Gilbert P.O.V
Nang matapos namin sugurin ang nanira ng araw ni Reannie ang pag grabe ng taka at gulat ko. Una, labis akong nagulat kung paano nalaman nang black-M kung na'san kami, pangalawa. paano nila nakilala at nakasundo ang grupo na yun. kalat sa G-world na wala niisang kinakaausap ang grupo na yun kundi kagrupo din nila. ikatlo, Sino yung babae? alam ko na ang pangalan niya pero nakakapagtaka lang na kapangalan niya yung dating pinuno nila. Patay na yun at hindi na pwedeng mabalik pa, pero ano yung ibig niyang sabihin?
Maraming tinatago ang grupo na yun, napaka-rami.
"Marami ata tayong iniisip gil, anong atin?" napatingin naman ako kay Rea. siguro naman may alam siya tungkol kay sunniva.
"Paano mo nakilala yung hampaslupang babaeng yun?" seryosong tanong ko. hindi parin ako nakakaganti sa ginawa niya. bwiset na babaeng mahirap kalabanin.
"tsk, that girl. I didn't know her, pero kaklase ko siya."
"Is that so, Napapansin mo ba ang mga galawan niya" usal ko at napaisip naman siya dun.
"Mahirap basahin kung anong mga ginagawa nun ni sunniva, matapang siya at halatang kaya nga niya gawin ang mga banta niya"
hindi na ako mag tataka pa kung kasali siya sa grupo nila ethan.
"pero nakakapagtaka lang, gil. paano nakilala ni sunniva ang grupong pinakamalakas sa G-World." akala ko ako lang ang nagtataka. pati rin pala siya.
"ganon din ang kanina ko pa iniisip, kung kilala niya sila ethan. hindi na maiitangging kasali siya" usal ko naman na kinaiinis ng mukha niya. "nakita nating lahat kung paano niya pinagsusuntok at pinagsisipa ng malakas ang mga kasama natin, yung iba saatin napuruhan at yung iba naman nag karoon lang ng mga pasa at galing sakaniya ang marami."
"F*ck! i can't really imagine kapag kalaban natin siya. malakas ang Black-M, kaya kung pati siya kasali mas lalakas pa ang grupo nila!" inis na sabi niya.
seryoso naman akong tumingin sakaniya saka bumuntong hininga " magsisimula na ang ensayo natin, at hinding-hindi natin sila hahayaang manalo." sabi ko saka tumayo at lumabas ng office ko.
Sunniva's P.O.V
nasa bahay na kami ngayon ni ara, hanggang sa matapos ang laban kanina hindi parin mapakali si ara. andito kami sa sala ngayon at maaga namin pinatulog ang maids. ako naman nag-iisip din tungkol sa grupo na yun, lakas makasugod hindi naman kami kaya. pero familliar ang mukha nung Gilbert na yun, satingin ko nakita ko narin siya noon.
"Ara, make your self-calm. okay?" sabi ko sakaniya na hindi parin mapakali, masyado na siyang pauli-uli at kanina ko parin sinusundan ang lakad niya, nakakahilo na!
"kase ba naman sunny, hindi mo naman sinabi na ganon pala yung laban na gaganapin." reklamo ni ara at natawa naman ako.
"hindi ganon ang lalaban ara, mahinang laban palang yun pero kapag nag simula na yung battle. maduguan ang mangyayari" seryosong sabi ko na kinalaki ng mata niya " bakit? natatakot ka na ba agad, magaling karing makipaglaban ara. nakita kita, kaya hu'wag mong iisipin na mamatay ka."
"paano kung mamatay nga tayo sa laban"
"hinding-hindi mangyayari yun. una palang sinabi ko na sainyo, hanggat nakatayo ako at kaya ko pang lumaban. hindi kayo masasaktan"
"paano mo nasasabi ang mga hindi pa nangyayari, sunny? andun kaba? nakita mo ba ang magiging laban? sunny, natatakot ako."
"e sino ba kasing nag sabi na gusto mong sumali? diba ikaw?! ara, makinig ka nga. wag labas sa kabilang tenga!" inis na sabi ko, dahil kanina pa toh! " hindi ko hahayaang mapahamak ka, tuturuan kitang makipag-laban sa abot ng makakaya ko. hindi ka mamatay at walang mamatay" sabi ko sabay huminga ng malalim.
"S-Sorry." yukong sabi niya.
"You don't have to say sorry, ara. alam kong natatakot kalang at ganon din ako. walang mabubuhay sa laban na yun pwera nalang kung matino pa ang makakalaban natin. mananalo tayo sa laban, tandaan mo yun"
'nag aalala ako kay ara. parang kapatid ko na rin siya. kung tutuusin ayoko talaga na sumali sya dito pero wala rin naman ako magagawa dahil buhay naman niya yan, ang ayoko lang mapahamak siya. ayoko na mawalan pa ng isa pang kapatid. ayoko na.'
"umakyat kana, may pasok pa bukas" sabi ko sakaniya.
"e ikaw? hindi ka pa aakyat?" tanong naman niya
"may kakausapin lang ako saglit"
"si mike ba yun?" alam kong may halong pangaasar ang pananalita ni ara kaya hindi nalang ako nagsalita pa "o sige, good night nalang" ngiting sabi niya saka tumalikod at umakyat na.
pagka-akyat ni ara, dali ko naman kinuha ang phone ko nang saktong may tumawag. napangisi naman ako nang makita ko kung sino ang tumatawag.
'tatawagan palang kita, pero tumawag kana'
"OH?" kunwaring tanong ko.
["lumabas ka andito ako sainyo"] nagulat naman ako kaya bigalang nanlaki ang mata ko.
(⊙ˍ⊙)
'paano niya nalaman ang bahay ko.'
["lalabas ka o papasok ako?"] tanong niya sakin. 'anong nangyari dito?'
"teka lang." sabi ko nalang saka binaba yung tawag.
kinuha ko naman yung jacket ko na black saka sinuot. binuksan ko na ang pinto sabay nag lakad papunta sa gate nang labas dun ko naman natanaw si mike habang nakasandal sa kotsye niya.
'bat di pa to umuuwi?'
binuksan ko na ako gate saka siya lumapit sakin.
"pasok ka muna, dun tayo mag usap sa likod" walang emosyong sabi ko. tumungo naman siya saka sumunod sakin.
----------- [likod ng bahay]"bakit hindi mo sinabi na kasali ka pala sa organisasyon?" tanong niya sakin habang nakatingin sa malayo. ako naman nakatyo rin at nakatingin lang sa ibaba.
"hindi mo na kailangan malaman pa"
"pero delikado ang buhay mo dun," seryosong sabi niya. "kung kasali ka sa mga gangster ibig sabihin lalaban ka sa haharapin na battle."
nabigla naman ako sa sinabi niya. at takang tumingin.
"anong alam mo sa battle? paano mo nalaman yun?" tanong ko sakaniya. dahil wala niisang nakakaaalam nun kundi ang mga kasali lang sa mundo na yun.
"dahil kasali ako dun..." natigilan naman ako bigla.
'kasali siya? paano?'
"H-ha? paano?"
"alam mo yun. dahil kasama kita at ni josh yun" sabi niya. napailing naman ako dun "hindi ako sumali sa grupo niyo dahil hindi na pwedeng lumipat. kapag sumali kana sa isang grupo hindi kana pwede pang umayaw. hindi ako nag pakita sakanila ng ilang taon dahil gusto ko munang mapag-isip pero hanggat kasali ka sa organisasyon na yun hinding-hindi ka pwedeng umayaw at umalis. at dun sa nalalapit na battle, isa lang pwedeng maligtas. isang grupo lang ang pwedeng manalo. at natatakot ako baka mapahamak ka."
"kung mag kasama na tayo una palang bakit hindi mo alam na kasali ako sa Black-M?"
"dahil hindi mo yun sinabi. hindi mo sinabi sa kahit na sino tungkol sa pagkatao mo" giit na sabi niya. "hindi man tayo sunniva, pero gusto kitang protektahan. pero hindi ko na alam kung paano"
"hindi mo naman ako kailangan protektahan dahil kaya ko ang sarili ko. hindi mo ko kailangan protektahan dahil kung kailangan ko man ng tulong sayo agad ako mag sasabi"
"paano ang battle?" tanong niya.
"kung mag kalaban tayo. hindi na mahirap yun, kung mapagkakatiwalaan kita. magiging maayos tayo, sa gaganapin na battle hindi ka namin sasaktan. Oo makikipag laban ka samin pero hindi totoong laban, at ang kakalabanin lang naman ay yung mga kagrupo mo."
"mahirap to"
"walang mahirap kung kakayanin, mike."
"pero nagtataka lang ako," bigla niyang sabi
"bakit?"
"tungkol sa mafia princess"
"bakit anong problema?" kunwaring tanong ko.
"walang nakakaalam kung sino ang mafia princess, walang nakakaalam kung anong insact na nangyari sa kaniya. at ang alam ko rin ang Black-M at ang mafia princess ang magkakampi, pero nagulat nalang ang lahat kung paano at bakit nawala ang mafia princess at nag tago ang Black-M sa panahong yun" sabi niya habang nakatingin saakin "ikaw ba ang tinutukoy nilang mafia princess na magiging mafia queen sa susunod?" tanong niya na halatang walang kaalam-alam.
'hindi niya alam?'
"Oo...ako nga" mahinang sabi ko na kinagulat niya "ako yung sinasabi nila na nawala ng ilang taon...ako yung sinasabi nila na malakas, matapang, at kayang pumatay ng tao. ngayong alam mo na, mamahalin mo parin ba ako kahit ganon ako?"
ngumiti naman siya saka hinawakan ang mukha ko "kahit sino at ano kaman...you're my one and only love. ang tapang kaya ng babaeng minahal ko kaya dapat prinoprotekhan hindi sinasaktan." ngiting sabi niya kaya napangiti narin ako. "kelan mo rin ba ako mamahalin? gusto na kasi kitang maging akin"
napangisi naman ako sa sinabi niya "bakit hindi mo muna ako ligawan," nabigla naman siya dun at hindi agad na kapag salita.
"T-Talaga? papayag ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya. tumungo naman ako saka ngumiti
"pumapayag na ako..." ngiting sabi ko "pero ito lang ang bilin ko, hu'wag mo lang akong bibiguin magiging sayong-sayo ako"
YOU ARE READING
DAY WITH YOU
Teen FictionMaraming bagay o pangyayari ang hindi maintindihan ng isang Sunniva Eames Florian, Mayaman siya at nakakataas sa iba pero hindi niya pa rin maiwasang isipin na kahit ganon siya at ang buhay niya 'malungkot' pa rin pala. maraming pera, bahay, o kahi...