot siya nang over knee na maong na palda, at cute na sandals, body fit ang suot niyang sweater noon kaya naman angat na angat at pansin na pansin ang kanyang dibdib
"Oi El Nunal si Reynalee nga pala, bagong friendship ko sa training namin, Reynalee, si El Nunal nga pala" at nagkamay kaming dalawa.
Kapansin pansin kay Reynalee ang maganda nitong pustura, at katawan na katakamtakam, kung iisipin mo, parang bote nang coke ang katawan niya, sexy, at meron siyang hinaharap na maipagmamalaki, kahit di siya maputi, hinde naman siya negra, morena siya at makinis, at kapansin pansin ang ngti niyang parang nangaakit, maalindog siya at kung paano siya tumingin ay sadya naman talagang mahuhumaling ka,wala din akong masabi sa suot niya,nakasuot siya nang t-shirt pero ang bahagi na kung saan makikita mo ang cleavage niya ay makikita mo talaga,at ang suot
niyang jeans ay yung punit punit ang desenyo at nakasuot din siya nang sandals,wala kang hinde gugustuhin sa isang tulad niya, isa lang ang hindi ko gustong paniwalaan sa kanya
"Single and available yan" ang sabi ni Eusha at may binulong siya sa akin
"Type ka nyang kaibigan kong yan tumingin lang ako sa kanya at ngumiti
"Ganun? Lakas trip ka din eh, sabunutan kaya kita"
"Oo nga, oi Jessa, upo ka sa amin"
"Sige, sige, mukhang nakakatuwa kayong kasama eh"
at nagkakwentuhan kami, nilibre ako ni Eusha nang pagkain, at habang kumakain kami ay napansin ko na iba nga ang tingin sa akin ni Reynalee, parang may gusto siyang sabihin sa mga titig niya sa akin, nagulat ako nang nagkakatawanan si Jessa at Eusha
"Grabe kayo magtinginan, lipat kaya tayo nang lamesa, Jessa?" ang sabi ni Eusha at hinde ko alam kung bakit pero sumakay naman itong si Jessa sa kalokohan ni Eusha at naiwan nga kaming dalawa ni Reynalee sa mesa, at nagulat ako nang tumabi siya sa akin at nakipagkwentuhan. Nagulat ako, pakiramdam ko ay wild at agresibo ang babaeng katabi ko
"May girlfriend ka ba?" ang tanong niya sa akin habang nakatingin nang malagkit sa akin
"Wala naman, bakit?"
"Wala lang... type mo ba yung kasama mo?"
"Ha? Hindi naman... sakto lang"
"Eh si Eusha?"
"Magkasalubong na ang langit at lupa pero hindi kami pwede niyang lukaret na yan, kaibigan ko yang babae na yun noh"
tila natawa si Reynalee sa sinabi ko tungkol kay Eusha, at nang tumigil siya sa kakatawa ay bigla niya akong tinanong
"Eh Ako, type mo ba ako?"
"Ano, ahh, ano eh"
"Oo o hinde lang naman ang isasagot mo, ano ka ba?"
"Ok lang"
"Oo o hinde nga lang eh diba?"
"Well, kasi, hinde ko alam kung anong isasagot ko eh"
"Paano kung sabihin kong ako, type kita"
nagulat ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na totoo pala ang sinasabi ni Eusha, pero, nagdadalawang isip ako na maniwala sa kanya, kasi naman, kung kaibigan siya ni Eusha, ibig sabihin may sapi na din ang babaeng ito, at tila si Jessa ay unti unti na din sinasapian nang masamang elementong bunga nang pakikipagkaibigan nila kay Eusha. Kumuha siya nang notebook at ballpen at may sinulat siya dito, pinunit niya at nagulat ako nang iipit niya ito sa garter nang aking brief, sa harapan ko pa mismo
"Call me, ok?"
at tumayo na siya at inaya na niya si Eusha na umalis, bago sila lumayo ay tumungin siya sa akin at kumindat, natawa si Jessa sa nakita niya at biglang nagsalita
"Alam mo, napakadesperada niya, di ba?"
"Tingin mo?" ang tanong ko sa kanya
"Well, based on what I witnessed earlier, oo, ano yung inipit niya sa harapan mo?" kinuha ko ito at nang ibuklat ko ang papel ay isang cellphone number ang nakasulat dito
"Told you, desperada, papatulan mo ba?" ang tanong niya sa akin
"Bakit hindi, maganda naman siya, single, ako din naman single, wala naman kaso yun diba?"
"Nahulog ka kaagad sa ganda niya, mga lalake nga naman talaga"
"Ikaw Jessa, matanong kita, may BF ka ba?"
"H..ha? A-anong sabi mo?!" ang tila nabiglang sagot ni Jessa at naubo pa siya, kaya naman hindi ko naiwasang matawa
"Karma ba yan Jessa?"
"Ahahahaha ikaw kasi eh, ano bang klaseng tanong yan?"
"Matinong tanong"
"Ahh ewan, bahala ka, basta, kung kayo man ang magkatuluyan, good luck with the realationship, tingin ko sa kanya, parang one night stand type siya na babae eh
"Grabe ka naman magsalita"
"Like I said before, honest opinion ko lang naman yun, it's not a fact but just an opinion based on what I observed kanina, ikaw? Sa tingin mo?"
"Parang... pero hindi pa naman ako sigurado hangga't hinde ko siya nakikilala nang lubusan"
"Hahaha, lalake nga naman talaga, basta, yun lang ang observation ko, si Eusha, makulet na kwelang babae na punong puno nang energy sa katawan, parang bata, ang kulet"
"Yun mabait? Aba Jessa anong droga ba pinahithit noon sa iyo? natawa siya nang sabihin ko iyon
"Ang sama mo naman, parang hindi mo kaibigan yun ah?"
"Well, ganun talaga kami maglambingan nang lukaret na yun, ayan, edi pagtinamad ka nang maggala, meron ka nang makakausap dito diba?"
"Anong oras na ba?"
"Alas one kwarenta y dos nang gabi na, bakit?"
"Nakarecieve ka ba ang text kay Mam Cha?"
"Ha?"
pagtingin ko sa aking cellphone ay meron ngang text mula sa unknown number, at pinagkumpara namin ni Jessa ang number na nasa cellphone ko at yung number ni Charice at nagmatch nga ang dalawa, at nang mabasa ko ito ay nagpasalamat ako at nandoon na ako
Message 1
"Guys, we'll be having our training today. 1am please don't be late
"Sakto buti na lang pala at nandito na tayo no?" ang sabi ni Jessa
"Sandali ha, punta lang akong training room, gusto mo bang sumama?"
"Ikaw na lang muna, dito na muna ako at iinom nang juice, babalik ka ba?"
"Baka magyosi na muna ako"
"Ah, sige, hihintayin kita ha" pumunta ako nang training room ay napakatahimik nang kwarto, alas dose kinse na din kasi noon at ilang minuto na ay magsisimula na ang aming training, pagpasok ko nang training room ay nagulat ako dahil meron na palang tao doon
"May kasama ka ba?" ang tanong niya sa akin
"Wala... teka.. anong ginagawa mo dito Reynalee? Hindi pa ba nagsisimula ang training nyo?"
"Well, wala pa si Mr.Garcia eh, he texted us that he will be late so pwede muna kaming lumabas labas"
Lumapit siya sa may pinto at bigla niyang nilock ito, nagulat ako sa ginawa niya, at dahan dahan siyang lumapit sa akin at hindi ko alam kung anong nangyari, bigla ko na lamang naramdaman na naglapat na ang labi naming dalawa, hindi ko inaasahan na gagawin iyon sa akin ni Reynalee, una sa lahat, hindi namin kilala ang isa't isa nang lubusan, pangalawa, hindi ko alam kung seryoso ba siya o tamang trip lang, at ang pangatlo, pusang gala naman, bakit sa lahat nang lugar na napili niyang maging agresibo sa akin eh napili niya pa sa loob nang training room namin, naalala ko na may ganito ding eksena ang nangyari sa akin at nawalan ako nang trabaho, kaya naman bigla ko agad siyang inilayo sa akin
"Reynalee, sandali ha... kasi hindi to tama, wait ha... easy ka lang"
"Bakit, kulang ba ang halik sa iyo, gusto mo samahan natin nang mas interesanteng bagay?"
"Hindi.. teka, what I mean is, alam mo ba na may mga cctv camera ang bawat kwarto nang building na ito at recorded lahat yun"
"Ano naman?"
"Anong ano naman?! Reynalee, nawalan na ako once nang trabaho dahil sa ganitong pangyayari, ayaw ko nang maulit iyon"
"Ganun ba, oh well, how boring naman, ganito na lang, after nang training namin, or break namin, kita tayo sa labas, anong oras ba ang break time niyo?"
"Hindi ko alam eh, kasi, ala una simula nang training namin kaya hinde ko alam kung anong oras kami magbrebreaktime"
"Text mo ko, pagbreaktime na kayo ok?"
"Sige sige" at lumabas na si Reynalee nang pinto at ako naman ay nakahinga na nang maluwag, kinabahan talaga ako nang mga sandaling iyon, mabuti na lamang at wala pa ang mga kasama ko, at bigla akong napaisip, bakit nga ba wala pa ang mga kasama ko, malapit na kaming magstart nang training at wala pa din sila, paglabas ko nang training room ay nakita ko si Jessa na papunta nang training room, at nang makita niya ako ay nakangiti niya akong tinawag
"Huy, hindi daw tayo ngayon dyan magroroom, sa taas daw" kaya naman pala wala sila doon dahil nandoon sila sa taas, pag-akyat namin doon ay nakita ko ngang nandoon na lahat nang mga kasamahan namin sa training, wala talagang konsiderasyon ang mga kasama kong ito, kung hindi dahil kay Jessa siguro ay nalate ako noon.
Nilapitan ako ni Jessa at kinausap
"Ano bang ginagawa mo sa baba?"
"Chineck ko kung doon tayo magroroom"
"Weh, alam mo, pagmagsisinungaling ka, next time, sigaraduhin mong walang ibidensya"
"Ha?" kumuha si Jessa nang tissue sa bag niya at pinunasan ang side nang labi ko at nakita ko na may napunasan siyang lipstick, may naiwanan palang lipstick sa labi ko si Reynalie.

itutuloy....

Muli Book 3 by El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon