CHAPTER 11

437 27 2
                                        

Narito parin ako sa Dance Studio. Tapos na kaming magperform at uwian narin kami. Hinihintay ko lang si Jacinth.

"Ate Herriette." Paglapit sa akin ni Viana.

"Huwag mo akong tawaging ate, hindi naman nagkakalayo ang edad natin."

"No ate. Pinsan mo si Jacinth kaya dapat ate tawag ko sa'yo."

"Gusto mo talaga siya 'no?"

"Oo eh, teka, bakit mukha kang malungkot ate. Dahil ba sa mga babae kanina?" Tumingin ako sa mukha ni Viana at ngumiti bago magsalita. Siguro ok lang na malaman niya.

"Ang totoo niyan hindi dahil doon...  it's about Juliane."

"Anong meron kay kuya?"

"Gusto ko siya, pero kaibigan lang 'yata ang tingin niya sa akin." Pagyuko ko.

"Omg ate! Ate pala talaga kita! Alam mo huwag ka ng malungkot gusto ka rin ni kuya." Matapos niyang sabihin iyon ay agad akong napaangat ng tingin.

"T-talaga? P-aano mo nasabi?"

"Sinabi niya sa akin. Bye na pala hinihintay na  ako ni kuya. Smile na ok? Kakausapin ko siya mamaya." At doon iniwan niya ako.

Matapos kong malamang gusto rin ako ni Juliane mula kay Viana ay hindi na nawala ang mga ngiti ko hanggang sa pag-uwi ko.

-

Juliane's POV

Hindi ko alam kung bakit narito sa kuwarto ko si Viana, sigurado akong may kailangan ito.

"Anong kailangan mo?"

"Wala akong kailangan may itatanong lang ako."

"What is it?"

"May gusto ka ba kay Herriette?"

"Ha? Anong sinasabi mo Viana?"

"Alam kong hindi siya ang tipo mong babae. Pero kuya this is it na! Sa oras na magkaroon ng something sa inyo sigurado akong mapapalapit ako kay Jacinth!"

"So anong gusto mong gawin ko? Ligawan ko siya?"

"Oo kuya!"

"Hindi puwede, hindi bat nakatakda na akong ikasal sa isang babaeng hindi ko pa kilala kaya bakit pa? Alam kong wala ring saysay."

"Ligawan mo then after a months hiwalayan mo na. Kuya please? Para sa akin."

"No. Hindi ako gagamit ng tao para lang sa sarili mong ikabubuti."

"Bahala ka kuya! Basta sinabi ko kay Herriette na may gusto ka sa kaniya!" At doon iniwan ako ni Viana.

Sinabi ni Viana na may gusto ako kay Herriette? Hindi naman siguro iyon bibigyan ng pansin ni Herriette, alam kong wala siyang interes sa mga lalaki. I think aakto nalang ako na hindi ko alam na may sinabi sa kaniya si Viana.

Tama naman na hindi si Herriette ang tipo kong babae. Pero unang kita ko palang sa kaniya, nagustuhan ko na siya. Oo. Simula pa noong nagpakilala ako sa unahan at bigla siyang dumating.

Pero pinigilan ko 'yung nararamdaman ko noong bigla akong kinausap ni Dad.

Pigilan ko raw ang magmahal ng ibang babae dahil nakatakda na akong ikasal para raw sa pag-angat ng kompaniya namin. At sa tamang panahon ko raw ito makikilala.

I'm agreed. Hindi ako tumutol. Pagdating kay Dad, sinusunod ko lahat.

-

Lumipas ang mga araw, pansin ko ang pagka-ilang sa akin ni Herriette. Hindi ko nalamang binibigyang pansin iyon at patuloy lang sa pagtatrato sa kaniya sa kung anong pagtrato ko sa kaniya simula palang.

"Nasaan si Jacinth?" Tanong ko kay Herriette na ngayon at kasabay ko maglunch.

"Magkasama sila ni Viana. Nagpatulong sa akin si Viana para magkasabay sila maglunch ni Jacinth. So 'yon."

"Yung babae talagang 'yon."

"Hayaan mo lang ang cute kaya nila." Sagot niya na ikinangiti ko na lamang.

-

Jacinth's POV

"Bakit ka narito?" Tanong ko kay Viana na ngayon ay papaupo sa lamesa kung saan ako nakapuwesto.

Nasa GreenHouse kami ng school na kalimitang tambayan ng mga magcouple. Ang lamesang inuupuan ko ay may mga pagkain at sa tingin ko para ito sa lunch.

"Tinext ka ni Herriette?" Tanong niya bagi tuluyang makaupo.

"Yea, pumunta raw ako dito kapag lunch na." Ngumiti siya matapos ang sagot kong iyon. Alam ko na. Nagpatulong ang babaeng ito kay Herriette para makasabay ako sa pagkain.

Tumayo ako sa pagkakaupo at akmang aalis.

"T-teka saan ka pupunta, Jacinth?"

"Hindi pala si Herriette ang pupunta, aalis na ako."

"Teka! Sayang naman itong mga pagkain, kainin na natin." Aalis na sana ako ng sumigaw ito na ikinatigil ko.

"Gusto kita Jacinth!" Humarap ako sa kaniya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Ngumiti siya at tumitig rin sa mukha ko.

"Sorry, hindi kita gusto. Tigilan mo na ako." Matapos sabihin 'yon ay nawala ang mga ngiti niya. Nagsimula rin akong maglakad at tuluyan siyang iniwan.

-

Papasok ako sa cafeteria ng maabot ng paningin ko si Juliane at Herriette. Nagtatawanan sila habang magkasabay kumain.

Imbis na pumasok sa loob, lumiko ako ng direks'yon. Bigla nalang ako nakaramdam ng kung ano na hindi ko nagugustuhan.

Hindi ko alam pero dinala nalang ako ng paa ko palabas ng school para umuwi. Hindi na ako pumasok.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon