SUNNIVA'S POV
marami naring nangyari ngayong araw, nung una, nag kasagutan nanaman kami ni samantha. hindi ko ba alam sa bruhang yun at gusto lagi ng away. pangalawa, nag kita na kami ni sebastian ulit, hanggang ngayon parin kasi hindi parin ako maka-paniwala na nandito nga siya sa pilipinas. and last, muntik na akong sampalin ng napakalakas ni samantha but thanks for sebastian dahil hindi niya yun hinayaan.
"sunny." tawag sakin ni ara, kaya naman napalingon ako sa kaniya at hininto muna ang pag babasa.
"Bakit?" tanong ko.
"nabalitaan mo na ba yung bali-balita ngayon?" tanong niya. kaya bahagya akong natawa.
balitaan Yung balibalita?
"Wala, ano yun?"
"meron daw ngayong pagala-galang puting van" seryosong sabi niya.
"so?" wala akong intensyon na makinig, dahil marami na akong problema ayoko ng dagdagan pa. kung may puting van na pagala-gala hindi naman mananakit yun dahil van nga e.
"hindi mo na gets? madami nang nakukuha ngayon?" sabi and she role her eyes. may kamay pala ang van, now i know.
"edi huwag tayo mag papakuha" pabalang na sabi ko "you know what? ayusin nalang natin yung part dito sa condo na pwede nating pag tambayan" pag iiba ko sa usapan
"para saan naman?" takang tanong nya
"para ganahan tayo mag aral pag andito sa bahay"
medyo marami na kasing gamit itong bahay ko, hindi na maaliwalas kaya gusto ko malinis.
"good I dea huh, Kelan ba" sabay tanong niya, kaya naman napaisip din ako.
"weekend nalang" Sabi ko
"sige..sige" sabi Niya. pinagpatuloy ko na ulit ang pag babasa dahil may quiz kami tommorow ayokong bumagsak.
maya-mayanag paalam na ako at pumunta na sa kwarto, medyo antok narin kasi ako...
Zzz...
---------nagising ako ng maramdaman ko ang pag sikat ng araw. agad kong minulat ang aking mata at umupo sa aking kama.
"sunny, gising kana?"rinig kong tanong ni ara sa labas ng kwarto ko. sakto pala ang gising ko at tumawag siya.
"Oo" tipid na sabi ko, may pa hawak-hawak pa ako sa mata.
"bilisan mo na, naka ready na yung pagkain dito" sabi niya. nays!
"sige! teka lang" sigaw ko. saka tumayo sa kama ko at pumuntang banyo dahil ramdam ko ang pag-iiba ng tyan ko.
--------
"antagal mo naman" reklamo niya. habang kumakain."tumae ako e." muntik niya pang maidura ang pag kain niya sa loob ng bibig niya
"yak! kadiri naman! nasa harap ka ng pag kain e"pandidiri niya sabi
'grabe naman toh'
"ano gusto mo? tumalikod ako habang sinasabi ko yun?"
"ayy balakana nga diyan kumain nalang tayo, kadiri ka e."
YOU ARE READING
DAY WITH YOU
Novela JuvenilMaraming bagay o pangyayari ang hindi maintindihan ng isang Sunniva Eames Florian, Mayaman siya at nakakataas sa iba pero hindi niya pa rin maiwasang isipin na kahit ganon siya at ang buhay niya 'malungkot' pa rin pala. maraming pera, bahay, o kahi...