SUNNY'S POV
"Sunniva!" Rinig kong sigaw mula sa likod namin. Lahat naman kami napatingin at lahat rin kami nagulat ng makita naming tinatangay si ara ng mga armadong lalake saka siya pinasok sa isang kotsyeng itim.
"A-ARAAA!" Sigaw ko.
"Sunniva, anong gagawin mo?" Tanong sakin ni mike ng papatakbo na'sana ako sa gawi ni ara
"Ano pa ba dapat kong gawin?! Ano hahayaan ko nalang si ara,"
"Sasama kami mapapahamak ka" usal niya habang lumalapit sakin, agad naman akong umatras atsaka umiling.
"Ako ang pakay nila at ayokong mapahamak kayo ng dahil lang dito, seryosong sabi ko saka tumalikod sakanila.
"Sunniva, magkakasama na tayo ngayon. Ngayon pa ba tayo hindi magtutulungan?" Rinig kong usal ni michael pero hindi ko siya nilingon at nakatigilang.
"kaya ko." Pag-didiin ko sakanila.
"Sunniva, hindi kita kayang iwan sa mga ganitong nangyayari," Rinig ko namang sabi ni mike. " please, kahit ngayon lang" dagdag ni mike. Tinignan ko naman ang pustura ni daniel na hindi alam ang gagawin
"B-basta ako sasama nalang sainyo, ayokong ma-iwan mag-isa dito, mamaya bumalik yung mga gagong yun." Reklamo naman ni daniel. At dahil sa sinabi niya napabuntong hininga nalang ako.
'Bwiset!'
inis naman akong tumingin sakanila
'kapag may nangyaring masama kay ara paguuntugin ko talaga kayong tatlo'
"Kingna kayo, tara na nga! baka hindi pa natin sila maabutan at kayo pa ang mapatay ko." Inis na sabi ko saka mabilis na tumakbo pasakay ng kotsye ko. Tinignan ko naman sila sa window car at nasa loob narin sila ng kani-kanilang sasakyan. Pinaandar ko na ang kotsye ko sa mabilis na nag maneho.
------------
Kingnang hayop kayo, kapag talaga sinaktan niyo si ara makikita niyo kung sinong mas demonyo satin.
Heto at nakasakay parin ako sa kotsye ko at sila mike naman ay nasalikod ko, hindi ko alam kung asan sila. Basta nag maneho nalang ako at deneretsyo kung saan patungo ang kotsye na mga gago.
"bwiset talaga!" inis na sigaw ko sa loob ng kotsye.
Maya-maya ay may biglang tumunog mula sa cp ko na nakalagay sa right side ko kaya agad akong huminto sa isang tabi at sinilip sila mike sa likod na napagilid din, kinuha ko naman ang selpon ko at tinignan kung sino pero numero lang ako nakalagay. Kaya kunot noo ko iyong sinagot.
"oh?" Tawag ko. Nakita ko naman sila mike na napababa at lumunta sa gawi ko at ako naman ay lumabas muna ng kotsye para makasap ng signal.
"Masaya kaba ngayon, sunniva?" Natigilan naman ako sa nag salita.
"Sino to? Sabihin mo. Sino ka?!" Inis na sabi ko. Nagulat naman sila mike sa sinabi ko.
"Nag sisimula palang kame sunniva, ngayon humanda ka na." Banta niya
Bahagya naman akong napangisi sa sinabi niya. " hu'wag mo kong binabantaan, hindi mo'ko kilala"
"Kilalaaaang kilala kita, mula bata hanggang sa mamatay ka"
"talaga? Pwes, tignan nalang natin kung buhay kapa kapag patay na'ko. Uulitin ko sino ka"
"ako ang dumukot sa kaibigan mo, at kapag wala ka pa dito ng isang oras...pasensyahan nalang tayo at makikita mo nalang ang kaibigan mo na walang ul---"
"subukan mo...subukan mo lang,"
"HAHAHAHAHA! Nandito kami sa lumang bodega ng laguna. See you later sunniva---" tut tut tut
saka niya binaba ang tawag.
'bwiset!'
"oh, anong sabi?" Tanong agad ni mike, kaya naman tinignan ko rin siya.
"hindi ko alam kung anong magagawa ko sakaniya kapag nag kataong sinaktan niya si ara"
'makakapatay ako ng tao'
"sunniva, calm down" usal naman ni michael na kinatawa ko.
"Calm down? Hindi na ako mapapakalma ng kalooban ko kapag may nangyari kay ara. Tas kalma pa?!"
"pero---"
"sssshhhhh, wag kanang mag salita. Tara na" pag putol ko sa sasabihin ni daniel na kinakamot niya ng ulo. Bumalik naman ulit kami sa kaniya kaniyang sasakyan at hinanap ang letsyeng bodenga na yan!
gabi na.
YOU ARE READING
DAY WITH YOU
Teen FictionMaraming bagay o pangyayari ang hindi maintindihan ng isang Sunniva Eames Florian, Mayaman siya at nakakataas sa iba pero hindi niya pa rin maiwasang isipin na kahit ganon siya at ang buhay niya 'malungkot' pa rin pala. maraming pera, bahay, o kahi...