CHAPTER 27

405 25 2
                                    

Herriette's POV

Nakatayo lang ako sa office ni Mom habang hinihintay siya. Marami akong gustong itanong sa kaniya. Gulong gulo na ang utak ko.

What does the marriage annulment means? Bakit naroon ang pangalan ko at ang pangalan ni Jacinth?

"Are you done signing the paper?" Tanong ni Mom ng makabalik na sa kaniyang office kung saan ako naroon.

Nakatitig lang ako kay Mom at walang kahit anong ginagawa.

"B-bakit?" She stuttered then she saw the paper- it's now unfolded. Kita ko ang pagkagulat ni Mom.

Kinuha ko ang papel na iyon na nakapatong sa lamesa ni Mom at iniharap sa kaniya.

"Mom, anong ibig sabihin nito?!" My voice was cracked.

"P-paanong nangyari 'to Mom? Kaya ba magkaparehas kami ng apelyido? Kasal ba kami ni Jacinth!?" Hindi nakapagsalita si Mom na naging sapat na para malinawan ako.

"Mom! Ang dami dami naming pinagdaanan, ang dami dami naming pinaghirapan, ang dami daming sakit na naramdaman ko dahil sa pag-aakalang magpinsan kami tapos ito? Mag-asawa pala kami? Fvck!" I couldn't help but to raised my voice.

"A-alam niyo bang mahal na mahal ko si Jacinth? I struggle hard just to forget my feelings from him kasi ang alam ko mali at siguradong maraming tututol at manghuhusga sa'min. Kaya kahit hindi ko gusto, pumayag ako sa kasunduang kasal kay Juliane!" Tears came out from my eyes.

"Bakit hindi niyo agad sinabi? Bakit hinayaan n'yong magkaganito kami? Bakit Mom? Bakit ngayon pinaglalayo niyo kami?" Napaupo nalang ako dahil sa panghihina, tears are still flowing behind my eyes.

Nagulat nalang ako ng magsimulang magsalita si Mom. Ikinuwento niya lahat sa'kin. Lahat lahat. And just like that, nalinawan at nabigyan ng sagot ang aking mga katanungan.

"Tumawag sa'kin ang Dad ni Jacinth. Pumayag na raw itong pirmahan ang Marriage Annulment ngayon. That's why I tried na papirmahan na sa'yo ang papel na 'yan." Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Mom.

"Alam ba ito lahat ni Jacinth?"

"He already knew since your birthday." I froze naalala kong may gustong sabihin sa akin si Jacinth noon pero pinagtabuyan ko agad siya.

"You still have time, sa oras na mapirmahan ni Jacinth ang marriage annulment babalik sila sa US ngayon din and will not came back here in the Philippines anymore."

And just like that, mabilis kong nilisan ang office ni Mom.

Agad kong dinial ang number ni Jacinth. Makailang beses akong tumawag pero hindi siya sumasagot.

Fvck. Sagutin mo Jacinth.

Matapos ang ilang beses na pagtawag ko ay nagsend nalang ako ng message.

"Jacinth please sagutin mo naman."

It took me a couple of minutes until I decided na pumunta nalang sa bahay ni Jacinth.

Alam kong mahal niya pa ako. At mahal ko rin siya. Kailangan ko siyang makausap, kailangan naming maayos ang meron sa'min hangga't hindi pa huli ang lahat.

Agad akong sumakay ng sasakyan papunta sa bahay nila. Kinapa ko ang bulsa ko para sana tawagan ulit si Jacinth pero wala.

Fvck! Naiwan ko ang cellphone ko!

Nakarating na ako sa bahay ni Jacinth. May guard sa harap ng gate nila kaya agad ko itong tinanong.

"Nasaan si Jacinth?"

"Umalis p--" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng guard. Mabilis akong nag-abang ng sasakyan para pumunta sa airport.

Umalis na siya. Hindi! Hindi! Kailangan ko siyang maabutan.

Narito na ako sa airport. Tiningnan ko ang mga listahan ng mga nakalipad ng eroplano. My lips were trembling the way my hands are. Kinakabahan ako sa makikita ko.

My eyes started to create tears and later on it flows.

Nakalipad na ang eroplanong papunta sa US- 1 hour ago. Siguro kanina niya pang napirmahan ang Marriage Annulment.

Nanghina ako at naglakad ng dahan dahan paalis ng airport. Wala na.

Wala na akong pag-asa. Napirmahan na niya at nakalipad na siya sa US.

Hindi na siya babalik.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon