CHAPTER 5

543 33 3
                                    

Jacinth's POV

"Jacinth." Pagsalubong sa akin ni Mom pero hindi ko man lang ito pinansin at dumeret'yo paitaas sa kuwarto.

Humiga ako sa kama ko at inilabas ang cellphone ko. Pagkabukas ko ay bumungad agad sa akin ang larawan niya.

Pinakatitigan ko ito at'saka napagdesisyunang burahin na iyon.

Matapos 'yon ay kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang magstrum. Kasabay ng pagtugtog ng gitara ay ang pagkanta ko.

You must think that I'm stupid~
You must think that I'm fool~
You must think that I'm new to this~
But I have seen this all before~
I'm never gonna let you close to me~
Even though you mean the most to me~
'Cause everytime I'm open up, it hurts~
So I never gonna get too close to you~
Even when I mean the most to you~
In case you go and leave me in the dirt~

But every time you hurt me, the less that I cry~
And everytime you leave me, the quicker these tears dry~
And everytime you walk out, the less I love you~
Baby we don't stand a chance, it's sad but it's true~
I'm way too good at goodbyes...

-

Maaga akong umalis sa bahay para pumasok. Mahirap na baka sabayan na naman ako sa paglalakad ng babaeng 'yon. Ayoko pa man ding kasama ang maiingay.

Bago pa man ako makapasok sa gate, isang malakas at nakakarinding boses ang tumawag sa akin mula sa likuran ko.

"Hoy Jacinth! Pinsan! Hintayyy!" Tumalikod ako at nakita kong hingal na hingal siya.

"Kanina pa kitang tinatawag doon oh! Hindi ka man lang natingin. Puro ka kase earphone naku!"

"Ang ingay mo." 'Yun nalamang ang tanging nasambit ko. Kita ko ang inis sa mukha niya. Napangiti naman ako ng pasikreto at'saka nagpatuloy sa paglalakad.

Sinasabi kong ayaw kong kasama ang maiingay pero kapag nandiyan na siya nakakalimutan ko na 'yon. Siguro dahil  komportable ako sa kaniya kasi kamag-anak ko siya?

"Bakit wala yata 'yung best friend mo?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"3 days siyang mawawala. Bumalik ulit sa Laguna. Tumakas lang pala 'yon kaya nakapasok kahapon, pano kasi hindi pa pala nalilibing 'yung lola niya. Laki talaga ng sapak non." Hindi na ako nagsalita pa matapos ang sagot niyang iyon.

"Teka! Hoy tinanong kita kay Mom." Tumigil ako at tiningnan ko siya.

"Tinanong ko kung pinsan ba kita. Sabi ko, pinsan ko po ba si Jacinth A. Reagan? Kilala niyo siya? Then my mom answered yes. Tinanong pa nga ako kung bakit ko naitanong, kung nakauwi na raw ba kayo sa Pilipinas, sabi ko schoolmate kita."

"Mukhang gulat na gulat pa nga si Mom no'n eh. Nagtanong pa ako kung paano kita naging pinsan, sabi niya lang sa'kin 'wag na raw akong matanong basta pinsan kita." Pagpapatuloy niya sa kuwento.

"Hindi pala kita tita." Sarkastikong sabi ko.

"Aba! Oy alam mo ba ang gulo ni Mom, sabi pa sa akin, oo raw pinsan kita, huwag daw akong mas'yado maglalapit sa'yo. Eh diba dapat close tayo? Ewan ko magulo lang yata talaga utak ni Mom HAHAHA."

"Bawal ka daw lumapit sa guwapo."

"Ang kapal mo!" Sigaw niya sa akin na ikinangiti ko.

Maya maya ay nawala ang ngiti ko ng dumating si Juliane.

"Uy nandiyan pala kayo. Good morning. Siya nga pala, Jacinth and Herriette. Magstart na tayo mamaya para sa activity."

"Good morning din. Sige, so sa bahay niyo?" Tanong ni Herriette kay Juliane.

Akma akong aalis ng bigla akong tawagin ni Herriette.

"Hoy pinsan, teka, mamaya raw ha?" Pagpapaalala niya sa akin dahilan para itaas ko ang kamay ko senyas ng pag-oo ko. At doon tuluyan ko na silang iniwan.

Pataas na ako papunta sa room ng biglang may tumawag sa pangalan kaya't napatigil ako.

"Jacinth!" Lumingon ako at nakita ko ang isang babae. Hindi ako umimik, lumapit siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Kilala mo ba ako?" Tanong niya sa akin. Dinapuan ko lang siya ng tingin. Hindi ko siya kilala.

"Halaaa! Teka sila bang dalawa?"

"Ang swerte naman ni girl."

"Swerte sila sa isa't isa. Guwapo tapos maganda."

Rinig kong tsismisan sa mga est'yudyanteng ngayo'y nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko nalamang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ng tahimik.

"Hoy teka hintayin mo naman ako." Pagkapit niya sa balikat ko. Tiningnan ko iyon kaya naman inalis niya ang kamay niya dito.

"S-sorry. Ahm, classmate mo ako. Hindi mo siguro ako tanda. I'm Viana Allison E. Parsley." Inilahad niya pa sa akin ang kamay niya.

"Ipapahiya mo ba ako rito?" Dagdag niya pa dahilan ng pagtugon ko sa kamay niya. Siguro titigilan na niya ako pagkatapos nito.

Isang liwanag ang bigla nalang kumislap sa pagitan namin ng babaeng kahawak ko sa kamay.

Mayroong kumuha sa amin ng litrato. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon pero hindi ko nalang pinansin. Matapos kong bitawan ang kamay ni Viana ay umalis narin siya.

Mabuti naman at nilubayan na rin ako noon. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon