TRES

62 13 0
                                    

Sunniva pov

Ganito ba talaga ako kamalas? Pati pamilya ko na damay sa kamalasan ko? Wala na talaga akong ginawang tama, lagi nalang mali. Kung hindi lang ako lumayas siguro ganon parin ako, kami tulad ng dati.

Nanatili ako sa loob ng aking silid habang nakahiga sa kama.

Pilit kong pinakalma yung sarili ko sapagkat hindi parin maalis ang namumugto saaking mata.

"Sunniva?"rinig kong boses ni ara

"Sunniva, ilang araw kanang nag mumukmok diyan sa kwarto mo. Hindi ba pwedeng time out muna sa pag iyak?" dagdag na sabi niya

"Just leave me alone"pasigaw na sabi ko

"Pero hindi yan makakatulong sayo, kung ganyan nalang lagi gagawin mo--"

Mabilis akong bumangon at inis kong binuksan ang pinto, kaya naman agad niyang kinagulat ang ginawa ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kailangan kong 'mag-isa'?"pag didiing sabi ko "ilang beses ko bang sasabihin sayo na kaya ko ang sarili ko!"

"Pero pano naman kaming nag-aalala sayo? paano ako, na gustong damayan ang kaibigan ko."


Hindi agad ako naka pag salita sa sinabi niya

"Paano naman kaming gustong dumamay sayo? Kasi kahit sabihin mong 'gusto mong mapag-isa' hindi parin kami mag sasawang damayan ka. Oo mahirap para sayo ang lahat ng nangyari. syempre, diba nga nawalan ka ng mahal sa buhay pero hindi ka dapat nagiging ganyan nalang!" Inis na sabi niya "dahil walang makakaintindi sayo kung puro ganyan ka nalang" dagdag niyang sabi

Kaya, mas lalo akong hindi nakapag salita!At mas lalo akong naguilty sa lahat ng sinabi niya, hindi ko alam na ganyan na ang nararamdaman niya. Pilit niya akong iniintindi pero wala lang akong pake!

"S-sorry" sorry lang ang katagang nasabi ko sa sobrang kahihiyan.

"n-nag aalala rin naman kami sayo sunniva, hindi ka kumakain, mag palit ngalang ng damit hindi mo pa magawa. Ano ba?! hindi kanaman ganyan nung umalis tayo dito ha? pero bakit pag balik natin dto sa pilipinas nag iba ka!"galit na sabi niya

"wala kang alam! hindi mo alam kaya nagiging ganyan ka. saka, h-hindi ko lang talaga m-matanggap na wa-wala na sila, isipin mo ba naman. wala na nga si papa pati banaman sila iiwan din ako"sabi ko

"kung wala akong alam, bakit hindi mo ipaalam sakinpara malaman ko, Andito panaman kami e, ano sa tingin mo yung tawag mo saming nasa tabi mo palagi? mahal karin namin sunniva hindi lang sila"

DAY WITH YOUWhere stories live. Discover now