SIETE

39 10 0
                                    

'ARA'S POV'

   Nandito na kami ngayon sa bahay mansyon nila sunny, Grabe. Hindi talaga ako makapaniwala na sa ganitong buhay meron sila. Iniisip ko bakit pa nagawa ni sunny na lumayas sa ganitong buhay, kung ako sa kaniya hindi ako aalis, pero hindi ako siya e. 

Nandito kami ngayon sa veranda nang bahay nila doon makikita ang lawak ng paligid sa labas. May malaki silang pool at may garden din na punong puno ng paru-paro. may gardener din sila at makikita rin namin kung paano niya diligan ang mga halaman at mga prutas na nakatanim dito.

"maganda ba?" tanong sakin ni sunny habang nakatingin dun sa garden

"Oo naman hindi nga ako maka-paniwala na ganito kalaki yung bahay niyo e" natatawang sabi ko. pero ngumiti lang siya, halata sa kaniya na malungkot siya dahil sa mga mata palang niya iba na "a-ayos kalang ba?"

natawa muna siya bago magsalita" naalala ko lang si papa" nakangiting sabi niya habang nakatingin sa malayo "kami kasing dalawa ang nag tanim nyan" sabay turo niya sa mga pananim " sabi niya sakin alagaan ko daw at wag hayaang mabulok o masira, nakakalungkot lang dahil hindi na kami mag kasama na alagaan yan" sabi niya sabay yuko

"s-sorry" sabi ko. Kaya napatingin naman siya 

"for what?" tanong niya 

"because of what you said you would rather be sad"

"Ano kaba! okay lang hehehe--matagal na yun"

"tara na sa loob" dagdag niya pa kaya naman sinundan ko nalang siya

habang nag lalakad kami sa loob ng mansyon gulat nalang akong napatingin dahil lahat ng mga kasambahay sa kanila ay biglang umupo at nag bow sa harap ni sunny. Nang yari narin ito dati, nung time na pumunta kami sa north ganyan din ang mga ginawa ng tao sa kaniya.

'hindi pa kita masyado kilala sunniva, marami pa akong hindi nalalaman sayo'

at bumalik ulit sa dati.  tumayo na ang mga maids at bumalik sa ginagawa nila




SUNNIVA POV

Nang makita ko ulit kanina yung garden nalungkot bigla yung puso ko. Kala magiging masaya ako dahil nakabalik na ako dito sa bahay, hindi naman pala. makita ko palang ang bawat sulok ng bahay malulungkot na ako dahil ang mga bawat sulok dito sa bahay maraming memories na naiwan. 

Nag paalam muna ako kay ara na pumunta munang kwarto pero bago ako umalis tinuro ko muna kung saan ang ang magiging kwarto niya.


MEANWHILE   -KWARTO-

'nakakamiss pala dito, kala ko pag umalis ako dito hindi ko mamimiss. Akala ko pag umalis ako dito makakalaya na ako. pero hindi pala at dahil sa pag alis ko nawala ang mga taong kala ko hindi na ako mahal ang pamilya ko'

tumungo ako sa rooftop ng kwarto ko at dun nag stay, Habang nakatingin ako sa sunset. hindi ko na napigilan ng mata ko ang pag tulo ng luha ko kaya bigla nalang ito bumuhos.


"kamusta na ba kayo dyan?" tanong ko habang nakatingin sa langit

"ako ba h-hindi niyo k-kakamustahin?" dagdag ko pa "b-buti pa kayo magkakasama na diyan sa heaven, at ako nalang ang naiwan dito. hindi niyo talaga ako sinama noh? iniwan niyo ko" sabi ko pa. kaya lalong namuo ang luha ko "i-ito na ba a-ang parusa sakin ng d-diyos? dapat hindi ko nalang kayo iniwan dito, i'm sorry for being selfish, i j-just want more f-freedom but this is what happened. Namatay kayo, i'm s-sorry" sabay bagsak ng luha ko

tumingin nalang ako sa langit at ngumiti 'kahit wala na kayo, kakayanin ko para sainyo' pero nag ibang ang awra ko pag katapos isipin yun 'hahanapin ko kung sino may gawa sainyo' seryosong sabi ko sa isip ko. at saka tumayo at bumalik sa loob para makapag pahinga kaya naman humiga na ako sa kama at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako




 
    A FEW HOURS LATER

'TOKTOK!'   'TOKTOK!'

apat na beses na katok mula sa pinto kaya naman agad kong minulat ang mata ko

"sino yan" inaantok na tanong ko

"sunny wake up dinner na" sigaw ng na sa pinto ko..Ara!

o((⊙﹏⊙))o.

"damn! gabi na" mahinang usal ko "s-sige pupunta na ako" nauutal na sabi ko

"sige una na ako"

"Oo" sabi ko. Sabay 

nang maayos ko na ang sarili ko mabilis na akong bumaba at dumeretsyo sa dining area.

"napaka-tagal mo naman matulog" natatawang sabi Ara

"tsk, bat dimo ko ginising nang maaga?" inis na sabi ko. Nanatili parin akong naka tayo at tumingin sa mga maids na nakatayo din" kayo! bat hindi niyo ko ginising?"

"hep! hep! wag mo nga sisihin ang mga maids mo, hahahaha ako ang nag sabi sakanila na wag kang gisingin--"

"ano?!" sigaw ko kaya nagulat din yung mga maids ko at pati siya

"grabe kanaman makareac teh? hahaha pumunta ako sa room mo kanina e sa sarap ng tulog mo hindi na kita ginising" paliwanag niya

"ganon ba?" sabi ko sabay upo na

"Oo humihilik kapa nga e"

"Ano kaba ara, dati pa ako humihilik hindi kapa ba nasanay?" natatawang sabi ko

'napaka loko talaga'

"hayyst tara na kain na tayo, tinulungan ko mga maids mo mag luto hehehe tagal mo magising e naiinip ako" reklamo niya 

'so kasalanan ko pa?'

hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang, sa sobrang tagal ko natulog nagutom ako.


Nang matapos kami sa pag kain, tinulungan nalang namin ang mga maids na mag ayos ng lamesa 

"yaya, elena kumain na muna kayo bago niyo gawin yung mga kailangan niyo ha para naman hindi kayo tamlayin" ngiting sabi ko

"salamat po madame. sunniva" ngiting sabi niya sabay yuko kaya gumaya narin ang iba

"kakaiba ka talaga sunny" singit ni ara

"ayaw mo nun? i'm unique"

Nag kwentuhan lang kami saglit sa sala habang nanonood ng movie pero nang matapos na ang movie agad na kaming nag paalam sa isat-isa dahil inaantok narin kami.

"Ara inaantok na ako gusto ko na matulog" sabi ko

"ahh sige tara akyat na tayo"

"sige.. dun sa kwarto mo nakaayos naba?" tanong ko

"ahh oo kanina pa so bukas na lang ah?"

"sige night" ngiting sabi ko

"sige good night" pabalik na sabi niya



   TO BE CONTINUE

       VOTE--COMMENT--SHARE

      DAY WITH YOU

DAY WITH YOUWhere stories live. Discover now