SPECIAL CHAPTER

998 51 23
                                    

Kabado akong nag-iintay sa labas habang nanganganak si Ate Hershelle.

Kinakabahan ako para sa kaniya at para sa kalalabasan kung anong mangyayari sa anak niya.

"Everything will going to be fine, wife. Just calm down. Juliane's there, trust him." Pagpapakalma sa'kin ni Jacinth.

Napatingin ako kay Nikolai na buhat ngayon ni Jacinth dahilan para mabawasan ang kaba sa dibdib ko.

Kinuha ko kay Jacinth si Nikolai- ang anak namin. He's now one year old.

"You're right hon, let's trust Juliane." Sambit ko habang nakangiti kay Jacinth.

Tama, pagkakatiwalaan ko si Juliane. Alam kong hindi niya pababayaang may mangyaring masama kay Ate at sa anak niya.

Naalala ko noon, sobrang natrauma si Ate Hershelle dahil hindi nabuhay ang unang anak niya. Hirap siya sa panganganak kaya ngayon kinakabahan ako na baka maulit ulit.

Kung nabuhay lang ang anak niya noon, sana magkasing-edad na sila ni Nikolai.

Napatayo ako ng biglang dumating si Juliane- galing sa room kung nasaan si ate.

"How's Ate Hershelle? How's the baby?" Mabilis kong tanong dito.

He smiled and utter, "Hershelle is fine. And the baby survived! They made it!"

I heaved a sigh as I heard that. Mabuti naman at nakayanan ni ate. Na nagawa ng baby na mabuhay.

"Congrats Juliane." Pagbati ni Jacinth dito.

"Congrats dahil successful ang pag-papaanak mo kay ate. Congrats! You're a daddy now!" Dagdag ko na lalo niyang ikinangiti. Juliane is a Doctor at siya ang nagpaanak kay ate.

"Siguro dapat ikaw lang ang magpaanak kay ate para maging maayos lahat. Tama palang pinagkatiwalaan ka namin. Syempre hindi mo hahayaang may mangyaring masama sa sarili mong anak at sa asawa mo right?"

Juliane blinked three times before utter, "O-oo! Oo naman!"

Ngumiti ako at tumingin kay Jacinth. Ibinigay ko rin si Nikolai sa kaniya.

"By the way, where's the baby?" I asked.

Matapos kong tanungin si Juliane ay dinala niya kami sa kuwarto ni Ate.

Pagkapasok namin ay wala pa ang bata kaya umupo muna kami at naghintay.

A minutes after, dumating si Juliane kasama ang bata.

"I thought your baby is a boy?" I asked as I saw the baby. The baby is now beside her mommy.

"Siguro nagkamali lang ako ng tingin noong nagpa-ultrasound."

"Anyways, ate congrats! You made it! You're a mommy now. Are you happy?" Tanong ko kay ate at doon pinilit niyang ngumiti at makagalaw para tingnan ang baby.

"I'm very happy. Thank you, love." Sambit niya kay Juliane.

"May pinsan kana baby Nikolai!" Paglalaro ko kay Nikolai na ngayon ay nakaupo sa lap ng Daddy niya.

-

Years had passed. Malaki narin ang mga anak namin. Magkalapit lang ang bahay namin sa bahay nina Ate Hershelle at Juliane.

Magkasabay na lumaki si Nikolai- ang anak namin ni Jacinth at si Alexandria na anak nina ate kaya malapit na malapit sila sa isa't isa.

"Hoy hala ka anak! Bitawan mo si Alexandria! Bakit mo siya hinalikan?" Pagpigil ko kay Nikolai.

"Ang ganda po kasi ng lips ni Alexandria kulay orange." Sambit nito.

"Ang sabi po ni Nikolai pag lumaki na kami, papakasalan niya raw po ako." Dagdag ni Alexandria dahilan para tawagin ko sina Jacinth, Hershelle at Juliane.

"Tingan niyo mga anak natin, magpapakasal raw sila HAHAHA."

"Anak ang mga ganiyang bagay ay wag niyo muna iisipin ang babata niyo pa. 6 years old palang kayo." Wika ni Hershelle habang binubuhat si Alexandria.

"Mag pinsan kayo ok? Iba nalang anak." Wika ko kay Nikolai. Binuhat ko ito at inihagis kay Jacinth.

"Pagsabihan mo anak mo, hon. Manang mana sa'yo walang pinipili kung sino hinahalikan."

"Ganiyan ang mga guwapo, wife."

"Isama mo ako, Jacinth." Dagdag ni Juliane.

At doon nagtawanan kami ng sabay sabay. Ang saya lang makita na nagkakatuwaan kami ng sama sama.

Kasama ang sari-sarili naming pamilya.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon