Herriette's POV
Mabilis akong naglakad pababa ng classroom namin at dumeret'yo sa building ng Section A.
Nasa pasilyo na ako ng makita ang isang lalaki na nakasandal sa isang sulok. At doon ko nalamang naalala na hindi nga pala pumasok si Allisha. Gosh! Bakit ako nandito?
Sumilip ako sa lalaking nakatayo, may hawak siyang panyo at nakatitig dito. Mas lalo ko pang inilapit ang ulo ko para makita iyon at doon ko nakita na may nakaburdang pangalan dito.
'Reagan' iyon lamang ang nabasa ko dahil taklob ng kamay niya ang kalahating bahagi noon. Humakbang ako ng tatlo dahil sa kuryosidad kung sino ang lalaki, bakit mukha yatang magkaparehas kami ng panyo?
"Uy!" Napasigaw ako ng biglang may humawak at gumulat sa akin mula sa likuran ko.
"B-bakit ka ba nanggugulat?" Tanong ko kay Juliane matapos niya akong gulatin.
"Nagulat ba kita? Sorry hehe."
"O-ok lang. Bakit ka nga pala nandito?"
"Remember? May obligasyon ako sa group activity natin at ako ang maghahanap ng 2 students na makakagroup natin mula sa section A." Oo nga pala! May activity kami which is consist of 4 members every group at kailangang collaboration ito between section A and B.
"Samahan mo akong maghanap?" Pag-aaya nito sa akin.
"Si Allisha 'yung best friend ko, hindi naman 'yun makakatanggi sa akin."
"Kulang pa ng isa. Tara hanap--" Hindi na naituloy ni Juliane ang sasabihin niya ng bigla nalang may lumabas na isang malamig na boses.
"Ah, ako nalang." Sabay kaming napatingin ni Juliane sa nagsalita. Siya! Siya 'yung lalaking may hawak ng panyo. Si Jacinth. Hindi ko na pala siya naalala.
"Oh! So ok na pala!" Pagpalakpak ni Juliane habang nakangiti. "Bukas na tayo mag-usap, tara na Herriette, hatid na kita sa in'yo?" Tumango nalang ako pero bago pa man kami tuluyang makapaglakad ay tinawag ako ni Jacinth.
"Herriette C. Reagan." His voice was cold and flat. Agad akong tumingin sa kaniya.
"It's yours, right?" He asked while the handkerchief is now hanging on his right hand. Oo nga pala! Nawala na sa isip ko 'yung panyo, kaya pala kaparehas ng akin, akin pala talaga 'yon.
"O-oo." At doon kinuha ko ang panyo.
"Tara na. Ihahatid pa kita." Paghila sa akin ni Juliane pero bago pa man ako makaharap sa likod ay hinawakan naman ni Jacinth ang pulsuhan ko.
"Nakakasigurado ka bang ligtas ka sa kaniya kung siya ang maghahatid sa'yo?" Walang ekspresyong sambit nito na ikinatulala ko.
"Mukha ba akong may gagawing masama?" Balik na tanong ni Juliane. Pinanggigitnaan nila akong dalawa at kita ko ang kuryenteng naglalaban sa pagitan ng kanilang mga mata. Wait? What's happening here?
"Who knows? I think mas safe siya kung ako ang maghahatid sa kaniya."
"Teka sino ka ba? At paano mo nasabing mas safe siya sa'yo?" Ramdam ko ang pag-iinit ang paligid at ang lahat ay nakamasid na sa amin.
"Jacinth. Jacinth Aquendo Reagan. I'm her cousin."
-
I've been staring at the ceiling blanky. Narito ako sa kuwarto ko at kasalukuyang nakahiga sa kama ko. Iniisip ko parin ang nangyari kanina.
"I'm her cousin."
So pinsan ko pala talaga siya? Napasimangot ako at ramdam ang pagkabigo. Agad ko namang sinabunutan ang sarili ko, ano itong mga nararamdaman ko? Baliw ka na talaga Herriette!
Maya maya ay napatulala na naman ako. Naalala ko lang 'yung nangyari kanina matapos ang sagutan nila ni Juliane. Hinatid niya lang naman ako hanggang main gate ng school. Mas safe pa raw sa kaniya sus! kung hindi lang siguro ako sinundo ng maaga matagal akong maghihintay sa labas.
Napatawa at napangiti nalang ako. Hindi siya masyadong nagsasalita noong naglalakad kami. Siguro ay nahihiya siya. Sobrang awkward ng atmosphere namin at wala talagang nagbubukas ng topic. Nagpasalamat nalang ako dahil sa panyo at noong nasa labas na kami ay nagpaalam na siya.
He's super cute and charming. Kung hindi ko lang siguro pinsan 'yun, baka sabihin kong crush ko siya.
Omyghad Herriette! Stop thinking like that! Aish! Matutulog na nga lang ako!
![](https://img.wattpad.com/cover/207856939-288-k15308.jpg)
BINABASA MO ANG
OUR SURNAME
Dla nastolatkówSi Herriette na nag-iisang anak ng mag-asawang Cosmus ay kaiba ang apelyido sa kaniyang magulang. Makikilala niya ang lalaking nagngangalang Jacinth Reagan at magiging malapit dahil sa magkaparehas nilang apelyido. Ngunit ang alam ng binata ay wala...