CHAPTER 1

1.5K 69 8
                                    

A crept of smile formed at the edge of my lips as my foot stepped forward inside the gate.

I stopped and wandered my eyes upon the surrounding.

"Vtrix University," I whisper.

This school is one of the most outstanding University among other Universities and I am grateful that I got the privilege to study here.

"Gosh sis! Paano mo ako nagawang paghintayin rito ng limang minuto?" Salubong sa akin ng best friend kong si Allisha. Kahit kailan talaga napakainipin nito.

"Ang arte mo! 5 minutes lang akong nalate oh, arte nito. Tara na nga."

Nagsimula kaming maglakad at agad na hinanap ang bulletin board kung saan nakalagay ang sections namin.

Malawak ang kabuuan ng school. Malinis at may iba't ibang room para sa sari-sarili nitong kapakinabangan. We are first year college and basically, this is our first time to be a college student in this University kaya mukha kaming bano ng best friend ko ngayon.

Yes we're rich but it doesn't mean na hindi na kami mamamangha sa ganitong klase ng University. We're just a human. Simple lang kami ng best friend ko, namamangha at nababano rin.

"Sisss! Section A ako, ikaw?" Tanong sa akin ng best friend ko ng matapos niya ng masuri ang list ng mga pangalan na nasa bulletin board.

"Bakit nakabusangot mukha mo?" Dagdag niya pa na lalong ikinagasumot ng mukha ko.

"Bakit section B lang ako?" I pouted my lips while pointing my finger on the bulletin board.

"Eh? Akala ko pamandin kaklase kita. Parang nabasa ko surname mo sa list ng section A, baka ima ko lang 'yon. Pero ok lang 'yan atleast section 2." At doon siya humagalpak ng tawa.

"Baliw ka ba? Section 2 nga, 'yun naman 'yung last section, niloloko mo ba ako?" Inis na sambit ko. At doon nagsimula na kaming maglakad papunta sa building kung nasaan ang classroom namin.

"Bye sabay nalang tayo maglunch mamaya." Pagpapaalam namin sa isa't isa bago tuluyang maghiwalay.

-

"I'm Juliane E. Parsley. 18 ye--"

"Stop for a while Mr. Juliane." Pagpigil ni Sir sa nagsasalita sa unahan ng makita ako nito sa labas.

"Yes, Miss?"

"I-I'm sorry I'm late Sir."

"So est'yudyante pala kita. Go ahead, take your seat. Sa ngayon tatanggapin kita because it's first day, pero sa susunod bawal na ang late." The Professor in front strictly said.

At doon ay umupo ako sa bakanteng upuan sa hulihan.

"Ok continue, Mr."

"Ah, ehem so again, good morning everyone. I'm Juliane E. Parsley. 18 years old. That's all." Matapos ang pagpapakilalang 'yon ay umupo siya sa tabi ko, so si Juliane pala ang seatmate ko, sana matalino ito huhu.

"Hi! I'm Elli O. Yuan..."

"I'm Ice. Nice meeting you all."

"Call me Ana. Hope that we'll be friends!"

Tumagal ay sinundan pa ng sinundan ang pagpapakilala hanggang sa ako nalang ang natira.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa unahan.

"Hi good morning everyone. My name is Herriette Cosmus Reagan. 18 years old. Nice meeting you all."

-

"Sis sis sis!!!!!" Salubong sa akin ni Allisha pagkababa ko sa building ng classroom ko.

"Oh bakit? anong nangyari sa'yo?"

"Hay nako sis! Kaya pala kanina parang nakita ko 'yung apelyedo mo sa list ng section A, talaga palang nandoon! Akala ko ima ko lang. Nako sis!!!" Patuloy niyang pagkek'wento habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Mamaya ko na ikek'wento sis. Baka mahuli tayo sa pila, gutom na ako tara bilis!"

Ngayon ay narito na kami sa cafeteria at nakaorder narin. Kasalukuyan na kaming nakain sa kung saang table kami nakaupo.

"Ano ba 'yung sinasabi--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magratatat ng salita.

"Hay nako sis! Ang guwapo! Sobrang hot! As in ang guwapo parang hindi siya tao! Gosh sis!" Napatawa nalang ako habang nakatitig sa kaniya. Bakit niya kinek'wento sa akin ang mga ganitong bagay? Alam naman niyang wala akong pake at hindi ako interesado sa mga lalaki.

"Hindi na naman 'yan bago sa'yo Alli, puro ka talaga lalaki tapos kapag nasaktan ka sa akin ka tatakbo at iiyak nako."

"Hindi ganun 'yon Herriette, iba siya! Teka aminin mo nga, may kamag-anak ka bang sobrang guwapo?" Lumapit ang mukha niya sa akin at tila'y sinusuri ang reaksiyon ko.

"Ha? Bakit mo naman naitanong?"

"Yung sinasabi ko sa'yong guwapo! Classmate ko, section A din--" Napahinto siya sa pagsasalita ng biglang makarinig kami ng tilian mula sa pinto.

Napatingin kami at doon nakita ang isang lalaki. Naka earphones pa ito. Pinagtitilian na ng mga babae hindi pa alam. Napatingin naman ako sa best friend kong nakatulala na ngayon sa lalaki. Oo aaminin kong makalaglag panty ang kag'wapuhan nito pero hindi parin ako interesado.

"Hoy Allisha baka matunaw na 'yang tinititigan mo."

"Siya 'yon Herriette 'yung kinek'wento ko sa'yo! Ang g'wapo diba?"

"Oo guwapo and so?"

"Kamag-anak mo siya diba?"

"Ha? Anong kamag-anak? Anong sinasabi mo?"

"Diba kanina sabi ko parang nakita ko apelyido mo sa list ng mga pangalan ng section A, surname pala ni guwapong guy 'yon!"

"You mean?---"

"Oo sis! Kaapelyido mo siya! His name is Jacinth A. Reagan."

-

Nagulat ako sa nalaman ko mula kay Allisha. Bagong mukha lang sa akin ang lalaking 'yun at hindi ko pa siya nakikita sa mga family reunions namin. Kung sa bagay wala rin naman akong nakakaencounter na Reagan ang apelyido tuwing family reunions.

Iba rin kasi ang apelyidong dinadala ko kumpara sa mga magulang ko. Ang apelyido ni Dad ay Cosmus na siyang panggitna ko at ang apelyido naman ni Mom ay Gerell. Ang sabi nila nagkaconflict daw sa papers ko noon kaya naging Reagan ang apelyido ko at ang sabi pa nila sa lola ng lolo ko pa nagmula 'yon.

Hindi na raw nila inayos at binago dahil kilala rin daw ang apelyidong Reagan.

Narito ako ngayon sa kuwarto ko. Binuksan ko ang laptop ko at nag-internet.

Kusang tinype ng kamay ko ang pangalang 'Jacinth A. Reagan' sa search area at agad namang may lumabas.

Tanging kaunting informations lang ang nakuha ko dahil nakaprivate ang account niya. So sa US pala siya since then at nagmigrate lang sila dito sa Pilipinas. Kaya siguro hindi ko siya naeencounter before.

"Jacinth Aquendo Reagan." Bulong ko habang nakatitig sa larawan nito.

"Sayang ang guwapo pa naman." Dagdag ko dahilan ng paglaki ko ng mata at dahilan rin pala patayin ko ang laptop ko.

Anong sayang Herriette? Baliw kana. Gosh! Erase. Erase. Erase.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon