CHAPTER 8

504 33 1
                                    

Katulad ng nangyari kahapon, pumunta ulit kami sa bahay ni Juliane para tapusin ang project. Pero ngayon, inihatid na niya kami.

Kinabukasan, biyernes- ang araw na dapat matatapos na ang activity namin, nagkaroon ng problema sa bahay ni Juliane at hindi muna kami p'wedeng pumunta kaya napostponed. Ang sabi sa sabado nalang daw.

Dumating ang sabado. Narito kami sa harapan ng bahay ni Juliane at kasama na namin ngayon si Allisha.

"May problema pa sa loob eh, hindi pa yata p'wede. Kaninong bahay puwede? Reportings nalang naman gagawin eh."

"Bawal sa amin." Agad na tugon ni Jacinth.

"Kanino puwede?" Tanong ulit ni Juliane.

"Condo lang ang meron ako kaya ekis na ako." Si Allisha.

Matapos 'yon ay nagtinginin silang lahat sa akin.

"P-puwede naman sa'min. Kaso kasi maraming tao? Reunion namin ngayon at sa bahay namin ginaganap, hindi muna ako umattend. Ok lang ba? Medyo maingay don."

"Anong dahilan mo bakit bawal sa inyo, Jacinth?" Tanong ni Juliane na ngayo'y nakaharap na dito.

"Wala. Ayoko lang."

"Okay let's go. Sa bahay tayo ni Jacinth."

"Hoy hindi pa ako pumapayag!"

"No buts. Para sa grade. Saan ba daan?"

"Tss, doon." Hindi na nakapalag pa si Jacinth at doon nagsimula kaming bum'yahe papunta sa bahay ni Jacinth sakay ng kotse ni Juliane.

-

"Wow! Ang ganda ng bahay niyo Jacinth!" Papuri ni Allisha matapos makita ang kabuuan ng bahay ni Jacinth.

"Dito nalang tayo. Walang may-ari ng kuwarto na 'to."

Matapos niya kaming dalhin sa isang kuwarto ay nagsimula na kami at agad rin kaming natapos.

"Mag-isa ka lang ba dito, pinsan. Parents mo t'yaka wala ba kayong katulong?" Tanong ko kay Jacinth. Naghuhugas kami ngayon ng pinagkainan namin.

"Nasa trabaho pa ang parents ko. At wala kaming katulong. Bakit pa? Laging wala si Mom and Dad at ako lang ang nag-iisang anak nila, 'di ko na kailangan 'yon."

"Ahh. Oo nga pala pinsan. Ang ganda ni Viana 'no?"

"So?"

"Hindi mo ba siya nagugustuhan?"

"Pinapatawa mo ba ako?"

"Sadya--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng dagdagan niya ang sinabi niya.

"Mas maganda ka parin don."

Napatigil at napatulala nalang ako matapos kong marinig 'yon. I don't know what to feel. His words lingered in my ears. I felt something strange pumped inside my heart. Hindi ko maintindihan.

"A-ah tapusin mo na 'yang nililigpitan mo." Sambit niya para bumalik ako sa ginagawa ko.

-

Nasa labas na si Juliane at si Allisha, naiwan ako sa loob dahil may naiwan ako.

Papalabas na ako ng bahay ni Jacinth ng makasalubong ko ang parents nito na magkasama.

"Iha, kaibigan ka ng anak kong si Jacinth?" Tanong ng Mom ni Jacinth.

"Pinsan niya po ako na schoolmate niya rin. May project po kaming magkakagrupo kaya nandito po kami."

"Pinsan? Bakit hindi yata kita kilala?" Dagdag na tanong ng lalaking matanda na alam kong Dad ni Jacinth.

"Siguro po malayo niyo po akong kamag-anak."

"Anong pangalan mo, iha?"

"Herriette po. Herriette Cosmus Reagan." Matapos kong sabihin ang pangalan ko ay nag-iba ang ekspresyon ng mag-asawa. Nawala ang ngiti nila at hindi ko alam kung bakit. Pero noong makalaon naman ay ngumiti ulit sila sa akin at'saka ako nagpaalam umalis.

-

Jacinth's POV

"Lumayo ka sa babaeng 'yon!" Sigaw sa akin ni Dad at hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi sa akin ito ngayon.

"Bakit Dad? Diba pinsan ko siya?"

"Oo pinsan mo. Pero hindi ko siya gusto! Lumayo ka sa kaniya!"

"Tss, that's your second time to forced me to distance myself from someone just because you didn't like that person."

"Sinusumbatan mo na ba ako ngayon?"

"Hindi ko na hahayaang may mawala sa akin at magsakripis'yo na naman para lang sa sarili n'yong kagustuhan."

"Diba dahil naman sa in'yo kaya iniwan ako ni Hershelle?"

"Wala akong alam sa pag-iwan niya sa'yo. Sinabihan lang namin siyang ayaw namin sa kaniya para sa'yo."

"That's it Dad. Lumaban kami para sa relas'yon namin kahit ayaw niyo. Sabay kaming lumaban. Pero lahat ng pinagdaanan namin nasayang. Bigla nalang niya akong iniwan ng walang dahilan. Nagmakaawa pa siya sa'kin para palayain ko siya, noong una sabi ko lalaban ako kahit mag-isa ako pero hindi ko siya napigilan, sinabi niya pang hindi niya na ako mahal. Alam kong kayo ang dahilan kung bakit siya sumuko, Dad." Tumalikod ako at ngayon ay nasa pinto na palabas sa office ni Dad.

"I'm sorry Dad, but I have my own decision. Hindi niyo ako kontrolado. Hindi ko man nahanap ang rason kung bakit ayaw niyo kay Hershelle para sa akin noon, ngayon hindi ko na ulit hahayaang mangyari 'yon. I know you have reason kung bakit gusto mong layuan ko si Herriette. Kung ayaw niyong sabihin ako ang mismong maghahanap." And there, I left my Dad.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon