Harriette's POV
Natapos ang presentation namin at nakakuha kami ng perfect score. Ang galing talaga ng leader namin, akalain mong si Juliane ang lahat na nakasagot sa lahat ng mga katanungan ni Professor.
"Bakit nga pala hindi ka sa Section A napunta, Juliane?" Tanong ko dito na katabi ko ngayon.
"Hindi ako nakapag take ng entrance exam."
"Ahh kaya pala, ako kasi tamad, hindi ko binasa mga tanong noong nag entrance exam, akala ko wala lang 'yon kaya binasta basta ko." Atsaka ako tumawa.
Tumawa lang din siya at sa pagtawa niya bigla nalang bumagal ang takbo ng paligid. Tanging siya lang ang nakikita ko at nakakapagbigay iyon ng kabog sa'king dibdib.
Gusto ko si Juliane. Oo, gusto ko siya.
-
Natapos ang klase. Nagulat ako ng makitang nasa labas ng room si Jacinth.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya.
"Pinsan kita diba?"
"And?"
"Sabay na tayong umuwi, ihahatid kita sa in'yo." Pag-aaya nito. Lumapit ako sa kaniya at sinanggi siya sa braso.
"Ihahatid na ako ni Juliane. Pinsan, kilig moment ko ito, wag kang epal." Pagbulong ko rito. Sa tingin ko naman ay magkaclose na kami kaya nasasabihan ko siya ng mga ganitong salita.
"Tinatanggihan mo ang pinsan mo?"
"Hindi naman sa ganon pinsan, eh kasi malay mo simula na ito ng love story namin HAHAHA." Pagtawa ko kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.
"Juliane!" Bigla niyang pagtawag kay Juliane na ngayon ay papalapit sa amin.
"Ako muna maghahatid sa pinsan ko ha?" At doon hinila niya na ako paalis kaya hindi na ako nakapalag.
-
"Nakakainis ka! Moment ko na 'yon!" Reklamo ko habang naglalakad kami. Wala na nga pala ako laging sundo dahil pinatigil ko na, paghahatid nalang papuntang school ang gawain ng driver ko.
"Ayaw mo ba makasama 'yung guwapo mong pinsan?"
"Guwapo? Yaks."
"Oo, daming babae humahabol sa'kin sa school."
"Mas guwapo si Juliane. Oo nga pala pinsan, hindi ba kayo close? Ilakad mo nga ako." Pagbibiro ko rito.
"Hindi kami close." Malamig na tugon niya. "Babae ka, hindi dapat ikaw ang nagpapalakad or gagawa ng first move. Hayaan mong sila ang lumapit sa'yo." Seryosong sambit niya habang nakalapit ang mukha sa mukha ko.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko noong sandaling mapatitig ako sa mata ni Jacinth.
"Pinsan kita kaya concern ako sa'yo." At doon ginulo gulo niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.
"O-oo naman pinsan! Oo tama. Pinsan." Lumayo ako sa kaniya at nauna ng maglakad.
-
Jacinth's POV
Nakapasok na ng bahay nila si Herriette. Nagsimula akong maglakad palayo ng may kotseng tumigil sa harapan ng bahay nila.
Nakita ko ang paglabas ng isang medyo matanda ng babae mula rito.
Tumitig ako sa kabuuan ng mukha nito hanggang sa pumasok na ang babae sa loob ng bahay ni Herriette. I think it's her mother.
She's familiar. I'm very sure that I already saw her before.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at sa ilang minutong pag-iisip pumasok sa akin ang nangyari kahapon.
'Yung babae, nakita ko siyang kausap ni Dad sa isang cafe.
I think I already knew the reason kung bakit pinapalayo ako ni Dad kay Herriette. At kung bakit rin sinabi ng Mom ni Herriette sa kaniya na huwag maglalapit sa akin.
It's because magkaaway ang kompaniya nila at kompaniya namin.
Siguro ay walang alam si Herriette tungkol dito at wala akong balak sabihin. Ayokong lumayo siya sa akin, ngayon pang napapalapit na ang loob ko sa kaniya.
At oo, habang tumatagal gumagaan ang pakiramdam ko sa kaniya at nagiging komportable na akong kasama siya.
BINABASA MO ANG
OUR SURNAME
Roman pour AdolescentsSi Herriette na nag-iisang anak ng mag-asawang Cosmus ay kaiba ang apelyido sa kaniyang magulang. Makikilala niya ang lalaking nagngangalang Jacinth Reagan at magiging malapit dahil sa magkaparehas nilang apelyido. Ngunit ang alam ng binata ay wala...