Jacinth's POV
Today was the 25th day of September. Herriette's birthday and also my birthday. Yes, magkaparehas kami ng birthday, nalaman ko ito n'ong nagk'wento siya sa'kin sa Boracay about her family.
Alam kong may party sa bahay ni Herriette dahil birthday niya. Minabuti kong huwag munang pumunta at hindi muna magparamdam, dahil balak ko sana kapag kami nalang dalawa.
Tanghali palang ay nagpunta na ako sa jewelry shop para kunin ang necklace na ireregalo ko kay Herriette. Kahapon ko pa ito ipinagawa at hango ito sa sarili kong desenyo. It was a two infinite number shaped heart.
Matapos kong makuha iyon lumabas ako ng jewelry shop. At sa hindi inaasahan nakasalubong ko ang isang babaeng sobrang pamilyar sa akin.
-
"How are you, Jacinth?" Panimula niya sa usapan.
"Bakit ka nandito, Hershelle?" I asked.
Narito kami ngayon sa isang cafe. She is my ex girlfriend when I was in US.
"Bakit ka nga pala nasa jewelry shop?" Pag-iiba nito sa usapan.
"Kailangan pa bang malaman mo? Wala ka na bang sasabihin? Aalis na ako, may pupuntahan pa ako." Bago pa man ako makaalis ay niyakap niya ako mula sa likod.
"Hindi ka ba masayang narito ako? Sinundan kita, Jacinth. Hinanap kita." Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa'kin at hinarap siya.
"Bakit ka pa bumalik?"
"I-I still love you, Jacinth please came back to me." Her tears are now flowing.
"We're done. Hindi ba't hiniwalayan mo ako kasi ang sabi mo hindi mo na ako mahal?"
"Ginawa ko lang rason 'yon pero ang totoo hiniwalayan kita kasi ang sabi ng Dad mo kinasal kana!" Napatigil ako sa sinabi niya at doon umupo ulit.
"Kinausap ako ng Dad mo ng hindi mo alam. He told me na hiwalayan kita. Hindi ako pumayag n'ong una kasi ang dahilan lang niya ay hindi niya ako gusto para sa'yo. At kung 'yun lang ang dahilan kayang kaya kitang ipaglaban dahil mahal kita, pero.."
"Paalis na ako n'on para iwan ang Dad mo dahil wala siyang mapapala sa'kin, kasi hindi kita hihiwalayan. And you know what? Bigla niya sa'king sinabi na kasal kana."
"Noong una hindi ako naniwala, pero pinakita niya sa'kin 'yung marriage paper niyo. At alam mo 'yung masakit? Sa kapatid ko pa. Ang gulo lang sa'kin bakit hindi mo sinabi, pero nalaman ko na hindi niyo rin pala alam na dalawa na kasal kayo dahil bata palang kayo ng ikasal. Pagkatapos n'on? Hiniwalayan kita, kahit masakit." Nagulat ako sa sinabi niya. Ako? Kasal? Kanino? Paanong ikakasal ang bata?
"May kapatid ka?" 'Yun nalamang ang tangi kong naitanong kahit marami akong katanungan. Naguguluhan ako.
"Yes, actually hindi ko rin alam na may kapatid ako. Nalaman ko nalang na pinaalagaan lang pala ako sa mga kinikilala kong parents sa US at kapatid ko ang babaeng 'yon sa ama. Kaya pala iba ang apelyido ko compare sa parents ko." Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib. Kaya ba sila magkamukha? Tama ba ang iniisip ko? Kaya ba magkaparehas kami ng apelyido?
"What is your sister's name?"
"Herriette." Matapos marinig 'yon ay napako ako sa kinauupuan ko.
"Pero ngayon bumalik ako dahil nabalitaan kong pawawalan ng bisa ang kasal niyo. Narito ako para bumalik sa'yo, Jacinth." Matapos marinig 'yon ay agad akong tumayo ng mabilis. Hindi ako papayag na pawalan ng bisa ang kasal! Kailangan kong kausapin si Dad and Herriette as well. Kailangan niyang malaman 'to.
Akma akong aalis ng tawagin ulit ni Hershelle ang pangalan ko.
"Jacinth!"
"Thank you sa mga sinabi mo Hershelle. But I'm sorry hindi na ako babalik sa'yo. I'm now in love with her, with your sister. My wife."
Mabilis kong nilisan ang cafe at dumeret'yo sa office ni Dad. Hindi parin malinaw sa akin ang lahat. Ang tanging alam ko lang ay , oo kasal ako kay Herriette, asawa ko siya. Pero paano? At bakit kami pinaghihiwalay?
-
"Dad totoo bang kasal ako si Herriette?!" Sigaw ko kay Dad na ngayon ay kalmado lang na nakatayo.
"Saan mo naman nahagip 'yan?" Tanong nito na wari mo'y walang alam.
"Huwag niyo na akong paikutin Dad! Kaya ba parehas kami ng apelyido? Hindi talaga kami magpinsan diba? Dad! Please ipaliwanag niyo naman!"
"Oo! Hindi kayo magpinsan, ikinasal kayo. Pero wala naring saysay kung malalaman niyo dahil pawawalan narin namin ng bisa ang kasal niyo."
"Bakit Dad?"
"Huwag kanang magtanong, pirmahan mo ang marriage annulment na ito!" Ibinato sa'kin ni Dad ang papel na iyon bago umalis. Tinitigan ko lang iyon at hindi pinirmahan.
Lumabas din ako sa office ni Dad at doon nakita si Mom. Kinausap niya ako.
Naliwanagan ako sa lahat ng nangyari noong magkuwento sa'kin si Mom.
Ngayong nalaman kong hindi pala talaga kami magpinsan ni Herriette- na ikinasal pala kami lalo ko siyang gustong ipaglaban.
-
Dala ko ang malawak na ngiti, nahagip ko ng paningin si Herriette. Akma siyang papasok sa loob ng bahay nila ng yakapin ko siya.
Pero pinagtabuyan niya ako. Balak kong sabihin sa kaniya ang mga nalaman ko. Balak kong sabihing hindi kami magpinsan, balak kong sabihing mag-asawa kami kaya magkaparehas kami ng apeyido pero ang balak na iyon ay naging hanggang balak nalang. Hindi niya ako nagawang bigyan ng oras para patapusin sa pagsasalita.
Napako ako at nasaktan sa sinabi niya dahilan para umalis ako. Nakatakda na siyang ikasal kay Juliane at mahal niya ito.
Umalis ako at iniwan si Herriette. Wala naring saysay kung malalaman niya ang bagay na iyon dahil mahal niya si Juliane.
Mas mabuti sigurong wala nalang siyang alam, walang ikinasal at walang naghiwalay. Pipirmahan ko na ang marriage annulment.
Ang palayain siya, siguro 'yun na ang magandang birthday gift na maiibigay ko sa kaniya.
But fvck! It's also my birthday pero bakit ganito? Bakit ang lupit yata sa'kin ng araw na'to?

BINABASA MO ANG
OUR SURNAME
Teen FictionA surname binds two strangers: Herriette, an only child bearing a surname unlike her parents', and Jacinth Reagan, a man who believes he has no living relatives in the Philippines. How can they share a surname when they should have no connection? A...