CHAPTER 22

386 27 2
                                    

Herriette's POV

Nandito ako sa kitchen tulala dahil sa mga sinabi ni Juliane. So he like me. Hindi agad ako nakapagsalita n'on, speechless ako hanggang sa makauwi. Hindi ko kasi alam ang dapat sabihin.

And sabi niya lang sa'kin, pag-isipan ko.

"Herriette let's talk, ituloy natin 'yung usapan natin." Pagdating ni Mom sa harapan ko. Sumunod ako sa kaniya sa may office niya sa loob ng bahay.

"Layuan mo si Jacin--" I didn't let my mom finish her sentence.

"Nilayuan ko na siya, Mom. Tanggap kong we're not meant to be each other. Mali dahil magpinsan kami."

"That's good to hear. By the way, I have something to tell. Isa rin dapat ito sa sasabihin ko noon pero hindi mo ako pinatapos." Tumingin lang ako kay Mom, hinihintay ang sasabihin niya.

"Nabalitaan kong magkakilala at same school pala kayo, kaya naman siguro kailangan mo ng malaman."

"Juliane E. Parsley, you know him right?" I was partly shocked of my Mom's question.

"What's with him?" I asked in total confused.

"You and him are going to get married soon. Sinabi ko na ngayon para mapigilan mo ang nararamdaman mo sa iba. At bukod rin sa pagiging pinsan niyo ni Jacinth isa rin ang dahilang ito."

"Mag-ayos ka mamayang gabi, makikipagkita tayo sa kanila."

-

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi na ako nakatanggi kay Mom matapos malamang si Juliane ang itinakda sa'kin.

Narito kami sa isang sikat na restaurant. Kaharapan namin ngayon ni Mom si Juliane at ang Dad niya.

Tumingin ako kay Juliane, mukhang hindi siya gulat at malawak lang ang mga ngiti niya. Huwag niyang sabihing alam niya 'to matagal na?

A minutes later, napagdesis'yunan ni Mom at ng Dad ni Juliane na iwan kami sa restaurant na iyon.

"Alam mo lahat ng 'to?" I asked.

"Remember the day na ikinalat ni Viana ang mga larawan niyo ni Jacinth? When I said na magiging ate ka ni Viana? It wasn't just a reason, alam ko na noon na ikakasal ka sa'kin, so I used that."

"B-bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?"

"Remember the time na nasa Green House tayo? I talk to you, that time sasabihin ko na sana pero pinigilan ko dahil ayokong makadagdag pa sa poproblemahin mo at para narin makapag-isip ka ng maayos."

"The day after that, I thought you chose to sacrifice your love for him para maging tama lahat. But you said, lalaban ka kahit mali. Kita ko noon ang pagkagusto mong ipaglaban si Jacinth kaya hindi na ako umasa at the same time nasaktan HAHAHA. So hindi ko na lang sinabi."

"Kailan mo pa ako nagustuhan?"

"The first time I saw you." Kumabog ng mabilis ang dibdib ko matapos marinig 'yon. Matagal na pala?

"Nagustuhan na agad kita kahit hindi naman ikaw 'yung tipo ko. 'Yung time naman na nagtrip kami sa ibang bansa together with my twin sister? 'Yung umabsent kami? Doon ko nalaman kay Dad na nakatakda na akong ikasal pero hindi ko pa kilala kung kanino, since that pinigilan ko nararamdaman ko sa'yo, but then nalaman kong sa'yo pala ako ikakasal kaya bumalik bigla lahat, hindi ko na napigilan."

"About kay Viana, sinabi ko sa kaniya ang about dito no'ng matapos siyang nag-eskandalo siya sa hallway. Naging ok naman sa kaniya, pero hindi siya nakapagtimpi no'ng mangyari ang nangyari sa inyo ni Jacinth n'ong program."

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon