CHAPTER 7

542 36 2
                                        

Juliane's POV

Kinausap ako ng kapatid kong si Viana- she's my twin sister. Nagpupumilit siyang isama ko sa group namin. Gusto niya raw na ako ang makagrupo niya dahil kapatid niya ako pero ang totoo si Jacinth lang naman ang habol niya dahil may gusto siya rito.

Bakit nga ba hindi ko siya isinama simula palang? Simple lang, dahil kapatid ko siya at alam kong hindi 'yun gagawa o tutulong dahil ako ang leader. Magpapakapante nalang 'yon o magpapakaprinsesa na ayaw kong mangyari, hindi puwedeng puro asa nalang siya kailangan niyang magpaka-independent.

Hindi sapat ang pagiging matalino niya kailangan niya ring gamitin 'yun.

-

"Lawak ng ngiti mo ah? Kanina hindi ka nakibo." Pagpansin ko kay Herriette. Kasama ko siya ngayon para puntahan si Jacinth.

Dederet'yo na kami sa bahay ko para gawin ang project kahit wala si Allisha. Alam kong makakasabay naman 'yon sa susunod.

"Ha? Hindi naman." Sagot niya at nginitian ko lang siya.

"Yan na pala si Jacinth."

"Pinsan!" Pagtawag din ni Herriette dito.

"Hala, wala nga pala si Allisha, so ako lang pala babae dito?" Si Herriette.

"Wala naman kaming gagawing masama sa'yo HAHAHA. T'yaka pinsan mo 'yan oh. Isa pa maraming tao sa bahay pati na rin si Viana."

"Tara na?" Pag-aaya ko. Pinasakay ko na sila sa kotse ko na nakapark dito sa loob ng school. At pumunta na sa bahay.

-

Herriette's POV

Narito kami sa isang vacant room sa bahay ni Juliane. Dito walang mas'yadong gamit at malaya kang makakilos.

Inihanda na namin ang mga gagamitin namin para sa experiment. I'm also holding a pen and paper para i-take down ang mga discoveries namin.

Si Juliane at Jacinth ang kumikilos para sa experiment habang ako ang nagsusulat ng mga nangyayari at nagtatake ng photos.

Narito rin pala si Viana, nanonood lang sa amin.

"Ate Herriette." Bulong sa akin ni Viana na katabi ko.

"Ang guwapo ng pinsan mo 'no?" Dagdag nito na ikinalawak ko ng ngiti.

"Crush mo?" I asked as if I'm teasing her.

"Oo ate. Ilakad mo naman ako."

"HAHAHA I'll try, Viana."

"Okay done!" Sigaw ni Juliane. Bigla akong napatitig sa kaniya.

"Ate! Ate!" Pagtawag sa akin ni Viana. Hindi ko namalayan napatulala na pala ako. Hala!

"Puwede na kayong umuwi, gagawa nalang tayo ng Power Point para sa presentation at mag-aayos ng papers. Bukas nalang ulit." Sambit ni Juliane.

"Ihatid ko na kayo?"

"Huwag na. Kaya na namin." Si Jacinth.

"Sigurado kayo?"

"Oo naman, diba pinsan?" Si Jacinth.

Tatanggi sana ako dahil gusto kong ihatid ako ni  Juliane, pero ngumiti sa akin si Jacinth na nagsasabing umo-o nalang ako kaya wala na akong nagawa.

"Ingat kayo ate Herriette. Ingat ka Jacinth." Pagpapaalam sa amin ni Viana bago tuluyang makalabas ng bahay nila.

-

"Hoy!" Kasalukuyan kaming nasa labas ngayon ni Jacinth at nag-aabang ng sasakyan.

"What?"

"What what mo mukha mo! Dapat nagpahatid nalang tayo kay Juliane, ayan! Naglalakad tayo ngayon."

"Gusto mo lang makasama si Juliane eh, para paraan ka."

"Pake mo!"

"Huwag ka ngang maingay." Dahil sa inis sinugod ko siya at sinuntok suntok pero lahat ng 'yon ay nailagan niya.

Sa hindi inaasahan napamali ng ikot ang paa ko at na out of balance ako. Napapikit ako sa pag-aakalang mahuhulog ako pero noong mumulat ako ay nasalo niya pala ako.

Nasa dibdib niya ako ngayon habang hawak hawak ako.

Rinig ko ang lakas ng kalabog ng dibdib niya. Napatingin ako sa mukha niya at doon napatingin ako sa mata niya. Bigla nalang akong nakaramdam ng pagtigil ng mundo.

Nagtagal kami sa gano'ng posis'yon bago tuluyang umayos sa tayo.

"Bilisan na natin, malapit na magdilim." Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad.

It took me a couple of minutes bago tuluyang bumalik sa matinong pag-iisip. Napatulala na pala ako.

"Hoy pinsan hintayin mo nga ako!" Paghabol ko kay Jacinth.

-

"Dito na ako. Salamat sa paghatid. Ingat ka pinsan!" Ngumiti siya sa akin bago tuluyang tumalikod at umalis. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay, wala pa ang mga parents ko siguro busy pa sa trabaho kaya't dumeret'yo na ako sa kuwarto.

Humiga ako sa kama ko at binuksan ulit ang laptop ko. I don't know but I found myself stalking Juliane on Facebook.

Gosh! Hindi ko ito gawain!

Dahil doon tinawagan ko si Allisha through phonecall.

"Oh bakit?" Salubong sa akin ni Allisha sa kabilang linya.

"Alli! Hindi ko alam nangyayari sa akin. Alam mo ba nagselos ako kanina sa kasamang babae ni Juliane? Eh kapatid lang pala niya 'yon tapos ngayon I'm stalking him. Anong nangyayari?" Sunod sunod na tanong ko.

Ilang minuto akong nag-intay sa sasabihin ni Allisha pero hindi siya nagsasalita.

"Hoy Allisha!"

"Nandiyan ka pa ba?"

"Omyghaddddd sisss! Waaa dalaga ka naaaaa!" Biglaang sigaw nito sa kabilang linya dahilan ng paglayo ko ng phone sa tainga ko.

"Huwag ka ngang sumigaw. Ang sakit sa tainga."

"Sorry sis. Myghad! I'm so happy for you. Nagkakacrush kana!"

"Do you think I really have a crush on him?"

"Oo namam sis. Nagseselos ka kapag may kasamang iba si Juliane?"

"Oo, kanina."

"Gusto mo lagi siyang tinititigan?"

"Oo rin."

"Gusto mo kasama mo siya lagi?"

"I think yes? Gusto ko nga kanina siya maghatid sa'kin eh."

"Yieeeeeeeee. Confirmed sis!"

"Anong confirmed?"

"May gusto ka sa kaniya."

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon